70. ROOM BANGERS FOR LIFE (FINALE)

5.5K 104 8
                                    

After one year...

"Ready?" untag ni Lucian kay Sonja. He gave her back hug and kiss her head. She smiled. Happiness and contentment enfold her. Wala na talagang mahihiling pa si Sonja dahil tuluyan na nilang nakuha ang kapayapaan.

Bago pa iyon, nagdesisyon din sina Lucian at Sonja na pakawalan ang mga lycan na loyal kay Socorro. Kagaya ng mga bampira ay nagulat ang mga ito. Pinaliwanagan nila ang mga itong tapos na ang digmaan at dapat na silang magsimulang lahat ng panibagong buhay.

Sa simula ay hindi sila agad kinilala pero makalipas ang ilang buwan, kusa silang nakipagayos. They realize they want peace. They want to start new. At the end, they recognized her Sonja as their ally.

Nagsimula ang mga lycan sa England. Ang mga bampira naman ay nagdesisyong mamalagi na sa Transylvania. Parehong nagsimula ng buhay at sa ngayon ay nakakabangon na.

Nabuwag na rin ang sistemang alipin. Sa ngayon ay wala nang bampirang sunud-sunuran. Ang mga half breed ay malaya na ring namumuhay. Ang ilan ay balak sumama kay Sonja para magaral ng sorcery sa Pilipinas. Napadalhan na nila ng message si Ursula at payag ito na magturo sa mga ito.

Humingi nang paumanhin ang mag-amang Ofelia. Dahil sa nakitang sinseridad ng mga ito at hiya, sa huli ay pinatawad na nila. Ang mahalaga ay nakitaan nila ito ng pagsisi. Sumumpa rin ng katapatan ang dalawa na tinanggap na nila.

Si Axie naman ay nakahanap na rin ng permanenteng partner. Isang lycan iyon. Naging magkaibigan din sina Sonja at Axie. Humingi rin ito ng pasensya sa mga nangyari na pinatawad naman ni Sonja dahil wala na siyang makitang dahilan para hindi ito patawarin.

Tuluyan na silang natahimik. Lagi niyang pinasasalamatan si Lucian. Kundi dahil dito, hindi mangyayari ang lahat ng iyon.

Two months ago, kinasal sina Sonja at Lucian sa Transylvania. Nagpunta ang mga lycans mula England para saksihan ang pagiisang dibdib nila. It was full moon. For them, it was a lucky night. Ang matandang Obispo ng mga bampira ang nagkasal sa kanila.

After that, they made love over and over. Ilang araw silang hindi lumabas sa kuwarto. Kung puwede lang, hindi na sila lalabas. They can't get enough of each other. Ganoon nila kamahal ang isa't isa na halos ayaw na nilang mawalay. Pero dahil sa may mga bagay na kailangan nilang personal na tingnan at bisitahin sa Transylvania, napipilitan silang tigilan ang isa't isa. Sila kasi ni Lucian ang tumulong sa mga bampira para makabangon. Nagtulungan silang ayusin ang lugar ng mga bampira at makapagtayo pa ng maraming pabahay para sa mga aliping dating nakatira sa basement.

Napili ng lahat ng bampira na si Josef ang mamahala sa grupo ng mga bampira. Ngayong araw iyon ia-annouce at pormal itong ipakikilala. Pagkatapos noon ay aalis na sila sa Pilipinas.

"Yes. I'm ready. Damn... I'll miss this place." anas ni Sonja at iginala ang paningin sa rooftop. Halos doon na sila namamalagi ni Lucian. Kapag walang ginagawa, kung hindi sa kuwarto ay doon sila nagpupunta.

And they will made love there over and over. Para silang Eba't Adan. Napupuno ng halinghingan iyon at maraming beses na naging saksi sa maiinit nilang pagtatalik.

"I made a promise, right? Gagawan kita ng ganito sa Pilipinas. Kahit gaano kahirap, gagawin ko. I'll do everything for you." pangako nito.

Humarap si Sonja at hinawakan ang mabalbong mukha ng asawa. "Thank you."

"My pleasure." anas nito at hinalikan ang ibabaw ng kamay niya.

"Sir, they are ready." bungad ni Vladimir.

Tumalima na sina Sonja. Lumabas na sila at nakita ang mga bampirang matyagang naghihintay ng kanilang announcement.

Nagsalita na si Sonja. Pinakilala niya si Josef bilang pinuno ng mga bampira. Umugong ang palakpakan. Hindi na nagtaka si Sonja dahil sa loob ng isang taon ay pinakita ni Josef na mahusay ito.

"Matalinong bampira si Josef. Nakapagaral na rin siya kung paano makipaglaban at magilas naman. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay logical niyang judgment. Gusto ko rin ang idea niya tungkol sa ating mga imortal. Marami siyang plano para mag-level up ang mga bampira. Nagbabago na ang panahon at dapat ay makasunod na tayo. And those plans are not for me to say. Si Josef na ang magpapatunay at magsasabi noon sa inyo." paliwanag ni Sonja.

Ngiting humarap si Sonja kay Josef. "Your turn. Good luck."

Huminga ng malalim si Josef at hinarap na ang grupo. Napangiti siya ng makitaan ito ng determinasyon. Walang takot at hindi na-intimidate sa katahimikan. It was a good start though. Pinakita nitong hindi ito malambot.

Hinayaan nilang magsalita si Josef at kuhanin ang loob ng mga bampira sa loob ng ilang oras. Nang matapos ay pinalakpakan ito. Natuwa si Sonja dahil pinakinggan ito.

"We need to go." ani Vladimir.

Ngumiti si Sonja. "Siguradong gusto mong sumama sa Pilipinas?"

Tumango ito. "Philippines is a nice place. Isa pa, baka kailanganin ako ni Sir Lucian."

"I agree. Let's go." singit ni Lucian.

Muling tinapunan ng tingin ni Sonja ang mga bampira at huminga ng malalim. Panatag na siyang aalis. They were in good hands now.

And she was with Lucian. She may not be the queen of the damned but she'll be forever Lucian's love.

Nagteleport na silang lahat kasama ang mga halfbreed na magaaral ng sorcery. Hindi nagtagal ay nasa Pilipinas na sila. Masayang sinalubong sila ni Ursula.

"We need to go. Sonja uses so much power. She needs to rest." deklara ni Lucian.

"Ha? Okay pa ako." gulat niyang saad.

Minulagatan siya ni Lucian. "Pagod ka. Tara na!"

Agad na siyang dinal sa loob ng bahay ni Lucian. Dire-diretso siyang pinasok hanggang sa kuwartong dating tinutuluyan. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad siyang kinabig ni Lucian.

Doon natawa si Sonja. Basang-basa na niya ang panggigigil ni Lucian. "Hindi ka makapaghintay!" natatawang tukso niya.

Napangisi si Lucian. "Hell yeah. I miss you." anas nito at siniil siya ng halik. Makahalik ay parang hindi sila nito nagniig nang nagdaang gabi.

But she loves it. And that mind blowing kiss leads to mind boggling climax. And like Lucian used to do, he didn't stop until he ruined the entire room.






***THE END***



<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon