Halos isang linggo ko din namang di nakita at nakausap si Perth kaya aminado akong namiss ko syang talaga.
Kaya naman masaya ako na muli syang makita ngayon habang sinasabitan sya ng medalya."Surprise Sweety!Congratulations on your promotion.Im so proud of you._Sophie.Mula sa likuran ko ay bigla syang bumulaga sa aming lahat.Maging ang parents ni Perth ay napa kunot ang nuo sa paglapit nya at biglang paghalik kay Perth.
"Sophie? What are you doin here? I mean,Papano mo nalaman na ngayon ang awarding ceremony ko?_Perth.Bakas din sa mukha nya ang pagka gulat sa biglaang pagsulpot ng ex gf nya.
"But ofcourse i knew it!Maaari ko ba namang palagpasin ang araw na ito.Syempre naman bilang nobya mo ay dapat lang na nandito ako sa mahalagang okasyon ng buhay mo._Sophie.Kumapit sya sa braso ni Perth at saka tumingin sa akin.
"Ang mabuti pa ay duon na muna tayo dumiretso sa pina reserve kong kainan.Tawagin mo na anak yung mga kaibigan mo.Kami na ng papa mo na ang bahala sa mga officer nyo.Sandali at sasamahan ko lang sya duon sa loob ng office nyo_Tita Maui.Dinedma lang nya ang presensya ni Sophie na hindi na talaga bumitiw sa pagkaka angkla sa braso ni Perth
"Sophie please mag behave ka...Nandito ang Papa at Mama.Saka bakit ba kasi nandito ka ngayon na hindi mo naman talaga ginagawa eversince? Haaaist,Tatawagin ko na muna yung mga kaibigan ko sandali kaya pwede ba?_Perth.Tumingin sya sa braso nya na hawak hawak pa din ni Sophie.Saka naman bumitiw si Sophie sa paghawak sa kanya.Naiwan kaming dalawa na nag aantay sa kanila dito sa may parking area.
"Wow naman,Close na close talaga kayo ng parents ni Perth noh? Iba na talaga kapag anak ng kababata.
Pero maiba ako,Ibang klase ka din anoh? Alam mo naman eversince na ayaw ni Zoie sayo hindi ba? Pero bakit nagsusumiksik kapa din sa kanya at nagpapa pansin ng todo?_Sophie.Since kami lang dalawa ang nandito kaya naman malakas ang boses nya habang kausap ako."Excuse me? Tama ba ko sa narinig ko,Ako ang nagsusumiksik sa kanya? Hahahahhaa.Sinasabi mo ba yan sa akin o Patama mo yan sa sarili mo girl?_AKO.
"Patama o gusto mong literal na tamaan ka ha? Totoo namang ayaw na ayaw ni Perth sa babaeng gustong ipakasal sa kanya ng parents nya nuon pa hindi ba?.Kaya nga nya ko binalikan at pinagmakaawaan kasi nga ayaw nyang magpakasal sayo! Feeling mo naman gusto ka nya talaga? Asa ka girl!_Sophie.
"Baka gusto mong ikaw ang tamaan ng kamay ko,Sa kabila naman para its a tie.Pasensya na girl pero hindi ako feelingera at asyumerang gaya ng iba.Alam ko kung anong lugar ko.Hindi naman ako desperada at lalong hindi ko ugaling isiksik ang sarili ko sa taong hindi ako gusto._AKO.
"Ayun naman pala eh,Alam mo kung nasaan ka lang.Sa tabi.
Kasi ako naman talaga ang babaeng gusto ni Perth na pakasalan,Hindi IKAW!.Sinabi nya sa akin nuon na kahit na ano pa daw ang gawin ng Papa nya sa kanya,Hinding hindi sya magpapakasal sa babaeng pinagkasaundo lang sa kanya._Sophie."Come to think of it,Kung talagang ikaw ang babaeng gustong pakasalanan ni Perth bakit hindi ka pa nya niyayaya? Kung gusto ka nga talaga ni Perth,Bakit di ka nya sinabihan na ngayon ang awarding ceremony nya at hinayaan nyang mag gate crash ka lang dito sa after party nya? Saka bakit parang wala syang pakialam sayo mula pa nung dumating ka?Ganyan ba ang klase ng babae na pakakasalan kamo ni Perth?_AKO.
"How dare you!Anong walang pakialam.Feelingera! Nagulat lang sya kasi nasurpresa ko sya ngayon.Hindi lang talaga ako umaattend ng mga events na ganito kasi ayokong naaarawan.Pero from now on,Palagi na ko sa tabi ni Perth kaya pwede bang dumistansya ka sa amin at wag ng umasa na magugustuhan ka nya!_Sophie.Saka nya biglang binuksan yung pintuan ng sasakyan kaya ako na out balance at muntik matumba.
"Oppppss! Sophie ano ba,Mag ingat ka naman... Tignan mo muna kung may matatamaan ka bago mo buksan yang sasakyan._Perth.Buti na lang at nasalo ako ni Perth dahil malamang na bumagsak na nga ako ng tuluyan sa semento.
"Hindi ko naman sya itinulak,Umusog lang ako kasi papasok na sana ako sa loob mg car mo,Mainit kasi dito sa labas mag antay.Pasensya na Dok._Sophie.Marahan na ang boses nya di kagaya kanina na pasigaw at parang naghahamon talaga ang away.Para syang maamong tupa ngayon.Unlike kanina na para syang tigre na gusto akong lapangin.
"Dok Okey ka lang ba? Hindi kaba napilayan or nasaktan? Halika na dun sa loob ng sasakyan para mas presko._Jenny.Inakay niya ko papasok sa loob ng coaster kung saan kami lahat sasakay.
"Salamat,Okey lang naman ako.Hindi naman ako nasaktan.
Hindi naman sinasadya ni Sophie yun,Nakaharang naman kasi ako talaga sa may pintuan._AKO.Nakakapagtakang hindi man lang ako tinignan ni Perth o sinulyapan man lang pagpasok ng sasakyan."Lets go na,Sa kabilang sasakyan na sina Mama at Papa sasakay.Mauuna na daw sila dun at sumunod na lang tayo.
_Perth.Magkatabi sila sa front seat ni Sophie na naka yakap ng husto sa kanya."Buti na lang Dok nandito ka,Namiss ka namin eh!Tagal na din yung last kita kita natin diba? Nun pa yung nagpropose ako kay Jayda._Nene.Napangiti ako sa kanya.
"Uu nga,Last month pa yun diba? Sayang wala sila Doc Nica,Ahahahha. Nag sarap asarin nung dalawa na yun ih.
_Anna.Sa maikling panahon na nakasama namin sila,Naging masaya at naging close na din sila sa mga kaibigan ko."Naku,Speaking of Doc Mercy nga pala.Tinawagan na ba sya ung nakilala nyang kaibigan ni Miss MJ? Yung blonde na seksing seksi manamit yun pala lesbian din? _Jenny.
"Hahahahha.Hindi ko pa naitanong eh! Hayaan mo pag nagkita kami bukas,itatanong ko._AKO.Muli akong sumulyap sa banda ni Perth pero hindi pa din sya lumilingon man lang.
"Pwede ba,Pakihinaan yang kwentuhan nyo. Nagpapahinga ang sweety ko eh! Para kayong magkakalayo kung magsipag usap._Sophie.Nagkatinginan naman kaming apat sa likod at saka nagsipag hagikgikan.
"Pasensya na po Miss Minchin,Hihinaan na lang po namin ang pag uusap.Pasensya na sa abala.Nakakahiya naman sa inyo.Kami masaya dito,Kayo dyan natutulog._Nene.Pigil ang tawa at Saka sila nag apirang tatlo.
"Hindi kami natutulog,Nagpapahinga lang si Perth.
Sweety,Namimiss na kita.Kelan ka bibisita sa condo?_Sophie."Bawal akong lumabas ng kampo.Anim na buwan pa ko bago malipat ulit sa ibang lugar naman._Perth.
"What? 6 months kang di lalabas ng camp? Papano naman tayo,Hindi na tayo magkakasama mag date nyan? Daig pa ang semenaryo._Sophie.
"Ganun talaga,di kapa sanay? Btw,Iidlip na muna ako.Gisingin nyo na lang ako pag nandun na tayo sa venue._Perth.
Hindi na din umimik pa si Sophie at nag browse na lang sa cp nya habang kami naman ay nagpatuloy na lang sa pag kukwentuhan.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomanceMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...