Kasama sa isang buwang bakasyon ko ang sumama kina Mama at Papa sa farm na pagmamay ari ni Tita Aloha.Mayroon kaming tatlong araw na staycation dito sa napakalaking farm ni Tita na hindi ko inasahang halos kasing laki na yata ng isang baryo at plantasyon ng mga tropical fruits
"Perth anak,Since first time mo dito sa farm ng tita Aloha mo,Sasamahan ka ng katiwala nitong farm na si Mang Abner para maglibot duon sa plantation.Siguradong maaaliw ka sa mga tanim na makikita mo.Kung gusto mo namang mag harvest ay tuturuan ka nila ng tamang proseso sa pagkuha ng mga pinya.Gusto kong mag enjoy ka habang bakasyon para naman marelax ka._Mama Maui.Takot mainitan ang Mama kaya hindi sya makakasama sa amin sa paglilibot.Habang si Papa naman ay siguradong nakaharap na naman sa laptop nya at nag chi check sa mga kasong hinahawakan nya hanggang ngayon.
"Dont worry mama,Ako na po ang bahala.Mag relax ka lang din po dyan at mamaya ay uuwian kita ng paborito mong watermelon.See you later ma,Pakisabi kay Papa aalis na kami._AKO.Agad akong sumakay sa tinatawag na habal habal at saka kami lumarga na ni Mang Abner papunta sa plantation.Napakalaki at nakapalawak nga talaga ng taniman nitong farm at sagana sya sa mga tanim na mga prutas.Una naming dinaanan ang taniman ng mga pinya habang sa kabila naman ay ang mga taniman ng pakwan.
"Hindi ko akalain na napaka simple lang pala ng anak ni madam Maui.Hindi ako makapaniwala na anak ka nyang talaga.Malayong malayo sa dating sya nung kaedad mo pa lang sya._Mang Abner.Magkatabi kami sa sasakyan habang sa tapat naman namin yung dalawang tauhan pa ng farm.
"Bakit naman po hindi kayo makapaniwala? Dahil ho ba,maputi at maganda ang nanay ko kaysa sa akin?_AKO.
Nakangiti ako sa kanila habang kinakausap ko sila.
Ayoko naman kasi na mangilag sila sa akin at mailang."Naku hindi...Hindi sa kulay at hitsura iho.Gwapo ka ding gaya ng papa Zee mo.At dahil nga sundalo ka,Natural lang na maging kulay kayumanggi ka dahil sa pagbibilad sa araw.Ang ibig kong sabihing iba ka kaysa sa Mama mo ay yung hindi ka nangingilag sa mga kausap._Mang Abner
"Naku kuya Abner,Lagot ka may Madam Maui.Sinisiraan mo sya sa anak nya._Mang Arman.Mas bata sya ng bahagya kay Mang Abner.
"Hindi ko naman sinisiraan si Madam Maui.Kinukwento ko lang naman yung unang araw nila dito ng kakambal nyang si Boss AJ,Naku panay ang angal nya sa kapatid nya na kesyo mainit daw,mangigitim sya kaya ayaw nyang sumama sa paglilibot.Ang kaso mo,wala na syang magawa kasi nga di na kami pwedeng bumalik ulit sa mansyon kaya ayun,iyak sya ng iyak sa kapatid nya habang nakasakay kami dito sa habal habal.Natatawa na lang ako pag naalala ko yun._Mang Abner.Kahit ako man ay natawa din sa way ng pagkukwento ni Mang Abner sa amin.With matching action pa kasi kaya naimagine ko ng ang itsura ni mama nung mga panahong yun.
"Hahahahha.Ganun po ba Manong Abner? Naku ganun po kasi talaga ang mama kahit po hanggang ngayon.Takot maiinitan.Kahit nga po si Papa ay naiinis din sa kanya minsan kasi nga ay ni ayaw yatang masinagan man lang sya ng kahit kaunti.Kaya nga daw po sabi ng papa ay ang putla putla nya na._AKO. Eversince kasi talaga ay isyu na kay mama ang init ng araw.Feeling nya daw kasi ay mabilis syang mangungulubot kapag naarawan sya.
"Pero wag ka,Napakabait na amo nyang si Madam Maui.Wala syang palya sa pagpapa sweldo sa aming mga empleyado nya.At kapag may problema dito o sa Isla nila,mabilis ang responde nila ng pagtulong.Kaya naman kaming mga mang gagawa nila ni boss Aloha ay saludo sa kabaitan nilang dalawa._Mang Abner.
"Totoo naman yun.Kahit nga problema ng mga pamilya namin,Madali silang mahingian ng tulong talaga.Gaya na lang nung ma dengue yung anak ko,Isang tawag lang sa kanya ni Mam Marilou,Sinagot nya na kaagad yung pampa hospital ng anak ko._Mang Arnel.Napag alaman kong magkakapatid pala silang tatlo at matagal ng katiwala nila Mama dito sa farm.
"Malayo pa ho ba dito yung Maui Island na pagmamay ari nila Mama? Hindi ko pa po kasi yun napupuntahan ever since.Kasi nga ay sobrang busy ng parents ko sa trabaho kaya wala na kaming time nuon makapamasyal._AKO
"Medyo malayo layo pa iho!Hindi yun basta basta mapupuntahan ng di ka gagamit ng chopper or eroplano.
Pero sobrang ganda duon talaga.Napaka presko ng hangin at talagang napaka linaw ng tubig.Paminsan minsan na din kasi akong nakakasama duon sa paghahatid ng mga prutas.
May bisita kasi ang Isla nuon na kaibigan nilang magkapatid.Kundi ako nagkakamali,Magkasintahan yung hinatidan namin duon ng mga sariwang prutas nuong araw._Mang Abner"Ganun po ba.So kahit po sasakyang pang dagat ang gamitin,hindi makakapasok ng Maui Island?_AKO.
"Pwede naman siguro basta may pahintulot mula sa may ari.Kasi hindi ko pa naranasang makasakay ng yate papunta duon.Basta ang sabi sa amin kapag pupunta duon, sa chopper kami sasakay._Mang Abner.
"Kuya,Pupwede namang mag yate papunta duon.Hindi ba't napabalita pa nga na duon nag propose ng kasal si Atty. ZEE kay Madam Maui nuon sakay ng mamahaling yate?
Naku,Sobrang bongga nga daw nung nangyaring proposal na yun kaya ang daming nainggit kay Madam Maui eh.Napanuod ko kaya yun sa youtube._Mang Arnel.Halos ka edad lang kasi sya nina Mama at papa sa tingin ko kaya updated pa sya sa social media."Ganun ba,Naku hindi ko kasi napanuod yun.May ganun palang naganap na eksena duon sa Isla? Sabagay,hindi na ko mag tataka kung bakit masarap magpropose sa ganung kaganda at ka romantic na lugar.Para syang eksena sa pelikula...Talagang mapapa wow ka sa kagandahan ng buong paligid.Pero okey din naman dito sa Aloha Farm.Presko din ang hangin at saka sariwa ang mga pagkain._Mang Abner
"Sa palagay ko nga ho ay masasarap at matatamis ang mga tanim nyo dito.Kapag siguro dito ako naglagi ng mga ilang araw ay tyak na tataba ako.Maiba ho ako,Ano hong mga prutas ang mga nakatanim sa banda duon?_AKO.Napansin ko kasi na parang napabayaan na yung lupa sa bandang dulo ng plantation kaya bigla akong na curious na itanong yun sa kanila.
"Ayun bang sa kabilang malapit na sa may bakod? Naku hindi namin magalaw galaw yun dahil ang sabi ng kabilang may ari ng lupa ay sa kanila na daw yun at wag na naming pakialaman.Kaya kami naman ay hindi na din nakipagtalo pa.Malakas daw kasi ang may ari nun sa gobyerno.Parang untouchable kumbaga._Mang Arman.
"Mabuti at napansin mo yan iho.Isasangguni ko nga pala yan sa papa mo para mapag aralan nya ang pwedeng gawin.
Kasi kami naman dito ay hindi din makapag desisyon dahil wala kaming hawak na katibayan kung kanino nga bang talaga yang lupa na yan.Sa palagay ko naman,Sakop pa din ng ALOHA FARM yan pero gusto lang angkinin ng kabilang hacienda._Mang AbnerMatapos naming maglibot at manguha na din ng ilang mga prutas gaya ng pakwan,pinya at saka melon ay bumalik na din kami sa mansyon.Agad kong kinausap ang Papa tungkol sa lupang inaangkin ng kabilang hacienda.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomansaMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...