"Are you okay?" masuyong tanong ni Lucian. Hindi ito nilingon ni Sonja. Nakatitig lang siya sa ilog. Naupo ito sa tabi niya at bumuntong hininga. Nang bumaba ang init ilang oras nang nakararaan ay tumahimik na si Sonja. Hindi naman siya kinulit ni Lucian. Alam niyang gusto rin nitong makapagisip siya.
And hour after hour, Sonja realized that she was completely in love with him. Naiinis tuloy siya sa sarili. Pagkatapos na lang ng lahat ay nanaig ang damdamin niya. Nahihiya tuloy siya sa ina...
But her feelings were still greater than her pains. Naisip din niya na napakabuti ng nanay niya. Alam ni Sonja na kung nabubuhay lang ito, sigurado siyang ayaw din nito na masaktan siya. Maiintindihan nito kung pipiliin niyang makasama si Lucian.
And she thought everything thoroughly. Dahil sa damdamin, alam niyang marami rin siyang makakalaban. Maraming hadlang. Maraming hindi matutuwa oras na maging pormal sila ni Lucian.
Lucian was a lycan and she's a half breed. Paano ang mga kalahi nila? Ang mga kapatid nito na obvious ay hindi siya gusto? Paano ang lahat ng mga imortal na hindi matutuwa sa desisyon niyang makasama ito?
"Kasama mo ba si Malakai?" tanong ni Sonja.
"No. Alam na niya ang desisyon ko." ani Lucian at sinabi ang naging paguusap nito.
Gulat na napatingin si Sonja. "N-Nagaway kayo nang dahil sa akin?" hindi makapaniwalang anas niya.
"Nakahanda na ako. Alam kong hindi iyon ang huli naming pagkikita. Alam ko rin na nakarating na ito sa hari. Dalawa lang ang naiisip kong mangyari. Hulihin tayo o ikulong. Kilala ko si King Socorro. He will not tolerate this. Mahalaga ang digmaan para sa kanya. Gusto niyang ubusin ang mga bampira at hindi siya makakapayag na malagay sa alanganin ang lahat nang dahil sa atin." malamig nitong saad.
Marahang napatango si Sonja. So hindi na rin pala talaga puwede ang plan B ni Sonja na sa hari dumikit para makuha ang plano. Si Lucian na lang pala talaga ang makakatulong sa kanya. Siguradong nasira na siya kay Socorro. Hindi na siya umaasang magsabi si Malakai nang magandang salita tungkol sa kanya.
"S-Si Silas? Nasaan siya?" pigil hininga tanong niya.
"Dinala ni Malakai sa England. Sigurado akong pinahihirapan na siya roon. Pinipiga para malaman kung nasaan ang hari ng mga bampira." seryosong saad ni Lucian.
"Ang mga kagrupo mo—"
"They vowed to me. They are loyal. Look," hinawakan ni Lucian ang dalawang kamay ni Sonja at pinakatitigan. Napalunok siya nang makita ang determinasyon nito. "You need an army. You need us. Maniwala ka, kapag naisip ni King Socorro na ipapatay tayo, lalaban tayo. I have the best army. Maybe it's not much. Sampung libo lang kami pero maipagyayabang ko na kaya naming lumaban. Kaya ka naming suportahan. Nakahanda kaming gawin iyon para sa'yo."
She was speechless. Nalulula siya. Hindi siya makapaniwala sa sakripisyong ginawa ni Lucian pati na rin ang grupo nito.
"Bakit mo ito ginagawa?" pigil hiningang tanong ni Sonja.
Natigilan ito at pinakatitigan siya. Her heart melted when he stared at her tenderly.
"You're still asking? Hinanap kita sa buong Japan. Kinalaban ko ang kapatid ko. Hindi mo pa ba alam ang sagot?" namamanghang tanong nito.
"Bumabawi ka? Ganito ka bumawi?" hindi makapaniwalang tanong ni Sonja. Kahit mayroong nabubuong ibang idea sa isip ay ayaw niya iyong in-entertain. Natatakot siyang baka magkamali. Mahirap mag-assume. Baka tuluyan na siyang madurog kapag nagkamali nang basa sa mga kilos nito.
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Genel KurguW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...