88.SAINT

384 32 5
                                    




Katatapos lang ng PRESSCON kaya hindi na muna ako agad nakapag palit ng uniporme.Napakarami kasing tao na agad kumausap at  nagsipagbati sa akin after ng announcement ko.Napapikit ako ng mata habang namamahinga sa upuan ko.

"Kahit na antok at pagod ay mukha kapa ding anghel sweetheart.
I miss you._Malapit sa tainga ko ang pagbulong kaya naman langhap ko ang mabango nyang hininga.Idagdag pa ang pinaghalong pambabae at panglalaki nyang amoy na pabango.

"Perth...What are you doing here? Hindi ba't sabi mo may lakad kayong magkaka mistah?_AKO.Saka nya ako sinalubong ng halik sa aking labi.

"Tapos na kaming mag meeting.Hindi naman kami tumuloy sa bar kaya nagsipag uwian na lang ng maaga.Saka namiss kasi kita kaya dito na ko dumiretso agad.Kamusta ang araw mo,Madami bang pasyente?_Perth.Umayos ako ng pag upo at saka humarap sa kanya.

"Ayos naman ang araw ko kahit na medyo pagod.Nakaka pagod palang humarap sa press at nakaka kaba din ng bongga.
Mahirap kapag di sanay sa spotlight,Parang gustong mangatog ng tuhod ko kanina._Ako.Mabuti na lang at bilang lang ang mga tanong kaya di masyadong nakaka pressured.

"Spotlight? Presscon para saan? At bakit maypa presscon kayo dito sa hospital?May nangyari ba?_Perth.Inalalayan nya akong maupo kami sa malambot na couch dun sa recieving area ng opisina ko.

"Actually,Biglaan ko lang din nalaman na may pa Presscon pala sila Mom and Dad para sa akin.After kasi ng announcement natin about dun sa engagement,Agad na nagpahanda sila mom ng meeting with Press people.
Kailangan daw kasing ipaalam sa lahat ang naganap na proposal mo sa akin._AKO.Since dating anchor woman ang mommy Katie,Madami syang kakilala at kaibigan sa Press.

"You really need to do that? I mean,Dapat bang ipaalam talaga sa lahat na magpapakasal tayo? Bakit parang tayo lang naman ang kailangang gumawa nun?_Perth.Isa pa naman sa pinaka ayaw ni Perth ay ang spotlight.Kaya madalas na di sya umaattend sa mga party na may kinalaman sa negosyo ng pamilya nya.Ayaw nya na pinag uusapan sya.

"Well,Ganun kasi talaga kapag nasa business world ka.
Dapat ipaalam mo sa mga tao kung anong nagaganap sayo or kung mayroong pagbabago sa pamilya nyo.Para alam nila kung nasa tamang tao sila nag i invest ng mga negosyo nila._AKO.Isa sa natutunan ko sa larangan ng negosyo ay ang pakikipag sosyalan sa mga nasa business world.

"Then what happened after the Presscon,May nagbago ba? I mean tumaas ba ang stocks sa market? _Perth.Napangiti ako sa kanya at bahagyang tumango.

"Natural magkakaroon ng pagbabago pero hindi agad agad.
Bukod sa mas magiging popular ka sa mga tao,Mas madami ding mga negosyante ang posibleng mag invest at magka interest sa mga kumpanya ng pamilya natin._AKO.Sa larangan ng negosyo,Kapag nalaman ng marami na magsasanib pwersa ang parehong mayamang pamilya,Mas may chance na madami ang magsipag invest.Kasi mas makakasiguro sila na hindi malulugi ang kumpanyang sasalihan nila.

"Speaking of popularity.Shiiiiit.Kaya pala nung bumibili ako kanina ng cake dun sa paborito mong bakeshop,Lahat ng tao nakatingin sa akin.Kasi pala nagpa presscon ka at nalaman nilang ako yung Fiance mo.haaaaist!_Perth.

"Ano ba yang pinagsisintir mo,Dahil ba ayaw mong malaman ng mga fans mo na engage kana ganun ba ha? _AKO. Kahit biro lang ay gusto ko pa ding malaman ang nasa loob nya.

"Sweetheart,You know thats not what i mean.The point is you know how much i hate spotlight.At kaya ako napa mura dahil ngayon ko lang narealize how stupid Iam para di yun agad nalaman.Siguradong from now on,Hindi na tayo titigilan ng mga yan._Perth.

"Masasanay ka din,Hindi pwedeng habambuhay kang nakatago lang sa bundok.At hindi din pwedeng snobin sila dahil kakailanganin mo ang help ng mga yan balang araw.Wag kang mag alala,Baguhan lang din naman ako sa larangan na ito kaya magtulungan na lang tayo.Pareho kasi tayong late bloomer kaya hindi tayo ganun ka sanay._AKO.Agad nya akong niyakap at saka sya sumandig sa balikat ko.

"Iam willing to learn anything and everthing,little by little because i know i have you by my side sweetheart.
Hindi na din ako matatakot sa Press at mga ka negosyo nila Papa dahil alam kong nandyan ka para suportahan ako.Ganun din ako sayo Sweetheart,Magpapaka tatag din ako para sayo.Sabay nating ipagpapatuloy ang mga sinimulan ang ating mga LOLO at ng ating mga magulang.
_PERTH.Tuwang tuwa ako sa mga narinig ko mula kay Zoie.
Mas lalong lumakas ang kumpyansa ko at loob para harapin ang bago naming buhay.Hindi lang bilang mag asawa kundi bilang mga bagong sibol na mga negosyante.

"Ang mabuti pa siguro,Sabayan na kita dyan sa pagpasok mo sa School para pareho tayong matuto.Habang nasa camp pa ako,Pwede ko namang pakiusapan ang mga officer ko na mag aaral ako sa gabi.Para bago pa ko mag resign sa Army,May kaunti na kong alam sa pagpapatakbo ng negosyo.
_Perth.Bahagya akong na shock sa sinabi nyang magreresign sya sa army.

"Ano kamo,Magreresign ka sa Army? Pero bakit,Ang tagal mong pinaghirapan yang posisyon mo na yan ah.At saka diba pangarap mong maging General balang araw? _AKO.Saka sya ngumiti sa akin.

"Lahat naman ng mga sundalo,Pangarap maging isang Heneral.At tama ka,Pinaghirapan ko nga ang posisyon ko ngayon.Pero narealize ko na hindi pala pagiging isang heneral ang pangarap ko talagang maging balang araw.Ang totoong pangarap ko kasi talaga ay maging asawa ng Doktorang si Mrs.SAINT LAURENT PAMINTUAN MONTENEGRO balang araw.Yan ang talagang pangarap ko._Zoie.Bahagya akong namula pero kinilig ako ng sobra sa sinabing yun ni Perth sa akin.

"Ay iba din eh,May hugot!Sobra kong nasapol dito oh!
Grabeh sya.Corporal Zoie Montenegro,Ang mabuti pa ay ikain mo na lang yang mga litanya mo at siguradong gutom kana.Halika ng bumaba at ng di ka nalilipasan ng gutom._AKO.Agad ko syang hinila patayo sa couch at saka ko kinuha ang bag ko sa mesa.

"Opppssss! I forgot.Binigay ko na nga pala kay Nene yung kotseng dala ko kanina.Okey lang ba sayong mag cab tayo?_Perth.Saka ko sya nginitian at saka hinila palabas ng hospital.Sa jeep kami sumakay na dalawa since wala din akong dalang kotse ngayon dahil alam ko namang susunduin nya ako pauwi.

"Mamang pogi,Paabot naman ng bayad!_Ale na katabi naming dalawa.Pinaabot nya kay Perth yung bayad since mas malapit kami sa tabi ng driver ng jeep.

"Ang gwapo at ang ganda naman ng pasahero natin dito sa jeep ko.Ano ba kayo,mga artista? _Manong Driver.Nagkatingin kami ni Perth at nagpigil matawa.

"Para na po kami dyan sa tabi Manong driver.At saka di po kami artista.Salamat po._Perth.Ipinara kami ng driver sa tabi ng kalsada at saka kami magka hawak kamay ni perth sa pagbaba.Nagsipag kawayan pa sa amin yung mga pasahero na para kaming mga artista kaya tawang tawa kaming dalawa ni Perth.

"Naks naman Corporal,Unti unti ka ng nasasanay makipag sabayan sa mga tao ha.Very good ka dyan.Hindi kana nagsu suplado gaya dati._AKO.Saka sya nag kunwaring umirap sa akin pero natawa din naman kaagad

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon