64.SAINT

412 28 3
                                    

Isang emergency meeting ang naganap kanina kaya halos wala akong pahinga hanggang sa matapos ang huling operasyon namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang emergency meeting ang naganap kanina kaya halos wala akong pahinga hanggang sa matapos ang huling operasyon namin.Pagod akong umupo na muna sa mesa ko at saka bahagyang pumikit.Tunog ng telepono ang nagpa gising sa akin.

"Hello anak,Nasa condo kana ba? Pupwede ka bang sumaglit na muna dito sa VILLAREAL HOTEL along Pasay City? May gusto lang kasing ipa check up itong friend ko._Mommy Katie.Medyo nagising ang diwa ko at saka ako agad napatayo.Ngayon lang kasi nag recommend si mom ng kaibigang gusto nyang ipatingin sa akin.Siguradong malapit na kaibigan yun kaya kinakailangan ng second opinion mula sa akin.

"Kaibigan mo po Mommy? As in close friend? Bakit anong nangyari sa kanya?_AKO.Habang kausap ko sya sa fone ay mabilis ko ding inayos ang mga gamit ko at saka ako naghanap ng mga pwede kong dalhing gamit sa pang gagamot

"Actually darling,Anak sya ng kaibigan namin ng daddy mo.Napa tingnan na naman sya pero gusto din nilang matignan mo din sana sya para makasiguro silang safe talaga at walang problema si MJ._Mommy Katie.

"Okey po Mommy,Palabas na din po ako ngayon ng GGH.
Sundan ko na lang po siguro yung mga bodyguard ko at sila na ang bahala kung saan ang location nyo ngayon dyan.
I'll see you when i get there mom.Bye!_AKO.Gaya ng inaasahan.Naka abang na sa akin ang mga bodyguards ko na pinagbuksan pa ako ng pinto sa kotse ko.

Pawang mga sosyal at mayayamang tao lamang ang makaka afford na mag check in sa hotel na ito.Bukod kasi sa napaka hightech nya,Halatang limitadong tao lang ang mga taong pinapapasok dito sa loob.After kong ipakita ang ID ko ay saka ako mabilis na inassist ng unipormadong bellboy papa akyat sa room kung saan naroon ang mommy at ang kaibigan nya.


"Excuse me Kuya,Itatanong ko lang sana kung sino ang may ari ng hotel na ito?_AKO.Kami lang kasi ng bellboy ang magkasama sa loob ng elevator kaya ko sya sinubukang kausapin.

"Ang may ari po ng hotel na ito ay si Boss GD VILLAREAL.
Dito po kasi lahat tumutuloy ang mga VIP na dumarating sa bansa.Kahit po ang mga ibang sikat na celebrity at pulitiko ay dito din po nila gustong mag stay._Bellboy.Magiliw at magalang naman sya kaya hindi ako nailang na kausapin sya.

Maging ang pinaka pasilyo ng bawat palapag ng gusali ay espesyal dahil sa gigintuin nyang kulay.

"Ganun ba kuya,Ang bongga naman pala ng hotel na ito.Puntahan pala ng mga sikat na tao.
Feeling ko tuloy sikat din ako kaya ako nandito ngayon.
_AKO.

"Syempre naman po Madam,Alam ko pong napaka espesyal nyong tao kaya naman ginagalingan ko din ang pag entertain sa inyo ngayon._Bellboy.Mabilis syang naglabas ng isang kahon na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Mula sa kahon ay may lumabas na isang puting kalapati.At nang ibalik nya iyon ay naglaho bigla ang ibon at may lumabas namang bulaklak mula sa kahon.Pansamantala akong naaliw sa ipinakitang tricks ni kuya sa akin.

"Wow naman,May entertainer pa pala akong kasama ngayon.
Wag kang mag alala,Dahil naaliw ako sayo at nabawasan ng bahagya ang pagod ko...May TIP ka sa akin._AKO.Binuksan ko ang bag ko at saka kumuha sa wallet ng 1K.

"Naku Madam,Pasensya na po.Bawal po kaming tumanggap ng ganyan mula sa mga VVIP.Karangalan na po sa akin na napasaya ko kayo ngayon._Bellboy.Ilang saglit pa ay nakarating na din kami sa room na pupuntahan ko.

"Salamat kuya ha,Tuloy mo lang yang pagma magic mo.
_AKO.Pumasok ako sa loob ng room pagkatapos kong mag buzz.Maràhil ay nakita na nilang padating na ako kaya mabilis ko ng nabuksan ang pinto since naka automatic ang lock sya.

"Magandang gabi po sa inyong lahat.Sorry po if hindi kaagad ako nakarating ng mas maaga.Medyo madami po kasi kaming pasyente ngayon sa Hospital._AKO.Para syang isang malaking family gathering since kumpleto ang pamilya ng VILLAREAL sa loob.Maging sina Mommy at Daddy ay nanduon din kaya reunion nya nga syang matatawag.

Bukod sa patriach ng VILLAREAL GROUP na si Boss GD at Madam Sally,Naruon din ang anak nito na sina Madam Maui at Captain AJV.Habang may kausap naman sa telepono si Atty Zoila Montenegro at nakaupo naman sa tabi ng kama si Madam Gari.Sina Mom and Dad ang unang sumalubong at yumakap sa akin.Saka ako nagbigay galang sa pamilya Villareal at Montenegro.

"Hello!Nice to see you again my soon to be couzin inlaw!
_MJ Villareal.Sya yung mestisang mahinhin na na meet ko nuon sa Anniversary ng CK mall.Na pinsan ni Zoie.

"What happened to you? Bakit naka cast yang leeg mo?_AKO
Bigla akong nag alala para sa kanya.Kasi naman ay napaka hinhin nyang kumilos at magsalita tapos bigla na lang syang magkakaroon ng cast sa neck nya

"Dont worry okey naman ako.Napa tingnan na ko ng mommy at daddy sa ilang mga doctor na kakilala nya and so far,wala namang nakitang problema sa lahat ng test nila.Kaya lang mapilit silang ipa check din daw ako sayo para makasiguro._MJ.Kahit na mukhang di biro ang nangyari sa kanya,Di mo sya kakikitaan ng pagkatakot o ng pagdaing.

"Sige ako ng bahala,I chi check kita ng husto para namang maka siguro pa tayong lalo.Pero sa itsura muna mang ganyan,Para namang wala akong nakikitang mali or kakaiba.Ikaw lang yata ang nakita kong naka neck braces na pero poise at maganda pa din._AKO.Gusto kong maramdaman nyang hindi ako mahirap maging kaibigan.

"Wow naman,Ang haba ng hair ko dun ha!Sige na nga,Naniniwala na kong maganda nga talaga ako.hhahahha.
Pero maiba lang ako ha,Kamusta na kayo ni couz? Infairness,Ang galing mo dun sa bar incident ha. Tawang tawa talaga ko dun sa part na sinampal mo si Girl.Kaloka!Parang hindi na bumalik yung pisngi nya sa lakas eh.Malamang nagpapa ayos na naman ng ilong nya yun._MJ.Saka sya tumawa ng malakas kaya lahat sila duon ay napalingon sa aming dalawa.

"Papano mong nalaman yung tungkol sa nangyari dun sa bar? Wala naman akong nabasa o napanuod na video about that incident.San mo nalaman ang balitang yan?_AKO

"Ano kaba,Knowing the Montenegro's...Wala talagang makakalabas na kahit na anong balita o evidence about that incident noh.Iba ang power ni Tito Zee pag dating sa ganyan.Anyways,Kapag siguro okey na ko at pwede ng lumabas labas,Samahan mo naman ako mamasyal oh._MJ.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka tumango.

After kong mag check up at makausap si MJ ay nagpaalam na din ako na babalik na sa condo.Sumabay na din sa akin sina Mom and Dad at sila pa mismo ang naghatid sa akin.

Sa Mansion na sila didiretso since kailangan din silang maaga gumising bukas para sa business trip nila to SG.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon