"Every one is waiting." bungad ni Vladimir. Agad tumango si Lucian at hinarap si Sonja. Masuyo siya nitong nginitian at hinalikan sa labi. Natunaw agad si Sonja pero pinilit niyang kalmahin ang sarili. Mayroon pa ring hindi sinasabi si Lucian.
They had mindblowing sex but that was it. Pagkatapos noon ay nagpahinga sila at lumabas. At hayun na si Vladimir. Sinusundo na ito.
"Sama ako." aniya.
Tinitigan siya ni Lucian hanggang sa tumango. "Fine. Let's go."
Lumabas na silang tatlo. Agad bumungad sa kanila ang mga lycan. Tahimik at naghihintay ng balita. Tumikhim muna si Lucian at sinabi ang mga impormasyong dala ni Vladimir sa pagkawala ni Silas.
"We only have two choices: we wait for the vampires or we attack them. Ano sa tingin ninyo ang magandang gawin?" malakas na tanong ni Lucian.
Umugong ang bulung-bulungan. Si Sonja naman ay nabigla sa narinig. Iyon ang planong sinasabi nito? Lalaban ulit sila kahit aling choices ang piliin! Agad siyang nagalala. Napatayo si Sonja.
"Lucian," nagpipigil na tawag pansin niya rito.
"Nasisiguro kong sasabihin ni Silas ang lugar na ito. Kahit umalis tayo, hahanapin nila tayo. Hindi pa rin matitigil ang lahat. Ang paraan lang na naiisip ko para matigil ito ay tayo mismo ang magpatigil. Who agree with me?" malakas na tanong ni Lucian.
Sumigaw nang pagayon ang mga lycan. Nakaramdam ng panghihina si Sonja. Hinawakan niya si Lucian sa braso at determinadong umiling. "Lucian! Ilan lang tayong susugod! Napakarami ng mga bampira. Ayokong mapanahamak ka!" alalang saad ni Sonja.
Natawa ang isang lycan. "Hindi mo yata kilala ang heneral. Kaya nga siya kinuhang heneral ng dating hari ay dahil sa husay niya sa pakikidigma. Sa lahat ng mga heneral ay siya lang ang mayroong kaunting mandirigma. He could release our full potential in battle. Balewala pa itong nakikita mo pero masisiguro kong kahit gaano pa sila karami ay kaya naming silang talunin." positibong saad nito.
Hindi maintindihan ni Sonja ang sinasabing 'full potential' nito kaya hindi siya nakumbinsi. Titig na titig pa rin siya kay Lucian. Ito ang hinihintay niyang magsalita.
Napabuntong hininga si Lucian at tinitigan si Sonja. "There's no other way. Ito lang ang naisip kong paraan para tuluyan tayong matahimik lahat."
"Pero-"
"Lumaban tayo. Let's stop the war. Alam kong nangako ako na uurong na at pupunta tayo sa Pilipinas pero hindi na ganoon ang sitwasyon. Kailangan natin silang unahan." giit nito.
Natahimik si Sonja. Iniisip niyang maigi ang gustong mangyari ni Lucian. Napabuntong hininga ito at hinawakan ang pisngi niya. She quivered the moment she felt his warmth.
"Kung ayaw mong sumama ay ginagalang ko iyon. Puwede mo naman akong hintayin sa Pilipinas. Babalikan kita. Pangako." puno ng sinseridad nitong saad.
Napasinghap si Sonja at nagkadailing. Maisip pa lang na malalayo siya rito ay nai-stress na siya.
"No. I want to be with you!" giit niya.
"Trust me. Pupuntahan kita sa Pilipinas pagkatapos atakehin ang mga bampira-"
"No! I'd rather fight with you!" determinado niyang sagot. Napabuga siya ng hangin. "Hindi ako mapapanatag. Isa pa, I realized this is my fight too. Tama ka. Pareho nating tatapusin ito."
At nagpilitan pa silang dalawa hanggang sa napahinuhod ito. "Fine." anas ni Lucian at nagyakapan sila. Nagpalakpakan ang mga lycans hanggang sa pakawalan ni Lucian. Natunaw ang puso niya nang masuyo siya nitong titigan.
"We'll end the war. Okay?" pangako nito.
"Okay." aniya.
Naghiyawan ang mga lycan. Nagkangitian na lang sina Lucian at naghawakan ng kamay. Together. They will end the battle.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
General FictionW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...