63.PERTH

415 33 1
                                    

Bahagya akong nagulat ng makilala ko ang isa sa mga nakakulong na rebelde sa kampo Lozano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bahagya akong nagulat ng makilala ko ang isa sa mga nakakulong na rebelde sa kampo Lozano.Sya si Captain Raul Bulabon.Ang pinuno ng mga rebelde sa Norte na minsan ng nailigtas nuon ni Doc Saint ang buhay.Ang kuya ng magkapatid na Alicia at Allan.Saglit na nagtama ang mga mata namin at saka ako nag kunwaring di sya kakilala.

"Bok,Ang sama ng tingin mo dun sa bihag kanina ah.Parang iba ka makatitig eh.Kilala mo ba yun?_Nene.Sinabayan nya ako sa paglalakad pabalik ng baraks namin.

"Ang talas talaga ng mata mo noh!Bagay na bagay ka talagang sundalo.Alam na alam mo kung anong mga nagaganap sa paligid mo eh.Bakit hindi ka nag CIS na lang._AKO.

"Gustuhin ko man,di kaya ng nanay ko.Ang mahal kaya ng tuition fee ng maging agent.Sa pagsusundalo,Scholarship at saka uniporme lang ayos na.So tama nga ako,Kakilala mo nga si Captain Bulabon._Nene.Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari at saka sya napatango.

"So nasaan na nga pala yung magkapatid?_Nene.

"Nasa pangangalaga sila ngayon ng DSWD.Pero since on a regular basis naman ay hawak sila ng VILLAREAL FOUNDATION,Kaya para na din silang mga adopted member ng Villareal group.Sagot nila yung bahay,pag aaral at pang araw araw na pangangailang nila.Kapag nakatapos na sila ng pag aaral,Otomatik na silang mga tagapaglingkod ng VILLAREAL GROUP at may sigurado na silang future._AKO.

"Wow naman,Iba din talaga mag isip ang lolo mo noh? At napaka laki ng puso lalona sa mga tauhan nyo.Biruin mong lahat ng mga tapat nyong empleyado hanggang sa kaanak anakan nila ay sigurado na ang magandang buhay dahil sa itinatag nyang foundation.Kaya mas lalo kayong pinagpapala eh,Dahil na din sa lolo mo.Saludo talaga ako sa kanya._Nene.Ako man ay proud na proud din sa Lolo GD ko.Napaka ganda naman kasi talaga ang mga achievements at mga ambag nya sa VILLAREAL GROUP kaya mas lalo itong tumatatag sa pagdaan ng panahon.

"Attention all men!Proceed to the military base right now!I repeat,This is an emergency...Proceed to the camp base right now!_Mula sa labas ay mayroong speaker ang bawat baraks para sa mga emergency situation na gaya ngayon.Mabilis kaming lumabas at saka humanay sa pila kasama ang lahat ng mga ka grupo ko.

"Tinambangan ng mga di pa nakikilalang grupo ang ating mga paparating sanang mga VIP mula sa CIS.Kaya naman kailangan nating sumugod sa pinangyaruhan ng engkwentro para sa back up.Maghanda!_Staff sgt.Mohamed.Sya ang aming pinuno dito sa Sulu.

"Sir,May mga casualties na po ba?_AKO.Bahagya akong lumapit sa kanya para magtanong.Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla ng malaman ko ang nangyari

"You are?_Sir Mohamed.Isa syang sundalong Muslim.

"Im private 1st class Montenegro Zoie Sir!_AKO. Bahagya syang natigilan pero mabilis din nya akong hinila ng bahagya papalayo sa iba pa naming kasamahan.

"Ikaw yung anak ni Atty.Montenegro at ni madam ng Villareal group tama ba? _Sir Mohamed.Tumango tango naman ako at saka mabilis na sumunod sa kanya pasakay sa truck.

"Men,Makinig kayong lahat.This is not just a typical mission na kailangan lang na magsipag baril kayo sa kalaban o iligtas yung mga dapat iligtas na bihag.Mahalaga ang misyon natin dahil nakasalalay dito ang identity or pagkakakilanlan ng ating mga tutulungang mga VIP.Lahat silang lima ay mga karaniwang sibilyan lamang ang itsura kaya walang idea ang mga kumuha sa kanila kung sino sino sila.Kahit ako or kayo...Hindi nyo malalaman kung sino ba ang mga taong babantayan at ililigtas natin.Kaya naman inaasahan ko na maging vigilant kayo sa mga tao sa paligid nyo para hindi tayo mapahamak lahat._Sir Mohamed.

Mabilis kaming lumapag sa aming destinasyon.Imbis na masukal na gubat,Isang karaniwang lumang gusali lang ang pinagdalahan sa kanila ng mga suspek.Mabilis kaming kumalat sa paligid ng gusali at saka dahan dahang umakyat sa pader na bakod ang ilan.Isa si Jen sa magaling pagdating sa akyatan.Habang si Nene naman ay kausap ni Sir Mohamed para sa instruction.Magaling si Nene sa comprehension or mabilis ang utak sa pag diskarte.Isa sya sa utak ng misyon namin ngayon.

"Bok,Kinakabahan ako.Papano kung magkamali tayo dun sa VIP natin?_Belle.Si Anna naman ang may pinaka mahina ang loob sa aming apat.Ang maganda kay Belle,Magaling sya sa pagbaril.Walang mintis at halatang bihasa.

"Wag kang mag alala,Magkasama naman tayo eh.Alalay ka lang sa likod ko tapos ako ang bahala dun sa aatake sa atin.Tara na!_AKO.Matapos naming dumaan sa binuksang gate ay isa isa na kaming umaligid duon sa labas ng gusali.Nauna ako sa pagpasok since ako yung marunong sa self defense.

"Pakawalan nyo na ko.Sinabi ko ng hindi ako pulis!
Bumisita lang ako dito with my friends._Tinig ng babae.
Hindi ko sya makita since nakatalikod sya at saka madlim sa bahagi kung nasaan sila.Sa tantya ko ay madami silang nasa loob.Dahan dahan akong lumibot sa kabilang side at saka ko sinenyasan si Belle na sumunod sa akin.

"Tumigil ka!Wag ka ng magkaila pa.Alam namin na isa ka sa mga gagong myembro ng Intelligence agency na yan.Pwe!
Mga mapagpanggap!Hindi nyo kami malilinlang!Kahit pa saang lupalop kayo ng mundo nag training,Alam na alam ko kung sino sino kayo!_Lalaking balbasarado.Himalang hindi sya naka takip ang mukha gaya ng mga rebeldeng nakaka sagupa namin.Malaking tao sya at na may matangos na ilong.Parang kahawig ni IAN VENERACION ang kanyang itsura.

"Wala kayong mapapala sa amin.Hindi kami yung mga sinasabi nyo.Look at us,Mukha ba kaming mga pulis?
Sa sobrang hinhin at pagka mestisa nitong kasama ko, sa palagay mo mukha ba syang pulis ha? Kahit yata lamok hindi nya kayang patayin eh!_Babae.Pumwesto ako sa kabilang gilid ng pader kung saan ko sila pwedeng makita lahat.Kinapa ko ang baril ko sa gilid ng bewang ko just in case makagawa ako ng ingay at bigla akong mahuli ng mga kalaban.

Base sa nadinig kong pag uusap nila.Mukhang hindi naman yata talaga myembro ng CIS itong dalawang babae na nakuha nila.Kahit nakatalikod kasi kanina ay napansin ko nga na maputi at mukhang mayaman itong isa sa dalawang bihag.Ilang dipa na lang at makikita ko na sana ang itsura ng naka upong bihag ng biglang may kumalampag sa kabilang side ng pader.Agad na nagsipag kasahan ng baril ang mga armadong lalaki at saka itinutok sa mga bihag.

Hanggang sa nakarinig na lang ako ng putok ng baril.Mabilis akong tumakbo sa tagong bahagi ng pader at saka sumilip sa loob.Kitang kita ko ng tutukan ng pinaka leader ng grupo ang mestisang babae sa sentido at saka ako nanlamig ng makita ko ng harapan ang babae...

"MJ?_AKO.

Naging mabilis ang mga pangyayari.Sapul ang kamay ng leader sa pag asinta ni Belle sa kanya.Agad naman akong lumapit sa mga bihag at saka kami nagpang buno ng isa pang kasama nila.Maging ang kasamang babae ni MJ ay nakipag suntukan na din sa iba pang tauhan habang si MJ naman ay nawala na din sa pwesto nya kanina.

Bukod sa ilang tinamaan ng baril mula sa mga rebelde ay malubha din ang lagay ng kanilang pinuno.May mga nagka barilan na din kasi sa ibaba pa lang ng sirang building.

At si MJ na pinsan ko naman ay nakakapagtakang mabilis ding nawala sa pinangyarihan ng krimen.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon