48. CHANGED

2.6K 79 1
                                    

"We need to change the route. Nasisiguro kong oras na nakapagsumbong sila sa plano natin ay sasalubungin tayo para atakehin. Madadagdagan nga lang nang isang araw ang paglalayag natin." ani Lucian matapos ang mahabang diskusyon sa mga lycan. Mahigit dalawang oras na silang naguusap-usap tungkol sa nangyari. Kani-kaniyang ideya at kani-kaniyang opinyon. Nakikisali rin si Sonja sa usapan at natutuwa siya dahil pinakikinggan din ng mga lycans.

"I agree." ani Vladmir.

"We also agree." ayon ng ibang lycans. Halos sabay-sabay silang sumagot.

"Magpapakawala ako ng ibon para mapadala ng message sa ibang barko tungkol sa napagusapan natin." ani Sonja. Dahil wala silang bangka ay iyon ang paraang naiisip ni Sonja para makapaghatid ng balita.

Hinarap siya ni Lucian. "Okay. Do that. Thanks." grateful nitong sagot.

Napabuntong hininga si Sonja at hinarap ang mga kasamahan. "Nahihiya tuloy ako sa inyo. Pasensya na kayo dahil sa mga nangyayari." nagpapakumbabang saad niya.

Tumayo ang isang matandang lycan. "You don't have to apologize. Sinusuportahan ka namin dahil naniniwala kaming kayo ang makakatapos ng digmaan. Matanda na ako. I want to live a peaceful life too. Hindi mangyayari iyon kung patuloy ang digmaan. Hindi ako puwedeng magtago. Hahanapin din ako ni King Socorro."

"Tama. This would be the end. Asahan mong nakasuporta kami." singit ng isang binatang lycan.

Napasinghap si Sonja nang hawakan ang kamay niya ni Lucian. Napatingin siya rito. "You don't have to worry. Hindi nagbago ang pagtingin nila sa 'yo."

Nagsiayunan ang lahat ng mga lycans. Nakahinga nang maluwag si Sonja.

Nagpatuloy ulit ang paguusap nila hanggang sa saglit siyang nagpaalam at kumuha ng papel. Binalikan niya si Lucian at pinagawan ng mensahe na ipapadala sa ibang barko.

Agad itong tumalima. Makalipas ang ilang minuto ay binigay na ni Lucian ang mga sulat at lumabas na si Sonja. She cast a spell. Nang lumitaw ang crow niya ay agad niyang tinali ang message sa paa nila at inutusang ihatid iyon sa iba't ibang lycan sa ibang barko.

Bumalik na siya. Natigilan siya nang makitang katabi na ni Lucian sina Axie at Chi. Pare-parehong seryoso ang mga ito dahil binibilinan ni Lucian. Hindi na sana iyon papansinin ni Sonja pero napansin niyang natapos nang magsalita si Lucian. Paalis na sana ito nang biglang bulungan ni Axie at hindi nakatakas sa paningin ni Sonja na dinilian nito ang tainga ni Lucian!

Nginatngat ng selos si Sonja. Dali-dali siyang lumapit. "What's going on?" nagtitimping tanong niya.

Agad napatayo sina Chi at Axie. Biglang na-guilty ang itsura ng dalawa. Hindi na itinago ni Sonja ang pagkakasimangot.

"It's nothing." seryosong sagot ni Lucian.

Tinitigan niya ito. "Nakita ko iyon." nagtitimping sagot niya.

Napatango si Lucian. "But you don't have to worry about that. Trust me. It's nothing."

Tiningnan ni Sonja ang dalawang babae at dali-dali silang umalis. Hindi na tuloy niya masita dahil kumaripas sila nang talilis. Napabuga na lang ng hangin si Sonja.

"Let's go." ani Lucian at iginiya siya palabas. Sa rooftop siya dinala nito. Nagiinit pa rin ang ulo niya. Nagseselos talaga siya.

Lucian gave her back hug. Hinalikan din nito nang mariin ang pisngi at sinamyo ang buhok niya. Napapikit si Sonja. Parang nawala agad ang bigat nang dibdib niya. That's how Lucian affects her. Just simple kiss and touch, everything seemed to stop.

"There are three things I always want. First, I want to touch every inch of you. Second, I want to taste every part of you and the last, all want is you." lambing nito.

Napakagat sa ibabang labi si Sonja para pigilan ang sariling mapangiti nang maluwang. Nakakakilig talaga ang mga sinasabi ni Lucian.

"Wala nang magiging iba. Kuntento ako sa 'yo. Trust me. Okay?" pangako nito.

Humarap si Sonja kay Lucian. Yakap pa rin siya nito at hindi pinakakawalan. "What if your lycan's sexual desire awakens?"

"Lagi namang nagigising. Ikaw ang nakakapagpagising. You see, you changed me. I don't want other woman now. Kahit gaano karami pa 'yan. Kahit gaano pa sila kaganda. Ikaw lang, wala ng iba." sinsero nitong saad.

Napangiti na si Sonja. Ah, mabibigyan niya ito nang masarap na ganting pala. "You should be rewarded." aniya.

"I like that. Are you going to rape me again?" na-amuse na tanong ni Lucian.

Napahagikgik siya. She was starting to think kinky. Ah, may naisip na siyang magandang paraan para makabawi rito. He deserves it. Lahat, ginagawa nito. Maano na lang na gantimpalaan niya?

"No. Well... I think I just start everything nicely and end up with a mind blowing orgasm." pilya niyang bulong.

"Oh, fuck... like right now?" natatarantang tanong ni Lucian. Mukhang gusto na siyang bitbitin papuntang kuwarto!

Napatingin si Sonja sa loob ng kuwarto kung saan naguusap-usap ang mga kasamahan nila. "Puwede mo na ba silang iwanan?"

"Hell, yeah." anas nito.

Doon dumating ang crow ni Sonja. Napaungol na lang si Lucian. Napabungisngis tuloy si Sonja. "Wait. Tingnan muna natin ang sagot nila."

Napabuga ito nang hangin pero tumalima sila. Nakahinga nang maluwag sina Lucian at Sonja nang mabasa. Umayon ang mga kasamahan nila na ibang direksyon ang tatahakin.

Ilang sandali ay pumasok sila sa loob at nakipagusap sa mga kasamahan. Sinabi nila ang sagot ng kabilang barko. Mukhang nakahinga nang maluwag ang mga kasamahan nila.

"Let's go." ani Lucian.

"Wait." awat ni Vladimir.

Muntik nang matawa si Sonja nang mahinang napamura si Lucian. "Mauuna na ako sa kuwarto." bulong niya at kinindatan ito. Napabungisngis siya nang mapakamot sa batok si Lucian at hinarap na si Vladimir.

Solong bumalik ni Sonja sa kuwarto. Naligo siya at nagpabango. Hindi na siya nagabalang nagbihis. Nahiga na siya at hinintay si Lucian. Bumangon lang siya at naghanap ng tali.

She grinned when she found one.

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon