41. I'M SORRY

2.7K 91 1
                                    

Ano kaya ang iniisip niya? tanong ni Sonja sa sarili habang nakatingin kay Lucian. Nakaupo sa malaking bato sa kanang panig ng kuweba at nasa kanan naman siya. Mula nang hiwalayan siya nito dalawang araw nang nakararaan at sinabihang hindi basta-basta susuko ay hindi na siya nilapitan. Kinakausap pa rin at kinukumusta pero hanggang doon lang.

Hindi pa rin siya nakaka-recover. Masyado siyang ma-pride para hingan ito ng dugo para lumakas. Mabuti na lang ay hindi ito nagtataka kung bakit hindi siya nagte-teleport. Mukhang gusto rin nito iyon para ma-kumbinsi siya.

Nagawang pigilan ni Sonja ang sarili sa loob ng dalawang araw pero ngayon ay hirap na hirap na siya. Hindi na niya nakontrol na panoorin ito. He was naked. It was a lovely sight. Mukhang balewala namang ibinabalandra ni Lucian ang katawan. Pero sa kanya ay hindi!

She silently sighed. This man could really make her lose her mind. Idagdag pa niyang sobra siyang nalulumbay dito. Now she realized it wasn't just about sex. She missed him terribly. She wants to be with him.

Damitan kaya niya ito? Baka sakaling effective iyon. Kapag dinamitan niya ito ay mawawalan na ng temptation. Nakakatukso ang kahabaan kasi nito. Parang gusto niyang maipasok iyon sa kanya at muling maramdaman ang pagdudugtong ng kanilang katawan.

"Are you okay? Kanina ka pa bumubuntong hininga." tanong ni Lucian. Mukhang hindi na nakatiis.

Napabuga ng hangin si Sonja. Dito niya naibaling ang frustrations. "Okay lang ako. Wala kang pakialam kung bakit ako bumubuntong hininga." pagtataray niya at napakamot nang ulo. Minabuti niyang alisin ang balabal at ibinato iyon kay Lucian. "Itakip mo sa katawan mo. Naiirita ako."

Ngumisi ito. "Naiirita o gustong—"

"Lucian!" desperadong bulalas ni Sonja. Halos sabunutan na niya ang sarili.

Ang lakas nang tawa ni Lucian. "Fine. Mukhang nanggigil ka kaya tatakpan ko na."

Napaungol na lang si Sonja at umingos. Natawa ulit si Lucian at tinakpan na ang alaga.

"Did you do it?" tanong nito kapagdaka.

Napalingon si Sonja. "Did what?"

Nagkibit-balikat ito. "Touch yourself."

Namula ang mukha ni Sonja. "Bastos ka." asik niya pero guilty. Nagiinit ang mukha niya dahil natamaan nito ang katotohanan.

"You don't have to deny. I won't deny it. Totoong ginagawa ko iyon dahil sobrang nami-miss na kita." matapat nitong saad.

Napalunok si Sonja. Nagsimulang tumayo ang mga balahibo niya sa takbo ng usapan nila.

"H-hindi ka nahiyang aminin iyan?" iritadong tanong niya pero sa loob-loob ay nafa-flatter siya. She couldn't help it. This man desired her and that made her feel so beautiful. Pakiramdam niya ay napakaganda niya para pagnasahan nito.

"Why would I? Sa iyo ko lang naman ito inaamin. Hindi ito isang bagay na dapat ipinagkakalat. Gusto kong malaman mo na walang iba. Ikaw lang." amin nito.

Napatitig si Sonja kay Lucian. Biglang uminit ang dibdib niya. Hindi niya mapigilang madala.

Humiga si Lucian sa ibabaw ng bato at tumingala sa madilim pa ring langit. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Every time I misses you, that's the only outlet I know how to reach you. I close my eyes I see your lovely face. I imagined kissing you, holding you. I imagine the tastes of your lips while pleasing myself..." anas ni Lucian.

Sonja swallowed. Hindi siya makapaniwala na iniisip siya ni Lucian sa ganoong paraan. Gusto tuloy niyang umamin na pareho sila. Makapangyarihan ang imahinasyon sa tuwing nami-miss nila ang isa't isa.

"Pero kahit ganoon katindi ang pangungulila ko sa'yo, hindi ko naisip na ibaling sa iba ang init ng katawan. Oh, by the way. Nagkausap na kami ni Ofelia." bumangon ito at hinarap si Sonja. "Gusto kong malaman mo na hindi ko siya pinapunta sa cabin. Hindi ko gagawin iyon dahil may respeto ako sa 'yo."

Hindi na naman makapagsalita si Sonja. Paano pa niya magagawa kung tinatamaan siya sa mga inaamin nito?

"I'm sorry for hurting you so much. Kaya nga kita hinanap. Gusto kong bumawi. Let me be your slave. Gamitin mo ako para magawa mo ang mga plano mo." sinsero nitong saad.

Ah! She was really speechless! Hindi na niya alam kung paano sasagutin si Lucian. Nabuwag nito nang bahagya ang determinasyon at disposisyon niya.

"Think about it. Okay? I will patiently wait." dagdag nito.

And Sonja started to think really hard now. Hindi niya napigilan ang sarili dahil na rin tuluyan niyang nai-consider si Lucian bilang kasama.

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon