Magsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak.
Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon
Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ngayong gabi isini celebrate ng PAMINTUAN-GUILLERMO EMPIRE ang kanilang ikadalawamput limang Anibersaryo.Ang taon kung kelan nagpakasal at pinagbuklob ang aking mga magulang.Matapos kasi ang kanilang kasal nuon ay kaagad din nilang itinatag ang PGE kung saan pinag combine nila ang kani kanilang mga negosyo at saka pinagyaman pa ng husto kaya naman dumami pang lalo ang mga branches ng HAPPYBEE(200 branches),KWINTOP(300 branches) AT TERRY'S GRILL(150 branches).Sina Dad and Mom na din kasi ngayon ang may pinaka malaking share sa GGH kaya parang halos kami na din ang nagmamay ari ng GGH sa kasalukuyan.
"Kamusta na nga pala sina Skyler at Martha dun sa Spain TOP,Wala pa din ba silang balak bumisita man lang dito?_Boss GD.Ang lolo ni Zoie na may ari at CEO ng VILLAREAL AIRLINES.
"Maayos naman sila dun.Mas maayos kumpara nuong una. Malakas din ang negosyo ni Martha at mas lalo pa syang nakikilala ngayon dahil sa magaganda nyang obra.Balita ko nga ay nasa may limangpung milyon na ang pinaka mahal na painting nyang nagawa na larawan ng kanilang anak na nawawala pa din hanggang ngayon,Ang aking apo na si CLOUD._Lolo Top. Bahagya syang nalungkot matapos nyang mabigkas nya ang pangalan ni Cloud.
"Nabalitaan ko nga yun.May isa akong nakausap na ka business partner nung magpunta ako nuon sa England at ang sabi nga daw ni Martha,hindi nya yun ibinebenta.Naka display ang painting na yun sa CLOUD MUSEUM hindi ba?_Lolo Terry.Ang CLOUD MUSEUM ay isang Museleo na sadyang ipinagawa nuon ng Tito Skyler matapos ang pagkawala ni Cloud.
"Napaka ganda ng pagkaka guhit ni Martha sa larawan na yun.Parang buhay na buhay.Kaya matapos maipinta yun ni Martha at idisplay sa museum,Dun na lang madalas naglalagi si Skyler.Pakiramdam nya daw kasi ay parang kasama at katabi nya lang daw ang anak nya kapag nandun sya._Lolo TOP.
"Para tuloy gusto kong pasyalan din ang museum na yun. Wala ka bang picture man lang para may idea kami kung gano yun kaganda?_Boss GD.Sa sobrang close nilang magkakaibigan,Hindi mo sila makikitaan na mayruong mas superior at mas bossy dahil maging ang pinaka mayaman na si Boss GD kasi ay napaka down to earth na parang si Zoie lang.
"Darling! Laurent iha,Bakit ka naman dyan nakiki table sa mga oldies? Naku,Wala namang pinag uusapan yang mga yan kundi negosyo,Sige ka...Maaga kang mananada nyan!_Madam Maui.Agad akong nag beso sa kanya bilang pagbati.
"Good evening po Tita Maui,Okey lang naman po ako dito.Namiss ko po kasi ang dalawa kong lolo kaya dito na muna ako naki table sa kanila.Nandun po sa kabilang table sina Mom and Dad._AKO.Tamang kadarating lang kasi nila ni Tito Zee from a business trip kaya ngayon lang kami nagkita mula nung awarding ni Zoie.
"Hahahahha.Ano ba namang mga Oldies ka dyan ha Maui. Hindi kami mga oldies,Young pa kami at may mga asim pa!_Lolo Top.Sya naman kasi talaga ang mapagbiro sa kanilang tatlong magkakaibigan.
"Hahahaha!Tito Top,Baka nakakalimutan mong bantay sarado ka kay Tita Dess.Bawal na kayong man chicks!Gusto mong ma outside de kulambo ka dyan mamaya?_Tita Maui.Humalik muna sya sa tatlo at saka sumunod si Tito Zee na hindi masyadong nagsasalita.
"Dad,Mga bossing..Dun na muna po ako sa kabilang table. May pag uusapan po muna kami ni Chi._Tito Zee.Tumingin sya saglit sa akin at saka naglakad na papunta sa kanilang table.
"Anong nangyari dun sa asawa mo,Bakit parang mainit na naman yata ang ulo? Tungkol na naman ba sa anak nyo,Kay Zoie?_Boss GD.Gusto ko sanang umalis muna sa table nila pero nakahawak sa kamay ko si Tita Maui kaya nadidinig ko ang pag uusap nila tungkol kay Perth.
"Ganun na nga po Dad.Kasi nabalitaan naming bumisita daw sa Camp yung ex gf nya.And take note ha,ang lakas ng loob nyang away awayin dun ang anak ko.Naku,gusto ko na nga sanang sugurin sa bahay at sabunutan yung babaeng yun eh.Perwisyo sya sa anak ko._Tita Maui.Kaya naman pala ganjn na lang ang reaksyon ni Tito Zee dahil sa nangyari.
"Oppppsss,Pogi problem!Hindi na ko magtataka dyan.Sanay na ko sa ganyan since dalawang gwapo ang mga anak ko. Mas sakit pa nga ng ulo dati si Skyler eh.Mahirap talagang mag handle ng mga gwapong anak.Masakit sa ulo. Kaya maswerte ka kapag babae ang anak mo gaya nitong apo ko.Napaka ganda na ay naku napaka bait pang bata.Napaka swerte ng magiging asawa nyan.Diba Apo?_Lolo Top.
"Talaga naman!Napaka swerte talaga ng magiging asawa ng apo namin,Diba Doktora? Kaya sobra akong proud at Thankful dahil biniyayaan nya tayo ng isang kagaya ng apo nating si Saint._Lolo Terry.Sabay pa nila akong niyakap ng magkasundo na hinalikan.
"Grabe naman po sa mga papuri.Sobra po akong nao overwhelm sa mga sinasabi po ninyo.Ganun pa man ay sobra din po akong proud and blessed for having two goodlooking and sweeet lolo's like you po.Salamat po sa lahat ng mga advices,mga papuri at saka sa pag i inspired sa akin para mas lalo ko pang pagbutihin ang lahat ng ginagawa ko.Im so proud to be a GUILLERMO AND PAMINTUAN descendant._AKO.
"Ayan naku at naiingit tuloy akong bigla!Kasi naman ay mayroong nga akong dalawang APO pero pareho namang WALA sa tabi ko.Hahahahhaa.Anyways,Tungkol nga pala kay Zoie iha...Hindi pa din ba nagpaparamdam ang APO ko sayo? I mean hindi paba kayo nagkakausap? Aba'y gusto ko ng magka APO sa tuhod ah!Maui anak,Ano na?_Boss GD.Medyo nakainum na kasi si Boss GD kaya madaldal na.
"Kaya nga Daddy eh...Naiinis na ko talaga dyan sa Apo mo.Puro na lang pagsusundalo ang inaatupag.Mas matagal pa nyang nakakasama yung baril nyang dala kaysa sa amin ng Papa nya.Kaya nga inis na inis na yang si Zee sa kanya.Nahihiya nga ako dito kay Laurent eh._Tita Maui. Napangiti naman ako sa kanya at tinapik ang likod nya.
"Ang sabihin mo,Gusto mo ng maging manugang itong apo ko para may kasama kana sa pagsa shopping!hahahhaha. Naku hinay hinay lang sa pagbira dyan sa anak nyo at baka mas lalong mabwisit yan at di na kayo tuluyang uwian.Ganyan kasi talaga ang buhay sundalo,Kalahati na ng buhay nila ay inilaan na nila para sa bayan at wala na silang oras halos para sa pamilya.Kung talaga naman kasing gusto nya din itong apo namin,Gagawa sya ng paraan para bigyang prioridad ang kanyang buhay pag ibig._Lolo Terry.
"Speaking of General Montenegro,Hindi ko inixpect na lalabas sya ng camp ngayon at aattend sa ganitong okasyon.Hahahahha.Mukhang nakaka amoy ako ng proposal ngayong gabi ah!_Boss GD.Saka kami sabay sabay na napatinging lahat sa entrance ng stadium at bumungad ang napaka gwapong si ZOIE VILLAREAL MONTENEGRO na naka suot ng black suit.