3RD GENERATION OF "THE BILLIONAIRE HEIRESSES"

2.4K 38 0
                                    

Zoila Montenegro POVS:

MMA,BULACAN

Ang MONTENEGRO MILITARY ACADEMY ay nagsimulang itatag nuong taong 2015.Ito ay nagsimula lang nuon sa mahigit kumulang limang daan at limampung mga mag aaral na gustong maging sundalo ngunit kapos sa buhay at walang kakayahang mapag aral ng kani kanilang mga magulang.Pero ngayon nga ay dumami na at umabot na sa limang libo at limang daang mga studyanteng naka enroll.

"Perth,Where are you? Bakit hindi mo na naman sinasagot ang tawag ko ha? This time,Ano na naman ang idadahilan mo sa akin?_AKO.Kanina ko pa kasi kinokontak si Perth para alamin kung nasaan sya pero hindi nya naman sinasagot ang tawag ko.Nag aalala na kasi masyado ang Mama Maui nya.

"Papa,Im okey.Medyo busy lang po kaya hindi ako madalas makatawag.Isa pa,Madalas na walang signal sa mga pinupuntahan naming lugar kaya po wala talagang chance na makakontak palagi sa inyo.Pasabi na lang po kay Mama na namimiss ko na sya and i love her so much.Pati na po kayo Papa._Perth.

"I told you not to go there pero mas gusto mo pa ding mag stay dyan.Hindi ka paba nag sasawa sa lugar na yan at mas gusto mo pang mag stay ng matagal dyan kaysa umuwi sa sarili mong bahay?_AKO.Bibihira na kasi syang umuwi ng mansyon unlike before na halos araw araw ay nasa bahay sya pagkatapos ng duty nya.

"Pero papa,Alam nyo naman na mas kailangan ako dito.
Walang masyadong kaguluhan dito pero madaming tao pa din ang kailangang tulungan.Alam ko naman po na naiintindihan nyo ko ng Mama at nagpapasalamat ako sa suportang ibinibigay nyong palagi sa akin.Salamat papa._Perth.

"Haaaist!Ano pa nga bang magagawa ko kung mas gusto mo pang mag stay dyan kaysa dito sa atin.Kaya mag iingat ka dyan palage anak.Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng Mama mo.Nag iisa ka lang naming anak,Mahalaga ka sa amin ng nanay mo at palagi mong alagaan ang sarili mo ha._AKO.Kahit medyo naiinis na ko ay mas pinili ko pa ding kumalma na lang dahil ayaw ko namang ma stress ang anak ko dahil sa akin.

"Mahal na mahal ko din naman po kayo papa at pati na din si mama.Pa,Tinatawag na po pala kami sa barracks ng superior namin,Tatawag na lang po ako ulit pag may pagkakataon.
Bye Pa!_Perth.Kahit gusto ko pa syang maka usap ng matagal tagal ay wala na akong nagawa pa.

"Pasensya na po Atty.Montenegro pero masyado po talagang aktibo si Perth sa pagtulong. Madalas nga pong halos sya na lang ang gumagawa duon kapag gabi na pero never po namin syang nakaringgan ng pagri reklamo.Talagang napaka dedicated nya sa sinumpaang tungkulin._Sgt.Hermosa.
(Sya ang may pinaka mataas na ranggo sa eskwelahan)

"Naiitindihan ko po sergeant.Talaga po kasing ganyan ang batang yan mula pa nuon.Masyado po talagang focus at ayaw ng may iistorbo sa kanya sa mga ginagawa nya at sa gusto nya.Pero hindi pa din maalis sa akin ang mag alala,Lalo na ang Mama nya dahil nga mas madalas pa syang nasa trabaho kaysa maglagi sa amin._AKO.

"Hayaan nyo po attorney,Kapag natapos na ang training nila dun sa Zambalez ay kaagad ko syang pauuwiin sa inyo._Sgt.Hermosa.Last year na ni Perth sa kolehiyo at nasa training na sya.Ilang buwan na lang at tapos na sya ng pag aaral.

"Salamat po ng madami Sgt.Kayo na po ang bahala sa anak ko at sana'y mas dumami pa ang mga estudyante nyong gustong makatulong sa bayan.Sige po at magpapa alam na din ako.Salamat ulit._AKO.Matapos ang pagbisita ko sa MMA ay dumiretso ako sa usapan naming lugar na pagkikitaan ni GUCCI PAMINTUAN,Ang aking matalik na kaibigan.Matagal tagal na din ang huli naming pagkikita mula ng manirahan sila ng pamilya nya sa CANADA.

"Panyero! Grabe,Namiss kita ng sobra! Ang gwapo mo pa din ha...Iba talaga mag alaga si MAUI ano,Literal na di ka talaga pinadadapuan sa lamok.hahahha._Gucci.Sya din naman ay makisig pa din at mamula mula ang mukha.Dahil nga kasi maganda ang klima sa Canada kaya halos hindi pa din sya tumatanda kahit parehas na kaming may malaki ng anak.Gaya ko ay iisa lang din ang anak nila ni KATIE (GUILLERMO PAMINTUAN).

"Namiss din kita ng sobra panyero! Iba din naman ang nagagawa ng malamig na klima ng Canada,Para yatang di ka tumatanda.Kamusta na si KATIE? Kelan sila susunod dito?_AKO

"Baka hindi din ako magtagal dito panyero.Ayaw kasi ng anak naming dito mag stay sa Manila.Mas gusto nya sa Canada.Pero takenote ha,Magaling ding managalog yung anak ko.Hindi sya kagaya ng iba na super slang at pure na englesera.Maiba nga pala ako panyero,Kamusta na nga pala si MAUI?(VILLAREAL MONTENEGRO)

"Ayun,namomoblema sa anak namin.Para kasing ayaw ng umuwi ng bahay at palaging nasa kampo na lang.Ang katwiran nung bata,Mas kailangan sya ng mga kababayan nya.Sabi ko nga dapat nag PARI na lang sya kung gusto nya palang makatulong.Ayaw paaawat.Kahit naman kasi anong pilit namin,Ayaw nyang napipirmi lang sa bahay.Naiinip daw sya._AKO

"Hahahaha.Iba din talaga mag isip ang mga kabataan ngayon anoh? Para din palang yung anak kong doktor.
Mas matagal pang inilalagi sa hospital kaysa sa amin.
Sa dami daw kasi ng mga nadidisgrasya ngayon,Mas kailangan nila ng mga doktor na gagamot sa kanila.
_Gucci.Isang doktor ang anak naman nila Gucci. Kasalukuyang intern pa lang sa hospital kaya hindi pa maka alis sa pinapasukan.

"Sana pala ay mas madami pa tayong inianak nuon.Para kahit nasa duty yung iba,May maiiwang anak sa bahay.
Hahahaha._AKO.Actually,pupwede pa naman kaming magka baby if gusto namin.Pero si PERTH ang ayaw ng magkaroon pa ng ibang kapatid.

"Sinabi mo pa!Sabi ko nga kay Katie,Magdagdag pa kami ng kahit isa pang anak...Kaya lang sabi nya naman,Malaki na si SAINT para sundan.Alanganin na._Gucci.

"May point nga naman.hahahaha. Mahirap na ding maghabol habol sa bata.Mag antay na lang tayo sa mga magiging apo natin._AKO.

"Yun nga din ang sabi ko sa kanya.Sa apo na lang bumawi.
Kapag residence na si Saint bilang doctor,Sabi ko sa kanya ay pupwede na syang mag asawa.Tinatawanan lang ako.
Akala yata nagbibiro ako.Hahahaha._Gucci.

"Syangapala panyero,maiba ako...Naalala mo ba yung napagkasunduan natin bago kayo umalis papuntang Canada? Nasayo paba yung copy mo ng napagkasunduan natin?_AKO

"Ofcourse!Isa nga yan sa mga dahilan ng pagpunta ko dito sa Manila.Pero ang tanong,Papayag ba naman ang mga anak natin sa kasunduan? Baka naman tuluyan ka ng di uwian nyang sundalo mo kapag nalaman nyang IPINAGKASUNDO MO NA SYA SA MAGIGING ASAWA NYA?_Gucci.

15 years ago...Bago magpunta ng Canada sina GUCCI at KATIE ay lumagda kaming apat sa isang MAHALAGANG dokumento.Isang SELYADONG papel na naglalaman ng isang napakahalagang KASUNDUAN...NA KAPAG DUMATING NA ANG IKA DALAWAMPU'T LIMANG TAONG KAARAWAN NG AMING MGA ANAK AY AMIN SILANG IPAKAKASAL.

Isang KASUNDUANG TULUYANG MAGBUBUKLOD SA AMING MAGKAKAIBIGAN BILANG MAGKAKA PAMILYA SA HINAHARAP.

3RD GENERATION:BILLIONAIRES HEIRESSES

Zee & Maui V Montenegro=(PERTH)ZOIE VILLAREAL MONTENEGRO

Gucci&Katie Guillermo Pamintuan= SAINT LAURENT Guillermo Pamintuan

Skyler& Marthena Pamintuan =CLOUD ATHENA PAMINTUAN

Aloha&Gari Asuncion Villareal=Margarette Jazz VILLAREAL

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon