22.SAINT

400 24 3
                                    

Dearest Doktora,Ipagpaumanhin nyo po ang aking pag gambala sa inyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dearest Doktora,
Ipagpaumanhin nyo po ang aking pag gambala sa inyo.Sa kadahilanang
ang akin pong nakatatandang kapatid ay kasalukuyang nag aagaw buhay ngayon.Kaya lang po ay hindi sya pupwedeng makita at makilala ng mga tao dahil sya ay pinaghahanap ng batas.Hinihingi ko po ang inyong tulong para sa kanyang kaligtasan.Hindi po masamang tao ang kuya ko,Sya ay biktima lamang po ng malupit na panghuhusga ng mga tao.Sana po ay matulungan nyo sya.
Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako ng taos puso.

Umaasa po ako na hindi nyo bibiguin ang aking hiling.
Sa inyo po nakasalalay ang kanyang kaligtasan at buhay.

P.S.
Hihintayin ko po kayo sa bukana ng gubat sa tabi ng malaking puno.

Lubos na umaasa,Alicia.

Bahagya akong kinabahan sa nabasa kong sulat mula sa  dalagitang lumapit sa akin kanina.Alas sais na ngayon ng gabi at bahagya na lang ang liwanag sa labas nitong apartment ng sumilip ako mula sa bintana.

"Dok,May kailangan po ba kayo? Ang sabi po ng staff natin,Tatawagin na lang daw po tayo kapag magdi dinner na.Makikipag kwentuhan lang po muna sana ako dun kabilang room kung okey lang po._Julie

"Its okey Julie,You can take your time.Okey lang naman ako dito.Maya maya ay tatawagan ko din ang parents ko para mag report.Im sure na kanina pa nila inaantay na makausap ako.Just call me na lang kapag kakain na._AKO

"Yes po Dok,Tatawagin ko po kayo kaagad.Sige po,Enjoy lang sa pakikipag videocall._Julie.Nakangiti akong tumango tango sa kanya at saka sya lumabas na ng room para makipag kwentuhan sa iba pang nurse na kasama namin.

Isa isa kong chineck ang mga gamit ko sa pang gagamot sa aking bag.May mga ilan akong gamit na personal ko talagang binili mula pa sa Canada kaya masasabing hitech na ang mga kagamitan ko sa pagchi check up at maging mga maliit na gamit ko sa pag oopera ng mga minor cuts.

"Doktora dito po!Sabi ko na nga ba at darating kayo.
Hindi po ako nagkamali sa nilapitan ko para hingian ng tulong.Maraming zalamat po Doktora._Alicia.Kung ano ang itsura at suot nya kanina ng magkita kami ay ganun pa din ngayon.Tanda na hinihintay nya ko talaga mula pa kaninang umaga.

"Naghintay kaba dito mula pa kaninang umaga?_AKO. Napansin ko bahagya nyang hinawakan ang kumakalam nya ng sikmura.Kundi ako nagkakamali,Mula kanina pang umaga sya hindi kumakain.

"Ayos lang po ako Doktora,Sanay po akong maghintay kahit gaano katagal.Ang mahalaga po ay magamot na ang aking kuya.Bilisan na po natin Dok,Baka maubusan na sya ng dugo.Tara na po._Alicia.Hinawakan nya ako sa kamay at saka kami naglakad na paakyat ng bundok

Masukal,Madilim at wala akong idea sa lugar na pinasok namin.Basta sumusunod lang ako sa kanya kung saan sya papunta.Halatang sanay na sanay na sya dito sa gubat kaya hindi ako nakaramdam ng pagkatakot.

"Ano ba ang nangyari sa Kuya mo Alicia,Bakit nag aagaw buhay sya ngayon,May sakit ba syang malubha?_AKO. Sa tanya ko ay may kalahating oras na kaming naglakakad.

"Wala pong sakit ang kuya ko.Malakas po ang pangangatawan nya at saka palagi po syang banat sa pagta trabaho.Siya po ang bumubuhay sa aming magkakapatid mula ng mawala ang nanay at tatay namin dahil sa engkwentro.
_Alicia

"Engkwentro? Anong ibig mong sabihin? Bakit naman nadamay sa engkwentro ang mga magulang mo? _AKO.

"Napagbintangan po kasing leader ng NPA ang tatay ko.
Nagkataon pong nasa bayan sila nuon ng Nanay para bumili ng pangangailangan namin sa bahay ng magka gulo duon dahil nga sa may napabalitang gumagalang mga NPA.At isa nga po sa napagkamalan nila ay ang mga magulang ko.
Walang habas po silang pinagbabaril ng mga sundalo at pulis kahit na po wala naman silang patunay na kasama nga po ang mga magulang ko sa mga rebelde._Alicia.
Napatingin ako sa mga mata ni Alicia na parang naiiyak pa din hanggang ngayon sa sinapit ng kanyang mga magulang.

"Tapos ngayon naman,Yung kuya mo ang pinuntirya ng mga sundalo tama ba?_AKO.

"Dahil po sa pangyayari nuon sa mga magulang namin,Nagtanim na ng sama ng loob ang kuya sa pamahalaan.Kaya po totoong sumapi sya sa mga rebelde para daw po maipaghiganti ang nangyari sa mga magulang namin.Hanggang sa dumating ang paghaharap nila ng mga sundalo at nagkaroon na nga po sila ng madugong engkwentro._Alicia

"Ibig mong sabihin,Kaya nag aagaw buhay ngayon ang kuya mo ay dahil sa pakikipaglaban nya sa mga sundalo? Pero bakit hindi na lang sya sumuko para magamot sya?At papano syang napunta sa inyo? Kasama ba kayo ng kuya nyo sa samahan nila?_AKO

"Naku hindi po Doktora,Hindi po kami isinasama ni Kuya sa kuta nila.Binibisita nya lang po kami kapag alam nyang wala na kaming makakain.Minsan,pinadadala nya na lang para makaiwas na din._Alicia. Gamit ang flashlight ng fone ko,Mas madali namin narating ang kabahayan nilang yari sa pawid ng mas mabilis.

"Kuya...Kuya!Gumising kana,Nandito na yung doktor na titingin sayo.Kuya!_Alicia.Mabilis kaming pumasok sa isang silid na yari lang sa manipis na tabla ang higaan.
Isang lalaki na walang malay ang nadatanan naming nakahiga duon at saka nagsilabasan ang isa pang batang lalaki mula sa likuran.

"Ako na ang bahala sa kuya mo.Maari mo bang ipag init sya ng tubig? Dun na muna kayo ng kapatid mo sa labas okey lang ba?_AKO. Saka sya tumango sa nakababata nyang kapatid at sumunod sa kanya papalabas.

"Sino ka?Anong ginagawa mo dito? Kung papatayin mo ko ay mag isip isip ka.Dahil siguradong papunta na dito ang mga tauhan ko._Lalaking hinang hina na pero nagawa pa ding magbabala sa akin.

"Isa akong doktor.At wala akong balak na masama sayo.
Nandito ako dahil na din sa pagsama sa akin ng kapatid mong si Alicia para gamutin ka.Wag ka na munang magsalita at madami ng dugo ang nawala sayo mula pa kanina._AKO

"Umalis kana! Hindi ko kailangan ang tulong mo! Siguradong isa kang espiya na paladala ng mga hayop na mga sundalo na yun.Bago kapa madatnan dito ng mga kasamahan ko,Mas makabubuting umalis kana ngayon din!_Lalaking sa tantya ko ay nasa trenta na ang edad ang itsura.
Or pwede din namang mas bata pa.Dahil sa mahabang buhok nya at balbas kaya sya nag mukhang matanda pa sa akin.

"Gagamutan na muna kita saka ako aalis.Wag kang mag alala.Wala akong balak magtagal dito.Lilinisin ko lang yang sugat mo at saka bebendahan para hindi na magdugo ng husto.Pero mas makabubuti kung magpapadala ka sa hospital,Para matanggal yang bala sa katawan mo._AKO

Sakto namang nagsisimula na ako sa pag lilinis sa sugat nya ng dumating bigla yung mga sinasabi nyang mga tauhan nya at kaagad akong tinutukan ng baril sa ulo ko.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon