72.PERTH

404 33 2
                                    

Kahit anong pigil ng parents ni Saint na wag na muna syang pumasok sa GGH ay hindi pa din sya napigilan dahil madami daw syang pasyente na nag aantay sa kanya duon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit anong pigil ng parents ni Saint na wag na muna syang pumasok sa GGH ay hindi pa din sya napigilan dahil madami daw syang pasyente na nag aantay sa kanya duon.
Bakas pa din sa aura nya ang naganap na insidente dahil sa maliit na bandage sa kanyang leeg.

Kumaway sya sa akin ng makita nyang papalapit na ko sa nurse station kung saan may kausap syang kapwa nya din doctor.Agad ko namang inabot sa kanya ang dala kong bulaklak.

"Wow naman si Corporal(sa susunod na buwan na kasi ang promotion ko),May pa bulaklak pang nalalaman.
Kelan ba ang kasal ha,Inip na inip na kaming mga bridesmaid eh,Diba Doc Nica? _Doc Mercy.Sakto kasing paparating naman sila ng iabot ko ang bulaklak kay Saint.Ngumiti lang ako pero hindi umimik.

"Ay uu nga,Kelan nga ba yan at ng makapag simula ng mag diet diba naman.Mahirap ng namumutok ang mga gown namin sa sikip paglakad sa entourage devah!_Doc Nica.Saka sila nag apir pang dalawa para asarin si Doc Saint.

"Mga sira! Hahahahha. Wala na naman kayong nakitang maaasar kundi ako.Mauuna na nga kong umuwi at baka kung saan pa mapunta yang pang aasar nyo.Babush! _Saint.
Saka kami naglakad na papunta sa table nya para kunin yung bag nya at dumiretso na kami sa parking lot.

Madami ng mga nakakalat na cctv duon at mga guard.Dinagdagan ang security para hindi na maulit pa ang nangyari nuon kay Saint.Maging ang kanyang mga civilian body guards ngayon ay nagpapalitan na din ng 24hrs para bantayan sya.

"Sabi ko naman kay Dad,Wag na kong pabantayan dun sa condo dahil safe naman at mahigpit ang security duon.
Kaya lang,Hindi sya pumayag at sinabihan ako na kung ayaw ko daw ng bodyguards,wag na kong mag trabaho sa GGH.Kaya ayan sila ngayon,Palaging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta._Saint.Napalingon ako sa kasunod naming itim na kotse mula sa side mirror ng sasakyan ko

"Mas mabuti na yang nakakasiguro kaysa naman mapahamak ka na naman.Mabuti ka nga,Sa hospital ka lang nila binabantayan at sinasamahan eh.Ako nga kahit mismong sa loob na ng barracks namin mayroong nagbabantay sa akin.
_AKO.Later ko na lang nalaman na si Jen pala ay isa din sa nagbabantay sa akin.Kaya pala mula pa nung High School kami magkasama na kami sa exclusive school dahil scholar sya ng foundation.Anak sya ng personal bodyguard ni Mom na si Mang Paking.

"Really? Ngayon ko lang nalaman yan ah...Kahit pala napapaligiran kana ng mga sundalo sa tabi mo,Mayroon kapa palang ibang taga bantay.Malamang na hindi lang si Jen ang nakamasid sayo kundi mayroon pang iba._Saint.

"Well,Hindi naman na nakapagtataka yun lalo pa at madami ding mga matataas na taong nakakabangga nuon ang Papa.
Kahit nga ang Lolo Mon nuon ay sobrang nag aalala sa aming lahat dahil nga masyado daw matapang ang Papa na kalabanin kahit na mga untouchable na nakaka bangga nya.
_AKO.Bukod sa talino ng Papa Zee,Masyado din syang matuwid.Kaya may mga ilang nasa mataas na posisyon sa pulitika nuon na galit sa kanya.

"Balita ko nga,May naipakulong daw syang high rank official nuon dahil sa corruption tama ba? Tapos sya din daw ang abogado nuon ng Tito Sky nung muntikan na syang masangkot sa drug syndicate._Saint.Para ngang nadinig ko na din ang balitang yun nuon pero hindi ko masyadong alam ang detalye.

"Yun ba yung tungkol sa mag amang drug pusher daw sa baryo nila dun sa Zambales? Parang nadinig ko nga yung kwento na yun.Ano na ang nangyari dun sa mag ama,Nakalaya na ba?_AKO
Saktong papasok na kami sa loob ng condo kaya maagap ng nagsipagbabaan ang mga bodyguards ni Saint sa kotse nila para kami pagbuksan ng sasakyan.

"Well,Sa galing naman kasi ng Papa mo...For sure hanggang ngayon nagbabayad pa din sa kulungan yung mag ama na yun.Pero teka nga pala,Hindi ba't taga Zambales din sina Nene at Jayda? Posible kayang kilala nila yung mag ama na pinag uusapan natin?_Saint.

"Minsan nga ay itatanong ko kay Nene yan.Posible ngang kilala nila yun or ng parents nila kasi nga ay dun naman sila talaga nakatira since birth._AKO.

"Okey.Ikaw ang bahala.Sa unit ko na ikaw mag dinner later,Magluluto ako ng steak at saka mushroom soup na paborito mo._Saint.

"Wow naman,Yun talaga yung inaantay ko eh!Sige shower lang muna ako then punta na ko dyan kaagad para maka help na din sayo.Seeyou later._AKO.Ngumiti naman sya sa akin bago nya isinara ang pinto ng unit nya.

Imbis na mag shower lang ay sa pool na ako muna nagbabad ng mga ilang minuto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Imbis na mag shower lang ay sa pool na ako muna nagbabad ng mga ilang minuto.
Matagal tagal ko na din kasing di nasisilip at napapasyalan itong pool area ng unit at saka gusto ko din namang lumangoy ng bahagya.
Pampa alis ng pagod.Pampa relax.Masyado din akong na stress sa ilang araw na pag duty sa kampo.

"Zoie anak,Tinatanong ako ni Atty.Chi kung kelan na daw ba yung dinner natin with Doc Laurent? Ang sabi ko nga ay itatanong ko na muna sayo dahil busy kapa.Ano na nga bang plano mo anak,Kelan ba tayo mamamanhikan sa mga Pamintuan?_Papa Zee.Mga nakaka ilang laps pa lang ako ng marinig ko ang pag ring ng fone kaya huminto na muna ako sa paglangoy at sinagot ang tawag galing kay Papa Zee.

"Pa,Nasa pool ako right now.Pasensya na kung di ko kaagad nasagot ang tawag mo.Regarding po dun sa dinner with "THE PAMINTUAN"..well,Itatanong ko po muna si Saint kung kelan ba sya available at saka ako magpapalam sa boss ko.Pa,I need time po muna bago ko sila harapin.
Medyo kinakabahan pa po kasi ako.At saka isa pa,Gusto ko na munang makausap si Laurent about dun._AKO.Minsan,Ito ang kinaiinisan ko sa parents ko.Gusto nilang pinangungunahan ang desisyon ko pati ang dapat kong maramdaman sana.

"Ganun ba anak,Sige basta tawagan mo na lang ako kapag handa kana.Wag kang masyadong ma pressure anak ha.
Makakapaghintay kami ng mama mo._Papa.Napailing na lang ako.Hindi nga pini pressure pero ramdam ko naman na mas excited pa sila sa amin ni Saint.

Naka ilang laps pa ako sa pool bago ako nag decide na umahon na.Dumiretso ako sa shower room at saka naligo.


Matagal akong namili ng isusuot sa closet pero sa huli ay pinili ko lang ding magsuot ng loose tshirt at saka jogging pants para komportable at chill lang.


"Hello there miss Beautiful...Here's your favorite coffee._AKO.Umorder muna kasi ako sa baba ng paborito nyang kape at saka ako nag buzz dito sa pintuan ng unit nya.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon