Mabilis kong naipadala ang tulong para sa pasyenteng nangangailangan ng operasyon dahil na din sa tulong ni nurse Julie.Sya kasi ang talagang nag ayos ng mga dapat at kailangang gawin para mas mapabilis ang proseso ng pagpapa opera ng babaeng may cancer sa matris na nakilala ko sa pangalang Josefina Cabral.Dating ofw.
"Saint,Anak...Totoo ba itong nabalitaan ko sa mommy mo na dito mo na daw gustong mag trabaho bilang doktor? Aba'y wag kang basta magpa dalos dalos iha.Mahirap ang trabaho dito.Bukod sa hindi kalakihan ang sweldo,masyadong madaming pasyente na kailangan mong pagtuunan ng pansin.Magiging busy ka masyado lalo pa kung sa goverment hospital ka ma aassign kung sakali.
_Daddy Gucci. My Daddy is a handsome lesbian.Kahit nga ang mga co worker ko sa pinapasukan ko sa hospital ay madami ang mga nagkaka gusto pa din sa kanya. Malakas ang karisma nya lalo na sa mga kababaihan. Kaya nga lang ay masyado lang syang focus sa napaka ganda ko pa ding mommy na si mommy Katie.Sobra kong ina admire ang pag iibigan nilang dalawa bilang mag asawa."Dad,Totoo po yang nabalitaan nyo. Actually,magsasabi naman po talaga ako sayo ng maayos sana kaso lang ay naunahan na ko ng mommy magsabi.Sa palagay ko po kasi dad,Mas kailangan ako dito kaysa sa Canada._AKO. Hinaplos nya ang mahaba kong buhok at saka ako hinalikan ng daddy sa buhok.Aaminin kong kahit kami palagi ni Mom ang magkasama sa mga lakaran,mas gusto ko pa ding nag o open kay Dad sa mga nararamdaman ko.Kasi mas madali nya kong naiintindihan kaysa kay mom na kailangan ko pa ng mahabang paliwanag sa lahat ng bagay na gagawin ko.
"Sigurado kana ba dyan anak? Kasi hindi biro itong papasukan mo.Bilang isang ama,Mas concern ako sa magiging kalagayan mo.Sa totoo lang,Ibang iba ang Canada kaysa Pilipinas.May dalawang taon kapa para maging ganap na residence doctor,Sa ilang taon na yun...Madami kang mai encounter na mga problema,na kinakailanangan mong mapagtagumpayan para maging ganap ka ng dalubhasang mang gagamot._Daddy Gucci
"Yes I know that daddy.Willing naman akong harapin yung mga mai encounter kong mga problema eh,Lalo pa't alam kong nandyan lang kayo palage ng Mom para suporthan ako.
Wag kang mag alala Dad,I will do my best para maging proud kayo ni Mom sa akin.At alam ko din naman kung anong status ko bilang isang Tagapagamana ng GUILLERMO at PAMINTUAN kaya mag iingat ako ng mabuti._AKO.
Isa sa pinaka mahahalagang bilin ng dad ay ang maging maingat ako sa pagpili ng mga pagkakatiwalaan.Hindi naman kasi basta basta lang ang lahing pinagmulan ko.
Anak ako ng dalawa sa pinaka mayayamang pamilya dito sa bansa.Kabilang sa mga pamilya ng mga BILYONARYO."Salamat talaga sa Diyos at biniyayaan nya kami ng napakabait na anak gaya mo.Manang mana ka talaga sa akin eh.Bukod sa maganda kong lahi,Aba'y matatalino din ang mga Pamintuan,Kaya naman hindi na ko magtataka kung bakit doktor ang pinilin mong propesyon.Kasi nga mana ka sa galing ko._Daddy.
"Excuse me! Para yatang sinosolo mo lang ang kredito kaya ganyan kaganda at katalino yang anak natin Honey?
Baka nakakalimutan mong isa ako sa pinaka magaling na news anchor ng bansa.At kilala din ako bilang isa sa may pinaka magandang mukha sa larangan ng pagbabalita.
Meaning,hindi lang ikaw ang may magandang lahi,at may mataas na IQ...kaya sa akin nagmana yang anak natin._Mommy. Agad syang nagpalakad lakad sa harapan namin ni Dad habang umaaktong parang modelo."Hahahahahhah.Honey!Kaloka ka talaga.Need pa talagang mag modelling habang nagpapaliwanag? Naku,Pasensya naman honey,Namali lang ng sentence...Ang totoo nyan,Sa ating dalawa talaga nagmana itong anak natin.Saint anak,Nadinig mo na mismo sa Mommy mo ha...Sikat sya nung kabataan nya,kaya wag ka ng magugulat kapag nakita mo sya minsan sa tv._Daddy.
"Talaga mom,Sikat kang tagapagbalita nung kabataan mo?
Wow naman,di ko akalain na ang mommy ko pala ay dating famous new anchor.Siguradong kapag nalaman nila na nandito ka ngayon sa Manila,hahanapin ka nila para ma interview._AKO. Saka kami nag apir ng Daddy. Ang totoo kasi nyan,napapanuod ko na before pa ang mga palabas nuon ni mommy kaya aware ako na isa nga syang kilalang broadcaster sa bansa nuon."Ahahahaha.Naku anak,Binibiro lang kita. Hindi ako sikat masyado.Yang daddy mo talaga ang sikat nuon.Kasi naman ay madaming nagkakagusto dyan kahit mga celebrity hinahabol yan. Kapag nga sinusundo ako nyan dun sa pinapasukan kong network,May mga babaeng nagpapa picture dyan.Daig pa ang mga artista. Pero wag ka,Sa akin lang naka focus ang mata nyang daddy mo.Wala syang ibang nakikitang maganda kundi ako lang,Tama ba hon?_Mommy.Napangisi ako.Alam kong totoo naman yung sinasabi ng mom kaya lang ay mapang asar si Dad kaya im sure iba ang sasabihin nya.
"Naku ewan ko lang ha...Kasi sa pagkakatanda ko,Ayaw na ayaw mong pinupuntahan kita sa work mo.Dahil kamo may gusto sayo yung head ng news team nyo at ayaw akong nakikita.Sa inis ko sa kanya,Sinumbong ko sa may ari nung network para patalsikin.Ayun,Tamang tama naman na may anumalya nga syang ginagawa sa mga staff nya kaya ayun...Nakita nyang nagkamali sya ng binangga on my behalf._Daddy.
"Ay oo nga,May ganung pangyayari nga pala sa network ko kaya nga pala hindi na din ako masyadong nag focus sa pagbabalita after nating magpakasal.Kamusta na kaya sila ngayon noh? Kaya ikaw anak,Mag iingat ka sa mga taong nasa paligid mo...Actually,Alam naman namin ng daddy mo na magaling kang maghandle ng mga ganyang sitwasyon at may tiwala kami sayo.Basta mag iingat ka lang palage._Mommy.
"So,Ibig bang sabihin nyan Mom,Dad...Pumapayag na kayong dito na ko sa Philippines magpatuloy sa pag du doktor ko? As in pag balik ba natin sa Canada,Aayusin ko na yung mga kailangan ko para makapag apply na ko dito?
_AKO.Saka sila nagkatinging dalawa at saka sabay na tumango."Pumapayag na kami anak,Basta dapat alam mo ang limitasyon mo sa pag tulong.Yung sinasabi namin sayo na okey lang tumulong sa kapwa,basta wag sobra na pati buhay mo ay magiging alanganin na.Nag iisa ka lang naming anak,at Hinding hindi kami makapapayag na may mangyari sayong di maganda.Kapag lumabis ka pinagkasunduan natin,hihinto ka sa pag du doktor at tahimik na mamumuhay na kasama namin back to Canada naintindihan mo anak?_Daddy.
"Yes dad,Yes mom...Pangako po sa inyo.Hinding hindi ko po ipapahiya at ilalagay sa alanganin ang pamilya Guillermo at Pamintuan.At nangangako po akong hindi magpapabaya sa aking tungkulin bilang mabuti at masunuring anak.Alam ko po kung gano nyo ako kamahal at pinaka iingatan kaya ganun din po ako sa inyo.I love you so much Mom and Dad._AKO. At saka ko sila sabay na niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomanceMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...