70.PERTH

401 36 5
                                    





Nakasanayan ko ng dumi diretso sa GGH after ng duty ko para sunduin si Saint.Wala namang kaming usapan or kasunduang gawin ko yun sa kanya pero nag eenjoy naman ako sa kung anong meron kaming dalawa ngayon.Walang label at walang pressure.

"Good afternoon po sir! Susundo po ba kayo kay Doktora Pamintuan? Sayang po at kaaalis lang nya mga ilang minuto lang.Hindi po ba nya alam na susunduin nyo sya?_Manong guard.Nagtaka ako na masyado naman yata syang maaga ngayong umuwi,Usually ay madilim na kapag lalabas sya ng hospital dahil nasa malapit lang naman ang inuuwian namin mula dito sa GGH.

"Ganun po ba Kuya,Sige po salamat.Susundan ko na lang siguro sya._AKO.Tamang ini start ko na yung kotse ko ng mapansin ko na may nalaglag na ID dun sa bakanteng parking lot.Agad akong bumaba at saka ako biglang kinabahan pagka basa ko kung sino ang may ari ng ID

"Hello Nenz,Nasaan ka? I need back up lang siguro.
Nakita ko sa parking lot itong id ni Saint,Hindi ko sure kung nalaglag or may nangyaring komosyon.Susundan ko yung track nya,then balitaan tayo after._AKO.Buti na lang at naisipan kong i track nuon pa ang fone ni Saint kaya madali kong malalaman kung nasaan sya.

"Hello Jen,Nasa Tagaytay kayo ngayon hindi ba? Sabihin mo kay Belle na dumiretso kayo pa Norte,Papuntang Pangasinan ang route ng sasakyan ni Saint.Okey,Malapit na ko sa intersection._AKO.Maging sila ni Belle at Jen na sana ay magi staycation sa Tagaytay sana ngayon ay inalertuhan ko din para may back up ako kung sakali.
Iba ang pakiramdam ko at bakit parang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa kanya.



"Bakit ba naman kasi walang kasamang bodyguard yang si Doktora Saint,Haaaaist! Alam na ba sa kanila na nawawala sya?_Nene

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Bakit ba naman kasi walang kasamang bodyguard yang si Doktora Saint,Haaaaist! Alam na ba sa kanila na nawawala sya?_Nene.Kasama ko na sya ngayon sa sasakyan papunta sa pinagdalhan kay Saint.

"Malapit lang naman daw kasi sa GGH ang unit nya kaya feeling nya safe na sya.Ilang minuto pa lang naman kasi ang lumipas kaya wala pang alam ang pamilya nya sa nangyayari.Kahit naman ako,Kundi ko lang nakita itong id nya sa parking area wala din siguro akong kamalay malay na nakidnap na sya.


"Teka,Wala ka bang idea kung sino ang maaaring gumawa nun sa kanya? Ang lakas naman ng loob ng gumawa nun kung sakali diba? Nasa public place sila tapos nagawa nyang mapapayag na sumakay ng kotse si Doc at walang komosyong naganap,Sabi mo sa akin nuon may kaunting nalalaman sa self defense si doc kaya kmposibleng di sya manlaban at maka agaw ng atensyon sa parking lot hindi ba?_Nene.
Tama si Nene sa obserbasyon nya.Posible kayang kilala ni Saint ang taong iyun kaya napapayag nya itong sumakay din sa kotse nya?



"Sa ngayon ay wala pa akong idea kung sino ang nasa likod ng kaguluhan.Or baka naman nag oover react lang ako at hindi naman talaga sya sapiliting isinakay.Baka naman may pinuntahan lang sya duon at di sinasadyang malaglag ang id nya sa pagmamadali._AKO.

"Palagay ko nga ganun ang nangyari bok.Saka kung may problema si Saint,Siguradong tatawag kaagad yun or baka nakatimbre na kaagad yun sa mga Villareal.Hindi naman papayag ang daddy nya at ang mommy nya ng ganun.
Lalo na ang Daddy nya na bali balitang malakas daw ang kapit sa pangulo ng Bansa._Nene.

"Sana nga walang masamang nangyari sa kanya.Pero kailangan pa din natin syang ma track down agad.Tawagan mo sina Jen kung nasaan na sila at magkita na lang kamo tayo sa LA VISTA home._AKO.Nasa parte na ng Norte ang kotse ni Saint kung saan kami unang nagkakilala at nagkita nuon.

"Shit Bok,Bakit papunta yan dun sa Baryo Balunggao? Diba dyan yung bundok na may ahas tapos pugad ng mga rebelde? Bakit naman pupunta dyan si Doktora?_Nene.Saka ko biglang naalala yung manyakis na rebelde na gustong gawan ng masama si Saint nuon.Sya yung kasamahan ni Bulabon na ginamot nuon ni Doktora.


Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko at saka kami dumiretso na sa destinasyon namin.



Baryo Balunggao,Northern Province.Benguet.




Sinigurado kong may lamang bala ang baril na dala ko at saka ako nauna ng lumakad papunta sa talahiban.Sa pagkakatanda ko,Bukod sa mga ahas at masukal na gubat ang tatahakin namin...may bahagi ding madulas sa parteng malapit sa sapa na kailangan naming mag ingat.

"Bok,Talaga bang tayo lang apat ang lulusob sa gubat na yan? Hindi ba tayo tatawag ng back up man lang?
Pambihira,Ang daming ahas dyan ih.Baka naman bago pa natin maligtas si Dok nyan,tayo na muna ang matuklaw ng mga ahas nyan?_Jen.


"Hindi pa nga kasi tayo nakaka siguro kung nandun nga si Doktora.Na track ko nga ang fone nya pero nasaan ang sasakyan nya kung sakali diba? Imposible namang umakyat sila ng bundok gamit ang sasakyan nya.Malamang mayroon silang mga kasabwat na taga baryo kaya may napag iwanan sila ng kotse ni Saint._AKO


"BOK,Mag relax ka nga.Kanina kapa halatang tensyonado.
Hindi nila maaano yung si Doktora.Pupusta ako na maililigtas natin sya ng walang kahit isang galos man lang.Tara na bok,Hanapin na natin sila._Anna.
Bahagyang nabawasan ang tensyon ko sa sinabi ni Anna.
Hindi ko alam pero kanina pa talaga ako nakakaramdaman ng kaba.Nang TAKOT.


Pakiramdam ko nga ngayon,Para akong sasabog sa sobrang pag aalala kay Saint.Ngayon ko lang narealize na ayoko pala syang mawala sa akin.Saka ko lang ngayon naisip na sana pala,Sinunod ko na nuon pa ang gusto ng parents ko para sa akin at hindi na ko nagrebelde pa.

"Shit guys,Tumatawag si Sir Villamin.Mukhang alam na nilang nawawala si Doc Saint!Pati daw ang mga magulang at mga kamag anak ni Doc ay gumagawa na din ng paraan para matunton ang pinadlahan sa kanya._Nene.Siguradong nabulabog ang buong angkan ng mga PAMINTUAN AT GUILLERMO dahil sa pagkaka dukot ng nag iisang tagapagmana nila.


"Sagutin mo agad,Baka may lead na sila kung ano ba talagang nangyari.Sabihin mo kailangan natin ng back up._Jen.Saka kami huminto na muna sa paglalakad para makausap ng maayos ni Nene si Sarhento Villamin.


"Kumpirmado! Kinuha nga ni Abdul Hakim si Doc Saint.
Kapalit daw ng paglaya ni Bulabon.Hindi nga daw talaga nanlaban si Doktora kaya walang nakapansin na nakuha na pala sya ni Hakim._Nene.Lalo kong binilisan ang paglalakad para matuntun ang kuta ng mga rebelde.

"Bok ano kaba,Masyadong mapanganib kapag sumugod tayo duon.Mag antay tayo sa utos nga mga nakakataas.Inalarma na nila ang sangka pulisan at ang mga militar kaya mag antay na lang muna tayo dito._Nene.Hindi pa din ako nagpatinag at nagpatuloy pa din ako sa paglalakad.


Wala naman silang nagawa kundi sumunod na lang din sa akin.Hindi ko naman kayang maghintay na lang sa wala.
Hindi ko naman hahayaang hindi ko mailigtas ang babaeng pakakasalan ko.Kumpirmado...Mahal ko na ngang talaga si Doktora SAINT LAURENT GUILLERMO PAMINTUAN.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon