53. YOU ALONE

2.2K 74 1
                                    

"Ang tagal naman nila..." naiinip na bulong ni Sonja sa sarili at napatingin sa papaliwanag ng langit. Anumang oras ay sisikat na ang araw. Good thing, hindi ganoon kainit sa isla. Ang sabi ng isang babaeng mandirigmang lycan na naiwan ay lampas Atlantic Ocean na raw sila. Ilang panahon na lang ay makakarating na sila sa UK.

She sighed. Minabuti niyang bumaba at maghintay na lang sa dalampasigan. Pero pagbaba niya ay lihim siyang nagsisi dahil naabutan niya sina Chi at Axie roon. Mukhang nagbabantay dahil hawak nila ang kani-kanilang armas.

"Bored?" nakangising tanong ni Chi.

Isang simpleng tango lang ang isinagot ni Sonja at tumalikod na. Lihim siyang napamura nang tawagin ni Axie.

"Stay here. Nakakabagot sa taas. Dito mo na lang hintayin ang heneral. We also want to say something." makahulugang saad ni Axie.

Base sa kislap ng mga mata nang magkaibigan ay hindi niya magugustuhan ang 'something' na balak nitong sabihin. But she's also dying in curiosity. Nagtalo ang isip niya pero sa huli ay nanaig ang kuryusidad. Naglakad siya palapit sa dalawa.

"Ano'ng gusto mong sabihin?" malamig na tanong ni Sonja.

Nagtinginan ang magkaibigan. Tila nagu-udyok ang tango ni Chi kay Axie kaya mukhang nagkaroon ito nang lakas ng loob na magsalita.

"I'll cut the bullshit. Let's talk about Lucian." confident pang panimula ni Axie.

Kumabog ang dibdib ni Sonja. Kinakabahan siya sa gustong sabihin nito. "Sabihin mo na at nang makaalis na ako." kunwa'y inip na sagot ni Sonja.

"Simula naman nasubukan nating makasiping siyang lahat. Bakit ngayon ay ayaw mo? Hindi naman kami kagaya ni Ofelia. All we're asking is share Lucian to us. Hindi naman namin siya aangkinin. Alam naman namin na ikaw ang mahal niya. But sex is different from love. Lycan siya at matindi ang sexual desires niya." ani Axie.

Nainis si Sonja. "Ayoko nang hinihiling mo. Hindi damit si Lucian na puwede kong i-share sa inyo at ipahiram. Yes, he's lycan. Naalala ko ang mga sinabi mo dahil noon ay iba ang tingin ko sa lahat. And his apetite in sex is way different but he made a promise. Siya mismo ang nag-assure sa akin na wala ng ibang babae ang gusto niyang makasama. Ako lang. Iba na ngayon. Hindi na ako makakapayag na mangyari pa ang lahat noon." giit niya.

"Pero-"

"I love him! And I don't want him to share. Bear that in your mind. Maghanap kayo ng ibang lalaking puwede ninyong pag-share-an na magkaibigan." asik niya at tumalikod. Malalaki ang hakbang na umalis siya at bumalik sa kuwarto.

Inis na inis talaga siya. Hindi makapaniwala sa gustong mangyari ng dalawa. Sana lang talaga ay tumigil na sila.

Doon napatunayan ni Sonja na malalim talaga ang pagmamahal niya kay Lucian. Handa siyang ipaglaban ito. Kahit sabihing nangako si Lucian ay gagawin pa rin ni Sonja ang parte bilang babaeng nagmamahal dito. Ipaglalaban niya ito kahit kanino.

Nagkulong na lang si Sonja sa kuwarto. Oras ang itinagal bago dumating si Lucian.

"Why? Ang haba ng nguso mo." biro nito at alam ni Sonja na pinagagaan lang nito ang loob niya.

Hindi nagdalawang isip si Sonja. Sinabi niya ang mga nangyari sa kanila nila Axie. Napailing si Lucian at seryoso siyang tinitigan.

"Kinausap nga nila ako sa baba kanina." anito.

Napatuwid ng upo si Sonja. "A-Ano'ng napagusapan ninyo?" pigil hiningang tanong niya. Naikuyom niya ang mga kamao. Hindi pa man din niya naririnig ang lahat ay nanggigil na siya!

He shrugged. "Kagaya nang sinabi mo, sinabi rin nila sa akin 'yan. I refuse. I told them that I made a promise and I don't want to live a life like I used to. I told them that I love you and you're the only woman I want."

"T-talaga?" parang nagkaroon ng mga fireworks sa kalawakan dahil sa deklarasyon ni Lucian.

Nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Lucian at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Yes. Talagang-talaga. So you don't have to worry. They were only asking for sex. Makakahanap sila ng ibang lycan na makakapagbigay ng init na hinahanap nila."

"Hindi ka na maghahanap ng ibang babae? Even your lycan sexual desires calls you?" tanong ni Sonja.

"We already talked about this, right? Trust me. I have the same answer. Ikaw lang, wala ng iba. Bakit pa ako maghahanap kung nararamdaman ko ang contentment sa'yo?"

Napangiti na si Sonja at kinilig. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo."

Ngumiti na si Lucian at masuyong hinaplos ang labi niya. "You're so beautiful." humahangang anas ni Lucian. Sincerity and honesty was written in his eyes making her heart beats wild.

Napakagat sa ibabang labi si Sonja. Nakaka-flatter na mapuri ng ganoon ng isang napakaguwapong heneral. Pakiramdam tuloy niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. This man made her feel so special.

"Thanks. You're beautiful too. Kaya maraming naloloka sa 'yo." biro niya.

Mahina itong natawa at nailing. "I don't care about them. Ikaw lang ang gusto kong maloko sa akin."

Napabungisngis si Sonja at gigil na pinisil ang pisngi ni Lucian. "Don't worry. I'm crazy for you."

He kissed her savagely. The passionate kiss end up with a mind blowing orgasm...

FIERY VENGEANCE (PUBLISHED UNDER RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon