38.PERTH

388 24 1
                                    

May ilang araw na din akong hindi nagpaparamdam kina Mama at Papa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May ilang araw na din akong hindi nagpaparamdam kina Mama at Papa.Alam kong nag aalala sila sa akin pero buo na ang desisyon ko na hindi na muna sila kausapin at wag uwian sa mansyon.Masakit sa aking malaman na sa kabila ng mga sakit at sama ng loob na naranasan ko nuon,Pamilya ko pa pala ang may gawa ng lahat ng yun.



"Montenegro,Capistrano at Leviste.Sumama kayo sa akin sa opisina ngayon.Bilisan nyo at magdala na din kayo ng ilang pirasong damit at personal na kagamitan.Bilis!_ captain Alonzo.Sya ang madalas na kasa kasama namin dito sa barracks at halos ka tropa na namin.

"Captain,Ano po bang problema? Bakit po kami pinapatawag ng Heneral? May kinalaman po ba ito sa mga magulang ko?_AKO.Mabilis ko kasi syang sinabayan habang naglalakad papunta sa headquarter kung saan nandun ang Heneral.

"Malalaman mo din pag dating dun.Asan na yung mga kasama mo bakit ang tagal? Naiinip na si General duon._Capt.Alonzo.Nasa thirties pa lang si Captain Alonzo at maitsura kaya madami ang nagkaka gusto sa kanya.

"Susunod na yung mga yun Captain,Baka nag cr lang._AKO
Paglingon ko nga ay halos kasunod na namin silang tumatakbo papalapit sa amin.

"Permission to enter Sir!!! Im captain Adrian Alonzo reporting on duty sir!_Capt.Alonzo. Saka kami sabay sabay na sumaludo sa heneral pagpasok namin sa loob ng opisina nya.

"Carry on.Pumasok kayo dito at may mahalaga akong sasabihin...Soldiers,Kaya ko kayo ipinatawag ay sa kadahilanang mayroon kayong espesyal na misyon.Simple lang naman ang gagawin nyo.Tutulong at magbabantay lang kayo sa isang private donor na gustong magkawang gawa sa kanyang kinalakhang baranggay nung sya ay bata pa._General DeGuzman.

"Permission to talk Sir!_AKO.

"Sige lang Montenegro,Mag tanong ka lang._General DeGuzman.Saka ako tumingin muna sa mga kasama ko bago magsalita.

"May kinalaman po ba ito sa mga magulang ko Sir? I mean sila po ba ang private sponsor  o donor na tinutukoy nyo sir?_AKO

"Walang kinalaman dito ang mga Montenegro sa pagkaka alam ko.Actually,wala din akong idea kung sino sila dahil tanging yung coordinator lang ang kumakausap sa akin.Anyways,Ang mahalaga ay ma assist nyo sila ng maige dahil hindi sila kumuha ng mga pulis kundi yung mga taga Baranggay lang ang kinausap nila.Gusto yata kasi ng sponsor na mga sundalo ang kasama nila sa event imbes na mga pulis._General DG

"Ganun po ba sir.Okey po sir.Nakahanda kami para maglingkod at tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan anytime.Salamat po sir._AKO.

"Captain Alonzo,Ngayon pa lang ay kinakailangan nyo ng maghanda.Ang bilin sa akin ng nasa itaas,Wag na wag daw kayong mahuhuli sa itinakdang oras dahil masyado daw punctual yung mayamang sponsor na ia assist nyo.
Mag ingat din kayo dahil kailangan nyong magsuot ng damit pang sibilyan habang nasa location na kayo bukas._General.

"Copy that Sir! All soldier...Lets proceed to the parking lot.Sir permission to leave sir!_Capt.Alonzo.
Hanggang sa dumiretso na kami sa parking lot para sumakay sa service namin.

"Bakit kaya sundalo at hindi pulis ang kinuha nilang mga taga bantay noh? Siguro may trauma sa mga pulis yung mayamang sponsor._Jenny.Kaming tatlo lang ni Nene at Jenny ang kasama sa mag aassist at hindi kasama si Anna

"Lagot tayo kay Belle,Sya lang ang hindi kasama.
Pero nasan nga pala yung bruhang yun ha,Kanina ko pang umaga di nakita.Sa barracks ba natin natulog yun?_Jenny

"Uu naman!Lakas nga ng hilik kagabi eh.Baka naman maagang nagising at nag jogging tapos dumiretso na sa canteen mag isa kaya di natin napansin._Nene.Nasa likod kami ng pick up habang ang driver namin ay si Capt.Alonzo na nasa loob at si tech.sgt Lopez sa tabi nya

"Dude,Sa atin atin lang to ha...Pansin nyo ba,laging magkasama sina Kapitan at sarhento sa lahat ng lakaran?
May nadinig ako minsan sa mga usapan dun sa kabilang barracks eh,Mag jiwa daw yang dalawa._Jenny.

"Shhhiitt ka Jenny yang bunganga mo!Pati kami ipapahamak mo pa eh.Hindi dito ang tamang oras para sa ganyang usapan.Baka madinig nila tayo,gusto mong maparusahan ha?_Nene.Saka sya binatukan ng malakas ni Nene kaya napailing na natatawa nalang ako sa kanila.

"Loko ka talaga Jen! Tama si Nene,Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan lalo pa at kasama natin sila.
Baka ma offend at mahiya sila sa atin at hindi na tayo isama sa mga lakad nila._AKO.Sa totoo lang kasi,Kahit nuon pa man ay naiisip ko ding posibleng may relasyon silang dalawa pero sa akin ay okey lang naman ang ganun


"Diba kahit ikaw nahahalata mo din?_Jenny.Ako naman ang bumatok sa kanya dahil sa kaingayan nya.Nakakainis din talaga minsan kasama si Jenny dahil sa pagiging lesbianang chismosa nya!

"Guys,Hanggang dito na lang tayo.May naka reserved tayong mga rooms dito sa apartment na ito na pagmamay ari nung mayamang sponsor kaya dito tayo ngayon matutulog.Kailangang maaga kayo magsipaghanda bukas ha, bawal malate.Sige na seeyou tommorrow soldier._Tech.sgt Lopez.

From Zambalez to Manila,Inabot na din kami ng hapon kaya naman kanya kanya kami ng pwesto sa mga kama namin pagpasok sa loob ng apartment.Malinis at maayos ang loob kaya naman hindi sya nakaka ilang na kilusan.Unlike kapag sa mga rural or mga baryo kami ng mga probinsya na assign,Sa mga upuan lang kami nakakahiga.

"Bongga nga yung ia assist nating sponsor ha.May pa apartment pa sa atin.Pati mga pagkain libre.Kung ganito sana lagi ang ipagagawa sa atin,Parang gusto ko na lang mag apply na bodyguard ng mga mayayaman._Jenny.

"Baliw ka talaga Jenny!Mukha ka talagang pera noh?
Umayos ka nga!Dahil lang sa karangyaan at salapi,ipagpapalit mo ang pagiging magiting na sundalo mo? Lumayas ka nga sa harapan ko,nabubwisit ako sayo eh!_Nene.

"Nagbibiro lang naman!Eto talaga napaka HB. Perth oh,yang bff mo kanina pa mainit sa akin.Naglilihi yata.Ikaw ba ang ama ng dinadala nyan ha?_Jenny.Napalingon ako kay Nene na agad namang tumalikod sa amin sa paghiga.

"Tol,May problema kaba? Napapansin ko nga din na kanina pa mainit yang ulo mo eh.Ano bang nangyari,Problema ba sa bahay nyo?_AKO

"Wala...Napagod lang siguro ako sa byahe.Matutulog muna ako.Pasensya na kung medyo napataas ang boses ko.di lang maganda ang gising ko siguro kanina kaya ganun._Nene.
Nagkatingin kami ni Jenny at hindi na lang din nagsalita

Sabay sabay kaming nakaidlip at nagising sa katok mula sa labas ng room.Alas syete na pala ng gabi kaya pinadalhan kami ng pagkain ng may ari.Mula sa TERRY'S grill ang pagkain at masarap ang mga luto nila.

"Perth,Diba mayaman ang may ari ng TERRY'S GRILL?
Kilala ba ng pamilya nyo ang may ari nun?_Jenny.Medyo napaisip nga ako kung kilala ba ng parents ko ang may ari ng Terry's.

"Parang pamilyar pero hindi ako sure.Sa dami ng mga kaibigan ng mga magulang ko,Imposibleng matandaan ko ang lahat ng mga yun.Di naman ako sumasama sa kanila kapag nakikiparty sila.Sa palagay nyo,Posible nga kayang kakilala ng parents ko ang pamilya ng babantayan natin?
_AKO.

Naiisip ko lang,Baka pakana na naman nila Papa at Mama ang lahat ng ito at sila din ang nasa likod ng mga kaganapan bukas.Lahat na lang ba ng nangyayari sa akin ay may kinalaman sila?

Saka ko naalala yung lugar na pinagdalahan sa amin after naming maligaw sa gubat.Posible kayang sila din ang may kagagawan nun?

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon