"Sonja! Come here, honey!" tawag ni Silas. Agad napakapit si Sonja kay Lucian nang ilahad ni Silas ang kanang kamay para abutin niya. Nagsilabasan ang mga pangil nila. Nanggigil siya kay Silas! How dare he to call him that way? Ang kapal! Makaasta ay parang wala itong kasalanan sa kanya!
"Don't go." mariing saad ni Lucian at niyakap si Sonja.
Tumango siya. "Hindi sira ang ulo ko para sumama sa kanya! Shhhhhhhh!" asik niya at galit na iniumang ang espada rito.
Naging malungkot ang itsura ni Silas. Mukhang nagpapaawa. "I'm sorry, honey. Ginawa ko lang naman iyon dahil wala akong idea sa mga nangyari. It was that man's fault! Can't you see? He's using you! He only wanted him to be a king!" pagsusumamo nito.
"Bastard!" galit na sigaw ni Lucian. Nanginginig ito sa sobrang galit!
"Lucian!" awat ni Sonja.
Dinuro nito si Silas. "Huwag mong ipasa sa iba ang pagkakamali mo! It's your fault! Hindi ka dumaan sa proseso! Ano'ng klase kang heneral? Hindi ka muna nag-imbestiga bago gumawa ng hakbang! You're nothing but a judgmental blood sucker! Damn you!" galit nitong saad.
Nagtiim ang bagang ni Silas. Nagpigil na salubungin ang galit ni Lucian. Nagsusumamo ulit itong tumingin kay Sonja.
"Please, I am begging you. Bumalik ka na sa amin. Sinabi ko na ang lahat sa hari. He wants you back. Nangako siya na aayusin ang sistema. Wala nang magiging alipin. Magiging pantay ang half-breed sa full breed. Just... just come back. I miss you..." pagsusumamo nito.
"Sonja, don't listen to him. This is just a trap!" giit ni Lucian at hinawakan ang dalawang balikat niya.
"Don't touch her, you filthy dog!" hindi makapagpigil na lait ni Silas.
Galit na napatingin si Sonja kay Silas. Sinagad talaga nito ng pasensy niya. Una ay pinatay nito ang nanay niya. And then this! Parang perpekto kung makalait kay Lucian! Kailan ba ito magtatanda at magbabago?
"Sonja, come on..." nagpipigil na tawag ni Silas.
"You're always underestimating my capacity to comprehend, Silas." malamig na saad ni Sonja.
"What are you saying?" kunwa'y takang tanong nito.
"Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko na lang ang lahat ng sinabi mo? Alam ko na ang lahat! You never loved me! Ginamit mo lang ako dahil sa mga sexual desires mo noon! Kaya madali lang para sa 'yo na parusahan ako! Hindi rin ako naniniwala na sa sinabi mo na gusto akong pabalikin ng hari! Mahina akong bampira para sa inyo! Hindi sira ang ulo ninyo para tanggapin ulit ako!" singhal niya.
Nagtiim ang bagang ni Silas. Tuluyang nabura ang mga paawa sa mukha. "Shit." angil nito.
"I know you. You're jerk. Hindi mo ugaling makiusap lalong-lalo na para sa akin!"
"Alright! Inaamin ko na! I'm just trying to get you. King's order. And let me tell you this. Dahil hindi ka naman pala tatanga-tanga kagaya nang una kong pagkakakilala, aaminin ko na ang lahat. Well, you're going to die anyway. You deserve to know the truth why I screw you over and over."
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" pigil hiningang anas ni Sonja.
"Your father killed my father. Your father was a vampire hunter. Napatay siya ng nanay ko at naparusahan ang nanay mo. Pero hindi ako nakuntento! I want all of you suffer! Kagaya ng naging paghihirap ng nanay namin ng nanay ko! We love my father so much. Tinanggalan ako ng karapatan ng tatay mo na magkaroon ng isang ama!"
BINABASA MO ANG
FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)
Ficción GeneralW A R N I N G !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! This story is published under RED ROOM. THIS STORY IS SPG. IT CONTAINS VIOLENCE, SEX, HORROR AND DARK THEME WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. ...