75.SAINT LAURENT

396 33 4
                                    

Mahirap na masarap ang buhay naming mga doktor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mahirap na masarap ang buhay naming mga doktor.Mahirap kasi halos wala kang pahinga sa pang gagamot sa araw araw pero masarap din sa pakiramdam na nakakatulong ka sa mga taong gusto pang humaba ang kanilang buhay.

"Doktora,Pasensya na po sa abala pero gusto ko lang sana pong manghingi ng kaunti pang araw para makalikom kami ng para pangpa opera sa asawa ko.Ako lang po kasi ang naghahanap buhay sa ngayon kaya hirap na hirap ako sa paghahanap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno._Mrs. Tagle.Sya yung may asawang may sakit na CKD at diabetes.

"Ganun po ba misis,Sige po at ako na muna ang makikiusap sa management na bigyan kayo ng extension para naman makapaghanap pa kayo ng ibang mahihingian ng tulong.
Paki iwan na lang po muna sa akin ang contact number nyo just in case na kailanganin kayong kausapin ng doctor in charge nyo._AKO.Pansin ko na kahit sya man ay hirap na din ng bahagya sa pagsasalita.Siguro ay dahil na din sa pagod at pag aasikaso pa sa asawa nyang may sakit.


"Maraming salamat po Doc,Narito po ang aking telephone number._Mrs.Tagle.Iniabot nya sa akin ang maliit na papel na naglalaman ng kanyang numero.


"Nurse Julie,Pasuyo naman nitong patient na si Mr.Tagle dun sa room 406 bukas.Kung ano yung iba nya pang kinakailangang gamot at basic need,Sabihan mo lang ako at ako ng bahalang bumili._AKO.Madalas ko ng ginagawa ang lihim  na pagtulong sa ibang mga in need na pasyente pero hindi ko pinaaalam na mula sa akin ang assistance.
Mayroon akong contact sa isa sa mga charity foundation officer ng GGH at sila na ang bahalang mag abot ng tulong sa mga piling pasyente.

"Ay sige po Dok,Ako na po ang bahala.Regarding naman po dun sa isa pang patient na namatayan po ng anak,Pinapasabi nga po pala ni Miss Leny na sila na din po ang nag asikaso dun sa pagpapalibing._Nurse Julie.


"Salamat sayo Julie ha.Kundi dahil sa kasipagan mo at pagiging matulungin,Hindi ko magagawa ang lahat ng yun.
Kamusta na nga pala yung kapatid mong nag aaral ng pagka sundalo,Okey lang ba sya duon?_AKO.

"Ay okey naman po sya duon Doc.Masaya daw na mahirap ang training.Nangingitim na nga daw sya dahil palagi silang nakabilad sa arawan.Sabi ko nga,As if naman na maputi sya eh dati na syang kulay kape.ahahahhha._Julie.Natawa ako pero bigla ko ding naalala si Perth.Yun din kasi ang una kong napansin nuon sa kanya,Yung kulay nya na hindi naman maitim pero hindi din maputi.

"Oi si Doktora,Naalala bigla si soldier Perth.hihihi.
_Julie.Bahagya akong natulala.Papano nyang nabasa ang iniisip ko

"Hahahahhha.Grabeh sya oh.Ganun ba ko ka obvious at alam mo na sya ang nasa isip ko?_AKO

"Kasi naman dok,Kakaiba ang ningning ng yong mga mata.
Parang nagtu twinkle sya.hihihi.Pis tayo Dok._Julie.
Napatakip tuloy ako ng mukha at saka kami sabay na napatawa.

"Alam mo,Ang lakas mo mang asar.Alam ko naman na hinuhuli mo lang ako eh! Pero syanga pala,Speaking of Perth...Ano ba ang magandang gift para sa kanya? Sa sabado na kasi yung promotion nya at inabisuhan na ako ng parents nya na susurpresahin daw namin sya duon sa camp._AKO.After kasi ng vdcall namin ni Perth last night ay ang Mama Maui naman nya ang sumunod na tumawag sa akin para nga sa surpresang pag bisita namin sa kanya sa sabado.

"Ay grabeh,Ang saya naman.Parang family celebration na yun Doc.Yiiieeeeee,Kinikilig naman ako!!! Napaka saya siguro ni Soldier Perth sa araw na yun kasi kumpleto ang mga mahal nya sa buhay._Julie.


"Kinikilig ka ba talaga o naiihi ka lang? Ahahahhaha.
Sana nga maging masaya sya lalo pa at mga 6 months daw syang made destino duon at hindi na muna makaka balik sa kanilang bahay._AKO

"Ay talaga Dok,Pero ang lapit lang ng Bulacan diba? Bakit  naman yung brother ko,Nakaka uwi sya sa amin kapag byernes ng gabi  hangang linggo? Halos pareho lang naman na sa Bulacan yun hindi ba?_Julie

"Malapit pero hindi pupwedeng paalis alis.Kasi kampo yun at sa opisina sya naka pwesto.Sila ang nasa front desk kaya dapat nandun sila araw araw para sa mga mahahalagang dokumento at mga anunsyo sa iba pang camp.Parang sila ang tagapag hatid ng mga report sa mga general lalo kapag may mga mahahalagang kaganapan._AKO

"Ahhh,Para pala silang mga reporter duon.Pero alam nyo Doc,Kakaiba din talaga yang si Soldier Perth ano?
Imaginin mong napaka yamang tao,Anak ng mga bilyonaryo pero napaka simple.Sa totoo lang Dok,Nung una ko syang nakita...Crush ko sya eh.First time ko mag ka crush sa isang les....Ay sorry Dok.Ang daldal ko na naman eh._Julie.Saka ako natawa sa kanya.

"Dali na,Ituloy mo na yang kwento mo.So ano naman ang nagustuhan mo sa kanya bilang sabi mo nga never kang nagka gusto sa isang lesbian?_AKO.

"Uhmmm,Kasi yung itsura nya kahit seryoso mukha pa ding mabait.Tapos halata mong kutis artista kahit di kaputian.Nakaka insecure yung kakinisan,Halatang yayamanin.Yung nangitim lang sa kaka drill pero ang totoo,Tisay naman.Tapos ang puti ng mga ipin nun diba Dok.Parang ambango bango ng hininga._Julie.

"Hahahahhah.Aliw yang mga sinasabi mo ha.Di naman halatang crush mo sya.Pati hininga alam na alam mo eh!
Hindi naman pala ngiti si Perth pero napansin mo talaga yung maputing ipin nya?_AKO.


"Dok naman,Palagi natin syang nakikita dito sa Hospital noh kaya kabisado ko na ang itsura nya.Pero wag kang mag alala dok,Di ko naman sya aagawin sayo.hehehehhe._Julie

"Ahahahhaha.Nakaka aliw ka talaga kausap Nurse Julie.Luka luka ka din kasi na parang si Doc Mercy.
Anyways,Regarding sa biro mo na di mo sya aagawin sa akin...Wala namang kami kaya walang agawang magaganap.
_AKO.Bahagya akong nalungkot sa punto na yun.Totoo naman kasing walang kami.Hindi ko naman kasi itinatanong sa kanya dahil ayokong ako ang mauna at ayoko ding mag assume.

Maya maya lang ay kumatok na sa pinto ng room si Soldier Jenny.Sya kasi ang inatasan ni Perth na magsusundo sa akin tuwing gabi para ihatid sa unit ko.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon