Sunday ngayon at dapat ay nasa mansyon ako dahil kabilin bilinan ni Papa na umuwi ako dahil mayroon syang mga importanteng bisita.Kaya lang ay maaga akong tinawagan ni Sophie para magpasama sya na mag grocery daw para sa pang araw araw nyang pangangailangan sa condo nya.
"Hon,Later na tayo bumalik sa condo ha.Gusto ko munang magpa spa.Sabay tayo para naman ma relax ka din._Sophie.Wala naman akong tanggi kapag sinabi nya kaya kahit balak ko sanang umuwi sa amin after lunch ay hindi na uubra.After kasi ng shopping ay dumiretso pa kami sa salon para daw magpa trim,magpa kulay at magpa foot spa.Halos gabihin na kami sa maghapon naming pag tambay sa mall.
"Madam,Ang gwapo naman ni Sir.Artista po ba sya? Para kasing nakita ko na sya somewhere eh,di ko lang maalala.
_Therapist.Magkasama kasi kami sa isang room dahil pang couples yung pinili naming set."Gwapo talaga yan pero hindi sya artista.Isa syang sundalo kaya ganyan ang kulay,pero maputi yan talaga.
Mas maputi pa yan sa akin saka super kinis diba?_Sophie
Tamang kinig lang ako sa usapan nila at hindi ko ugali talaga ang makipag usap masyado sa di ko kakilala."Naku Sir,Sundalo po pala kayo.Ang gwapo nyo namang sundalo.Buti po hindi kayo nililigawan ng mga babaeng sundalo duon? _Therapist ni Sophie.
"Subukan lang nila at malilintikan sila sa akin noh!
Saka hindi malikot yang boyfie ko,Loyal sa akin yan.
Hindi sya kagaya ng ibang sundalo na bawat lugar na puntahan may babae.Ako lang ang one and only nyan,diba hon?_Sophie.Bahagya naman akong ngumiti sa kanya at saka muling bumaik sa seryoso kong mukha."Wow naman madam!Iba ka talaga.Sabagay,Napaka ganda nyo din naman kasi kaya natural na di na maghanap pa ng iba si Sir.Ang swerte nyo madam,Nakakainggit kayo!_Therapist
"Hahahahhah.Uu naman,Jackpot talaga ko dyan.Saka mayaman yang boyfie ko noh!Humble lang talaga yan at saka hindi pala kwento.Dito miss,Diinan mo pa ng husto kasi parang nabaliaan yata ako last night sa pag buhat ko ng maleta nung pasahero ko eh._Sophie
"Bakit madam,Ano po bang work nyo?_Therapist ko.Pansin ko lang na medyo may pagka tsismosa ang mga massage therapist nila dito kaya siguradong last ko ng punta ito sa kanila.Hindi ko din gusto ang way ng pagmamasahe nya.Parang may malisya dahil panay ang hagod nya sa part ko na medyo sensitive.
Panay din kasi ang pagtama ng malaking dibdib ng therapist sa akin na obviously naman ay gusto lang akong akitin.Hanggang sa dahan dahan nyang palihim na hinawakan ang kamay ko at saka ipinatong sa hita nya.
"Hon,Im done na.Diretso na ko sa shower at mag aantay na lang ako sayo sa sasakyan.Ako na din ang bahalang magbayad sa counter. _AKO.Kaagad akong nagsuot ng bathrobe at saka dumiretso ng shower.Nabadtrip ako sa bastos na therapist na kanina pa gigil na gigil sa akin at gusto na kong gawan ng di maganda.Napailing na lang ako at di na nagsalita.
Madilim na kami nakauwi ni Sophie sa condo nya dahil sa dami naming pinuntahan.Parang sabik na sabik si Sophie sa pagsa shopping nya kanina at napaka rami nyang pinabili sa akin.Punong puno kasi ang sasakyan namin sa dami nyang pinamili.Kahit siguro maraming pamilya ay hindi yun mauubos ng iisang buwan lang.
"Hon,Dito kana matulog please.Namiss kitang kasama at katabi pagtulog eh.Wag kana munang umuwi sa inyo,Dito ka na lang._Sophie.Kakagaling nya lang sa shower room at nakatapis lang sya ng towel.
"Sorry hon pero kailangan kong umuwi sa bahay ngayon.
Kanina pa nga ako tinatawagan ni papa pero hindi ko sinasagot ang tawag nya.Siguradong galit na galit sila sa akin ni mama ngayon dahil sa di ko pagsipot sa lunch date namin._AKO.Sasaglit na lang din siguro ako sa mansyon para mag sorry kina mama at babalik na din agad sa condo ko.Maaga din kasi ang call time namin sa headquarters bukas."Hon,look at me..Di mo ba ko namimiss,uhmmmmmm?_Sophie
Inalis nya ang tapis nya at tumambad sa akin ang napaka sexy nyang kabuuan.Isa sa pinaka nagustuhan ko kay Sophie ay ang mala coca cola nyang katawan. Idagdag mo pa ang may kalakihan nyang hinaharap na napansin kong hindi na kasing tayog gaya nuong una."Hon,Look Im sorry.I really miss you...I do.Pero i need to go back home dahil ayoko namang magalit sa akin ng husto sina Mama at papa. Sorry talaga,maybe next time.
_AKO.Hinalikan ko sya sa pisngi at agad kong kinuha ang jacket ko.Napayuko na lang ako sa manibela after kong makababa sa condo ni Sophie.Hindi ko alam,Pero bakit hindi ko na maramdaman pa yung dating init.Maaaring tama nga si Nene sa sinabi nya...Hindi ko nga totoong mahal si Sophie.
Maaaring naakit lang ako sa maganda nyang katawan,Mainit at mapangahas na alindog.Pero bakit after ng ginawa nya sa akin ay hindi ko na din sya gustong maangkin pa.Bakit nakaramdama ako ng pandidiri lalo na sa isiping hindi lang naman ako ang nakaka gamit sa katawang yun kundi may isa pa.Mabilis kong pina andar ang kotse ko at dumiretso na papunta sa mansyon.
"Zoie anak,What happened? Bakit kanina pa kami tawag ng tawag sayo pero hindi ka namin makontak ng papa mo?
Are you okey?May nangyari bang masama sayo ha anak?_Mama
Agad akong yumakap sa kanya at humalik sa nuo nya."Ma,Im okey.Wala pong nangyaring masama sa akin.Nandito lang ako para mag sorry dahil sa hindi ko pagsipot sa usapan nating lunch date with papa Zee.Sorry ma,May importante po kasi akong pinuntahan kaya hindi po ako nakauwi dito kaagad._AKO.Palinga linga ako at nagbabaka sakaling nasa paligid lang si papa.
"Anak,Hindi tama ang ginawa mo.Dapat sana ay ipinaalam mo sa amin ng papa mo kung nasaan ka at hindi mo dapat binalewala ang pagtawag ng papa mo sayo.Sa susunod na gawin mo ulit yan,ako na mismo ang pupunta sayo para kastiguhin ka._Mama Maui.Mahinahon pero madiin ang pagkakasabi ng mama.Tanda na dapat na akong matakot sa last warning nya. Madaling mag alala ang mama,pero kapag naman kinausap mo sya ng maayos ay madali syang nagpapatawad.
"Mama,Im so sorry po talaga.Hindi na mauulit.Promise ko po na palagi ko na kayong uunahin kaysa sa sarili ko lang.Sorry sa inyo ng papa dahil napaka tigas ng ulo ko at sarili ko lang palagi ang inuuna ko.Patawarin nyo ko ni papa.Hindi ako naging mabuting anak sa inyo._AKO.
Niyakap ko si Mama ng mahigpit.Kahit di ako iyakin at hindi madaling magdamdam,basta pala sina Mama at Papa na ang pinag uusapan ay madali akong maluha."Shhhhhh...Its okey anak ko.Ang mahalaga ay alam mo kung ano ang pagkakamali mo.Sana nga ay wag ng maulit pa para hindi na kami mag alala masyado ng papa mo.Sige na anak, Akyatin mo ang papa mo sa kwarto at humingi ka sa kanya ng tawad. Sigurado namang maiintindihan ka nya at mangako kang hindi na uulit sa pagkakamali mo._Mama Maui.Hindi na ko dumaan sa hagdan at sa elevator na ko sumakay para mas mabilis.Ilang saglit pa ay nasa harapan na ako ng pintuan nila Papa.
"Mula ngayon at sa mga susunod pang mga araw...Ay pinagbabawalan na kitang umalis ng bahay na walang pahintulot mula sa amin ng mama mo.Kapag binali mo ang kasunduan natin,Mapipilitan akong madaliin ang napagkasunduan namin ng bff ko na ipakasal ka sa anak nya kahit na dapat ay sa ika dalawampu't limang kaarawan nyo pa dapat ang nakatakda nyong pag iisang dibdib!_Papa Zee.Bakas sa mukha nya ang kaseryosohan.Gustuhin ko mang sumalungat ay hindi ko magawa dahil baka bigla na lang akong masampal ng di oras. Saka ko na lang sya kakausapin kapag hindi na mainit ang ulo nya.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomansaMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...