Tamang selfie at pasyal lang kami maghapon ngayon dito sa farm ng mga Dela Cuesta(family side ng congresswoman).Mamaya kasing gabi na ang birthday party ni congreswoman at bukas ng umaga na din ang balik namin sa Manila.
"Ang balita ko ay hindi naman daw talaga ito dating pag aari ng pamilya ni Cong.Nabili lang daw nila ito mula sa dating congressman na nakulong kaya ibinenta na lang sa kanila._Doc.Mercy.Hindi na kami nagulat na madaming alam si Doc Mercy tungkol sa pamilya nila doc dahil siya ang palaging kausap ng mag asawa mula pa kanina.
"Ganun ba,Ang swerte naman nila at sila ang nakabili nitong farm.Bakit nga daw pala nakulong yung dating congressman nila dito,May sinabi ba silang dahilan?
Baka naman corrupt ano?_Doc Nica."According kay Madam,Nasangkot daw kasi sa illegal na droga yung mag ama at parehong nakulong.Malakas daw kasi ang ebidensya laban sa kanila.At hindi lang yun,Mayaman daw kasi yung pamilya nung naka bangga nila kaya talagang wala silang kawala.Ma impluwensya pa daw.
_Doc Mercy."Ay talaga? Akala ko sa mga tele serye lang nangyayari yung mga ganyan.Totoo palang may mga mapagsamatala sa totoong buhay na mga tiwalang opisyal ng gobyerno.Mabuti na lang at nakahanap sila ng katapat.Akala siguro nila porke nasa katungkulan sila ay di na sila pwedeng makulong ano._Nurse Julie.
"Kaya nga.Naku,Salbahe daw nuon yung congressman na yun.
Dati kasi sya ang gobernor nila dito.Tapos corrupt pa nga daw at abusado sa tungkulin kaya bumaba ang ranggo.
Nung naging congressman na sya,Dun na sila nahuli ng mga alagad ng batas,Dahil na din sa expose' nung anak daw ng mayamang negosyanteng taga Maynila._Doc Mercy"Ahahahaha. Medyo masyado na yata tayong na a attouch dun sa istorya ng pamilya nung dating congressman ah.
Pero natutuwa din ako na kahit papano ay na bago din ang estado ng pamamalakad nila dito ano? Kasi hindi na mapagsamantala at corrupt ang bago nilang mga opisyal.
Naku,Nagiging seryoso na tayo sa topic ah.Kalimutan na nga natin muna yan at dumiretso na tayo dun sa kainan dun sa kanto.Yung nadaanan nating may mga tindang miryenda._Doc.Nica."Mabuti pa nga,Kanina pa din ako nagugutom dahil sa layo ng nilakad natin.hahahaha. _Doc Mercy.
Agad naman kaming naglakad papalabas ng farm at dumiretso dun sa sinasabi nilang maliit na kainan sa dinaanan namin."Wow,mga chicks! Tara dito mga bebeh..Come to papa!
Tamang tama,Wala kaming mga ka table dito eh.
Kayo mga pare,Pili na kayo ng mga type nyong i table,Basta sa akin yung mestisang chinita ha._Lalaking hubad baro.May mga ilang kalalakihan kasing naka tambay dun sa kabilang mesa na may mga alak at pulutan."Excuse lang mga sir,pero hindi po kami nagpunta dito para maki table.Sa itsura nyong yan,Akala nyo naman papatulan namin kayo? Mga doktora tong ang mga kasama ko at hindi kami nakikipag usap sa mga lasing._Nurse Julie
Bahagya ko naman syang kinalabit na wag ng pansinin yung mga lalaking lasing."Hoy Peping!Wag nyong bastusin yang mga kostumer ko.
Pinayagan ko na nga kayong uminum dito tapos ganyan pa kayo.Wag nyo ngang lapitan yang mga magagandang babae na yan mga bwissssit!_Tindera na naka apron. Nagtutusok sya ng bananaque sa stick habang sinisigawan yung mga lalaking lasing."Wag kang makialam dito Aling Lydia,Kung ayaw mong sirain namin yang tindahan mo.Buti nga at nagti tyaga pa kaming bumili dito ng mga bulok mong mga tinda eh!
_Isa pang lalaking lasing din.Naghubad pa sya ng tshirt at saka lumapit kay Doc Nica.Mabilis naman akong kinapitan ni Doc at saka ako ang humarap dun sa lalaki."Excuse me lang naman kuya,Wala naman pong bastusan.
Natatakot na yung mga kasama ko eh.Uminum lang kayo dyan pero wag nyo na kaming pakialaman at guluhin.Hindi naman din namin kayo inaano hindi ba?_AKO."Yan ang gustong gusto ko sa mga babae,Palaban!
Wag kang mag alala miss,Hindi ka masasaktan sa akin kasi paliligayahin kita.Wahahahahha!_Lalaking Medyo kayumanggi.Saka nya ako biglang hinawakan sa braso at saka akmang yayapusin pero pumalag ako."Mga brad!Wala namang ganyanan.Iinum inum kayo tapos mambabastos kayo ng mga bisita.Alam nyo ba na bawal yang umiinum kayo dito sa tindahan tapos gusto nyo pang mang manyak ng mga babae? Bitawan mo na yang hawak mo para hindi na tayo magkagulo pa dito._Soldier Nene.
Sakto namang dumating silang dalawa ni Soldier Perth kaya nakita nilang nagpupumiglas akong kumawala sa pagkakahawak sa akin ng lalaki.Pero ayaw pa din akong bitiwan ng lalaking lasing kaya halos mag marka na yung kamay nya sa braso ko."Oiiii may mga bayaning dumating! Mga mukha at pormang lalaki nga lang pero wala namang mga lawit! Wahahahahha.
Pasikat sa mga babae.Gustong magpapansin._Lalaking kulot"Nasasaktan na kasi yung hawak mo brad.Bitiwan mo na sya.Pag usapan natin to._Soldier Perth.Tumingin muna sya sa akin saka muling bumalik ang tingin sa lalaking nakahawak sa braso ko.
"Bitawan nyo na yan or gusto nyo pang magka gulo tayo dito? Wala na kayong ginagalang ah! Porke ba opisyal ang mga kamag anak nyo,Kaya ganyan na lang kayo mang bastos ng mga taong kayan kayanan nyo ha?_Soldier Nene.
Yung itsura nyang nagtitimpi lang pero gusto ng manapak ng tao."Fuck you ka sundalong tibo! Bakit,Ano bang pinagmamalaki mo ha yang pagka sundalo mo? Tangna,Kundi kapa naging eskolar di ka naman makakapag aral ah!
Mga sampid lang kayo dito ng nanay mong kabit eh!
Pwe!_Lalaking may hikaw at tattoo"Manahimik kang gago ka.Wag mong idinadamay dito ang Nanay kong hayup ka.Gusto mong makatikim ng ganti mula sa sampid na sinasabi mo ha? Puro ka satsat. Mayabang ka lang dahil madami kayo!_Soldier Nene.
Mabilis na lumapit sa amin si Perth at saka biglang sinuntok sa panga yung lalaking naka hawak sa braso ko.
Agad akong nakawala sa pagkakahawak nya at saka tumakbo papalapit sa mga kasama ko.Nagsimula na silang makipag suntukan ni Nene sa apat na lasing."Grabeh,Ang galing palang manuntok nung magkaibigan eh.
Kahit hindi sila mga lalaki,kayang kaya nila makipag palitan ng suntok sa mga gagong yan._Doc Nica.Sakto namang nagsidatingan na ang mga tanod at pulis,Kaya mabilis din silang naawat. Pati kami ay kasamang isinakay sa mobile ng baranggay para daw mag witness at hingian ng mga statement tungkol sa nangyari.
Napansin kong bahagyang napahawak si Perth sa panga nya na malamang ay natamaan habang nakikipag suntukan sya kanina.
Kahit naman kasi magaling sila ni Nene sa self defense,Iba pa din ang suntok ng mga lalaki kahit pa sabihing lasing ang mga yun.Naawa naman ako bigla sa kanya dahil kundi sa maagap nilang pag tulong ay baka hindi lang pamumula ng braso ang natanggap ko.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
Storie d'amoreMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...