3.The DOCTOR IS IN (SAINT)

665 29 1
                                    

SAINT LAURENT GUILLERMO PAMINTUAN

Isang taon na lang ang bubunuin ko at magiging isa na akong ganap na dalubhasang surgeon talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang taon na lang ang bubunuin ko at magiging isa na akong ganap na dalubhasang surgeon talaga.Sa edad na dalawamput apat ay nasa huling taon na ako sa medisina.Mayroon na lang akong natitirang isa o dalawang taon pa para maging residente at maaari ng makakapag opera ng tuluyan.Pangarap kong makapagtrabaho sa hospital na pagmamay ari ng pamilya Guillermo(GGH).Sa Pilipinas ko mas nais manggamot kaysa sa Canada.Nang malaman ko kasi ang kalagayan ng bansang Pilipinas ay narealize kong mas kailangan nila dito ng mga dalubhasa.Masyado ng madaming magaling na mga manggamot sa Canada kaya mas makabubuting dito na ako sa bayan ko makapaglingkod.

"Saint anak,Bakit kaba nariyan sa labas.Pumasok ka dito sa loob para makilala mo ang mga pinsan ko._Mommy Katie.
Nasa GUILLERMO GENERAL HOSPITAL kami ngayon.Isa ito sa mga namiss ng mommy habang nasa Canada pa kami.Ang mga kamag anak naming mga doktor din gaya ko.

"Naku,Ito na ba si Doc SAINT? Abay pagkaganda ganda naman palang doktora nitong anak mo Katie.Parang hindi yata dapat syang nag doktor kundi artista ah.Siguradong mabilis gagaling ang mga pasyente nyan kapag ganyan kaganda ang gagamot sa kanila._Doc.Manny Guillermo. Kaedad sya ng mommy pero mag 2nd cousin na silang dalawa dahil nag iisang anak lang ang mom ng FOOD MAGNATE na sina Granny TERRY at ni mamita Joyce.

"Hahahaha.Yan nga din ang madalas na sinasabi nila kapag nakikita ang anak ko.Pero nasa dugo na yata talaga ng mga Guillermo ang pagiging doktor kaya sya ang nakamana.
Kahit nga si Gucci ay ayaw sana syang mag doctor at sinabihang mag abogado or mag balita na lang pero pang gagamot talaga ang hilig kaya wala na kaming nagawang mag asawa._Mommy Katie.Dating news anchor si Mommy Katie at abogado naman ang Daddy Gucci.Pero ng manirahan kami sa Canada ay naging simpleng maybahay na lang ang Mommy habang si Dad ay nag business na lang din duon.

"Kamusta na nga pala ang negosyo nyo sa Canada,Wala ba kayong balak na mag franchise ng KG motors dito sa Manila?_Doc Manny.KG motors ang family business ng Daddy sa Canada.Mga mamahaling motor at motor parts ang ipinatayong business nya dahil mahilig sya sa motor bike.

"Naku wala.Wala naman kasi kaming balak magtagal dito.
Babalik din kami ng Canada kaagad.Tuloy tuloy pa din naman ang takbo ng TERRY'S.Habang malakas pa din naman ang kita ng TWINTOP AT NG HAPPYBEE ng mga Pamintuan._Mommy Katie.Bukod sa porsyento ng Mommy sa GGH at sa TERRY'S,May natatanggap naman ang Daddy mula sa supermarket at foodchain ng PAMINTUAN.Bale hati sila duon ni Tita Skyler na nasa SPAIN naman with her family.

"Sabagay mas maige naman ang buhay nyo duon kaysa dito.
Iba kasi kapag nasa Pinas ka,Kahit na may ari ka ng business ay dapat ka pa ding nakatutok ka.Unlike sa ibang bansa na high tech na kaya kahit na sa bahay ka lang ay kumikita ka pa din._Doc Manny.Saka kami napalingon sa nagkakaingayan sa labas ng pinto.Agad tumayo si Doc Manny at mabilis na tinignan kung anong kaguluhan mayroon sa labas.

"Doc,Pasensya na po.Mapilit po kasi si Sir na tawagin kayo.Gusto daw nya kayong makausap.Sabi ko nga may kausap pa kayo at hindi pwedeng maistorbo eh._Nurse.
Napatingin ako sa nameplate nya at saka ko nabasang Asuncion Julie ang name nya.Ngumiti ako sa kanya.

"Its okey Julie,Sige ako na ang bahala.Sir pumasok po muna tayo sa loob._Doc Manny.Saka ako tumingin sa nurse muli bago pumasok

"Doc,Nakikiusap po ako sa inyo.Please,Operahan nyo na po ang asawa ko.Hirap na hirap na po sya sa sakit na nadarama nya.Hindi ko po kaya na nakikita sya sa ganuong kalagayan.Parang awa nyo na po._Lalaking nasa singkwenta ang edad sa tingin ko.Halos lumuhod na sya kay Doc Manny habang nakikiusap.

"Ahhh,Manny...Mauna na muna siguro kami ni Saint.Babalik na lang kami ulit sa ibang araw.Tatawagan ko ang iba pa nating mga pinsan para mag reunion tayo.Sige Manny,Mauuna na kami._Mommy.Bumeso sya kay Doc Manny at saka ako tumango lang bilang pamamaalam.Hindi na ko nag abala pang bumeso para makausap na nya yung asawa ng pasyente ng maayos.

Muli kong nilingon yung nurse na nakita ko kanina.Mabuti na lang at nasa nurse station sya kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Excuse me miss,Itatanong ko lang sana kung ano yung sakit nung asawa nung lalaki kanina?_AKO.Habang si Mommy ay abala sa telepono para tawagin yung driver namin.

"Naku Madam,Pasensya na po kanina ha.Naistorbo namin kayo.Kasi po ay may cancer sa ovary yung asawa nya at halos wala pong tigil sa pag iyak.Kapag po ini inject ng pain reliever saka lang po sya natatahimik at nakakatulog.Sa totoo lang po ay nakaka awa talaga sya pero mahirap lang po kasi sila at walang sapat na pera para sa pagpapa opera._Nurse Julie.Maliit na babae si Julie pero halatang aktibo at bibo.

"Okey lang ba kung kunin ko ang contact number mo para malaman ko ang iba pang detalye about sa pasyente?Gusto ko sanang makatulong kahit papano sa kanila.
Medyo nagmamadali na kasi kami eh,Kaya hindi ko alam kung sino ang pwede kong makausap about her._AKO.

"Naku Madam,Talaga po? Sige po,ito po ang numero ko.
Kung ano man po ang gusto nyong malaman tungkol sa kanya,Maari ko po kayong matulungan.Pero teka po,Hindi bat kamag anak nyo naman si Doc Manny G? Bakit po di na lang kayo sa kanya mag ask?_Nurse Julie.Napangiti ako sa kanya.

"Shhhhh...wag kang maingay.Sikreto lang natin ito.
Ayokong malaman nila na tutulong ako sa pasyente.Alam mo namang bawal mainvolve ang mag doktor sa mga pasyente nila hindi ba?Kaya para walang maka alam,ikaw na lang ang kakausapin ko.Sige miss,Aalis na kami ha.Bye!_AKO.

Nagmamadali akong sumunod kay Mommy sa pagbaba.Madami pa kasing gustong bisitahin ang Mommy kaya limitado ang oras nya sa pakikipag usap.Tamang observe lang ako sa loob ng hospital ng GGH and so far...Madami akong napansing kulang sa hospital na yun.Kulang sila sa pagkakawang gawa.

"Anak,Alam kong naaawa ka dun sa asawa ng pasyente kanina.Pero hindi tamang lahat na lang ng tao ay tutulungan mo.Lalo na kapag nalaman nilang mapagbigay ka at malambot ang puso sa mga nangangailangan.Tiyak na aabusuhin ka.Kaya nga hindi ka namin dito sa Pilipinas pinag aral at pinayagang mag work eh.Kasi malamang na malugi ang GGH kapag ikaw ang naging doctor nila dito.Masyado kang mabait at mapagbigay sa kapwa._Mommy Katie.Saka ako ngumiti sa kanya at saka yumakap.

"Mommy talaga,Kilalang kilala mo talaga ako noh?
Well honestly,Naawa talaga ako sa kaniya kanina.At nagpapasalamat ako sa kanya dahil ngayon ko biglang narealize na tama lang ang desisyon ko na dito nga sa Pilipinas ko ipagpatuloy ang pagdo doktor ko._AKO.Napatingin sa akin ang Mommy at saka biglang napatulala.Shock sya sa revelation ko.Ayaw na ayaw pa naman nila ng Dad na dito ako sa Manila magpaka dalubhasa sa pagdo doktor.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon