Zoie Villareal Montenegro.Yan ang tunay kong pangalan.Isa akong IVF baby at mula sa bansang Australia ako ipinanganak.Si Papa Zee at isang Australiano ang donor ko habang si mama Maui naman ang nagbuntis at nagluwal sa akin.Mayaman ang parehong pamilya ng mga magulang ko kaya naman bilang nag iisang anak nila ay wala silang hindi kayang ibigay sa akin.
"Perth anak,Matagal tagal ka na din naming di nakikita ng daddy lolo mo...Mabuti naman at napasyal ka ngayon dito sa "ZANYA'S. _Mommy lola Zanya.Isang 6 star restaurant ang Zanya's at limitado lang ang nakaka afford magpa reserved dito.
"Sorry po Lola Zan,Medyo naging busy lang po kasi ako talaga sa mga training ko.Kahit nga po sila Mama at papa ay nagtatampo din sa akin dahil halos di ko na din po sila madalas makita._AKO.
"Naku,Talagang ganyan ang buhay ng mga sundalo.Mas mahaba ang oras nila sa bayan kaysa sa pamilya,Kaya dapat ay masanay na kayo.Lalo na ngayong naka graduate na yan,Mas matagal nyo ng mapagkikita yang apo ko tama ba iho?_Lolo Mon.My lolo MON is not a typical lesbian like my Papa Zee,Mukha talaga syang lalaki at walang bahid na babae talaga sya sa pisikal nyang anyo.Dagdag mo pa ang balbas nya na halatang alaga sa gupit at ahit mula sa barbero nya.
"Tama naman po kayo dyan lolo Mon.Talaga pong malimit kaming nasa kampo or nasa malalayong bayan nadedestino.Kaya po kahit signal ng telepono ay mahirap makakonek._AKO
"Naku at kinampihan mo pa yang apo mo Dad.Kaya lalong di na yan umuuwi sa amin eh.Mas gusto pang makisalamuha yung mga taga baryo kaysa kaming magulang nya.Kaya na nga ba ayaw ko na sana yang payagang magsundalo nuon eh._Papa Zee.Sakto naman dumating na din sila Granpop GD at pretty grannie Sally na halatang galing pa sa airport kaya agad akong tumayo para salubungin sila.
"Helloooo lola pretty,How's Hawaii? Kelan daw po ba bibisita dito sila Tita AJ and Tita Gari and my couzin MJ?
_AKO.Agad naman akong sumaludo kay Grandpop GD na madalas na sumasaludo sa akin kapag nagkikita kami."Helloooo,my handsome apo!Ohhhh my gossshh bakit ang gwapo mo naman iho? San ka ba nagmana ng ganyang kulay,Lahat kami dito ay puro mapuputla ah!_Lola Sally.
"General! Kamusta na? Ibang klase talaga itong apo ko na ito.Napaka kisig.Siguradong madaming babae ang iiyak dahil sa pang iisnab mo sa kanila ano apo?_Lolo GD.
General ang tawag sa akin ng lolo GD kahit na bago pa lang akong magsusundalo."Ayos naman po ako mga Lolo at lola.Nangingitim na po kaka marcha at gapang sa damuhan.Kayo po,Kamusta sa Hawaii? Kelan po ba ko makakapunta dun?_AKO. Ang alam ko kasi ay dual citizen ang mama at tito AJ duon since dun sila ipinanganak ng lolo GD.
"Anytime ay welcome na welcome ka duon apo!Aba'y mas masarap ang buhay duon kumpara dito sa Pinas.Tungkol naman sa mga Tito Aj at Tita Gari mo,Baka next year ay maka uwi sila dito kasama si MJ.Siguradong mag eenjoy kayong mag bonding magpinsan._Lolo GD.
"Talaga po? Uuwi sila dito next year.Naku sana ay wala ako sa mission nun kapag dumating sila.Miss na miss ko na din talaga si MJ kasama eh.May nobyo na po ba yun?
Balita ko ay napaka hinhin nya at halos di naglalalabas ng bahay kapag walang kasama yun eh._AKO"Naku tama ka!Bihira ngang maglalabas yun ng bahay.At kung lalabas man,may chaperon kaya papanong maliligawan.
Hahahhaha. Pero maiba ako,Ikaw ba iho...Wag mong sabihing wala ka pang nobya sa gwapo mong yan ha?_Lolo GD."Daddy ha,Wag mong binibuyo yan sa iba...Mayron na yang naka package deal kaya bawal na yang ipares sa iba._Papa
Zee.Napakunot ang nuo ko.Ayan na naman si Papa sa pagpapa rinig sa akin na nakatali na ako sa ibang babae."Hooooy ZEE! Ano bang naka package deal yang sinasabi mo ha.Hindi naman pupwedeng ipagkakasundo mo na lang kung kani kanino itong apo ko kung ayaw nya._Lolo Mon.
Napataas ang kilay ko dahil alam kong nakahanap ako ng kakampi"I agree!Mali naman talaga yang kino kontrata nyo na itong apo namin sa babaeng di nya naman gusto hindi ba?
Dapat ay hinahayaan nyo na muna sya sa pag eenjoy habang bata pa.Ayaw pa sigurado ng batang mag asawa!_Lolo GDKaya ba sila lahat nandito ay para pag usapan ang tungkol sa lovelife ko? At tama ba ko sa nadinig ko na gusto na ng mama at papa na magpakasal ako? Kanino at Ano ba ang pagkatao ng sinasabi nilang mapapangasawa ko daw?
"Tatay GD,Daddy Mon...Kaya nga namin kayo kinakausap ngayon ay para humingi ng permiso.Hindi para pigilan kami sa gusto namin.At saka matagal na po naming kasunduan yun,Naka selyo na yun at pareho kaming sumumpa sa batas kaya hindi sya pwedeng mabalewala lang.Pasensya na po._Mama Maui.
"Teka,Teka lang naman po mama.Ano pong kasunduan at anong kasal? Bakit po ako kailangang magpakasal at kanino? Hindi po ba bilang anak nyo,Karapatan ko ding magdesisyon para sa sarili ko at hindi sa ayon lang sa napagkasunduan nyo?_AKO
"Anak,Gaya nga ng sinasabi namin sayo ng mama mo.Matagal ka na naming naipangakong ipakakasal sa anak ng bff ko.
Naka selyado iyun sa Manila trail court at mismong si Judge Ponciano pa ang witness sa kasunduang yun.Kaya anak,Sa ayaw at sa gusto mo ay ipakakasal namin kayo ni Laurent,Ang iyong nakatakdang maging azawa._Papa Zee"Pero Papa,Ano ba namang klaseng kasunduan yan? Ipakakasal nyo ko sa taong hindi ko naman nakikita at ni wala akong idea kung anong itsura? Papano kung psychopath pala yun or may lahing mang kukulam,Bakit nyo naman ako ipagkakasundo sa taong ni anino ng 25 years ay hindi ko pa nakikita?_AKO
"Apo,Perth iho huminahon ka.Naiintindihan ka namin.At alam namin na mahirap para sayo ang sitwasyon mo ngayon.
Kahit kaming mga lolo at lola mo ay hindi din pabor sa naging kasunduan nila ng kaibigan nya 25 years ago,Kaya tatanungin ka namin...Mayroon ka bang ibang minamahal sa kasalukuyan? At kung talagang mahal mo sya,Tutulungan ka namin na ipawalang bisa ang kasunduan na yun kahit pa magbayad kami ng mahal.Basta lang maging maligaya ka._Lola SALLY.Napayakap ako sa kanya bigla.Naalala ko na naman kasi ang pang mamaliit nila sa pamilya ko dahil daw lesbian ang mga magulang ko."Lola...Aaminin ko po sa inyo ngayon na nasa proseso pa din ako ng pagmu move on.Pero nahihirapan pa din kasi akong kalimutan sya.She was my first love at sobrang nasaktan ako sa ginawa nyang pag iwan sa akin._AKO
Tahimik lang silang nakatingin sa akin pero alam ko na hindi pa kami dito magtatapos at aalamin nila ang pagkatao ni Sophie.Na ayoko na sanang ipaalam sa kanila kaya lang ay wala na aking choice pa at ipinaalam na za kanila iyun.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomanceMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...