21.PERTH

417 23 1
                                    

Isa sa ginawa kong motivation para pansamantalang makalimot ay ang maagang pagsabak sa training

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa sa ginawa kong motivation para pansamantalang makalimot ay ang maagang pagsabak sa training.
Mayroon pa sana kaming isang linggong natitira sa bakasyon para makapag pahinga pero mas pinili kong sa training camp na muna mag stay kaysa sa mansyon or sa condo.
Bagay na sinang ayunan naman kaagad ng mama at papa.

"Pambira naman PERTH!Isang linggo pa ang bakasyon natin bakit naman ang aga aga mo namang bumalik dito sa kampo!
Ang sarap pa ng bakasyon ko sa bahay eh!_Jen.

"Bakit,Sino ba kasing may sabi sayo na sabayan mo kong maaga magtraining ha? Wala akong sinabi sayo na sabayan moko bumalik dito sa camp.Okey lang naman ako kahit mag isa lang,Hindi ko kayo pinipilit makipagsabayan sa akin.
_AKO.

"Haaaist! Syempre naman mag isa ka lang dito alangan tiisin kita diba? Kahit may mga ibang trainee din na nandito,Iba pa din syempre kung magkakasama tayo.
Di naman natin kakilala dito yung iba,Kaya mas mabuti ng may kasama kang mapagkakatiwalaan._Jenn

"Okey ka lang ha Jenny? Umamin ka nga kasi sa akin,ESPIYA kaba ng tatay ko kaya palagi kang nakasunod sa akin? Ano ba yang pinagsasabi mo na kasamang mapagkakatiwalaan,Porke hindi natin sila ka batch at ka eskwela hindi na sila dapat pagkatiwalaan?_AKO

"Ahahahha.Hindi naman sa ganun bradah.Saka promise hindi ako talaga espiya.Maniwala ka naman.
At tama ka naman,Hindi magandang nag iisip ka ng di maganda sa kapwa lalo pa at wala naman silang ginagawa sayo.Sorry na bradah.Tara na sa labas ng makapag stretching._Jenn.Saka sya nagpauna ng lumabas ng barracks at saka ako sumunod.

Bukod sa mga drills,makabagong tactic at pagpapalakas ng katawan at isipan...Paborito ko din ang mag ensayo sa pagbaril.Isa sa skill na bata pa lang ay minahal ko na kaya ko nagustuhang mag sundalo.

"Very good Montenegro!Wala pa ding kupas yang pag asinta mo.Hindi kapa din pumapalya sa pagpapapa putok.
Kung bakit ba kasi ayaw mo pang sumapi sa team ko para naman maging magka team na tayo._Catalan.
Taskforce Asintado ang pangalan ng grupo nila na puro mga snipper.

"Salamat.Pero hindi ko siguro linya ang maging asintado.
Kayo talaga ang mga bagay sa posisyon nyong yan.
Kayo ang mga walang kupas._AKO.
Para kasi sa akin,Hindi challenging ang maging isang snipper.Bukod sa tinatawag lang sila kapag nasa isang alanganing sitwasyon.. bukod duon ay wala na silang iba pang gagawin kundi ang umasinta ng umasinta lang dito sa shooting rage at magpaka dalubhasa.

"Sabagay naiintindihan ko yang nararamdaman mo Montenegro.Iba pa din talaga ang pakiramdam ng nandun ka mismo sa lugar kung saan nangyayari ang kaguluhan.
Mas nakikita mo ang mga sitawsyon nila at nalalaman mo kung anong mga nangyayari sa kanila._Catalan.
Naka tie ko na ng isang beses si Catalan sa pagtanggap ng award bilang asintado ng taon nung 3rd year ko pa lang dito sa camp.

"Hindi naman.Talaga lang sigurong ito ang calling ko.
Saka hinahanap hanap talaga ng sistema ko ang pakikisalamuha sa mga tao.Para bang pakiramdam ko,Kulang ang buhay sundalo ko kapag hindi ako sumabak sa pagtugis sa mga kalaban ng gobyerno at hindi ko nadidinig ang hinaing ng mga kababayan nating nangangailangan._AKO

"Ayos yan mistah,Magandang adhikain yan.Pero mag iingat ka din sa mga panganib na susuungin mo kapag nasa gitna ka na ng gyera.Kalahati kasi ng paa natin ay talagang nasa hukay na kaya kinakailangan nating mag ingat palagi.
_Catalan.Medyo may kahanginan din kasi si Catalan at ang feeling nya,siya lang ang pinaka magaling na snipper sa grupo nila.

"Salamat.Lahat tayo yan ang laging panalangin. Ang maging ligtas palagi sa panganib at malayo sa ano mang kapahamakan.So papano mistah,tuloy ko lang muna ang pag eensayo ko ha.Maya maya lang kasi ay babalik na din ako sa barracks.Alam mo na,Limitado lang palagi ang time namin kaya kailangan ko ng magpatuloy._AKO

Iba ang training camp ng mga kadeteng sundalo kumpara sa kanilang nasa special task force.May mga sundalong nurse at doctor din.Hindi na ito kagaya ng training camp ng MMA dahil di hamak na mas malaki ito kaysa duon.
Madami ding mga opisyal dito na nakabantay palagi sa aming mga baguhan pa lang.At mas istrikto sila sa mga patakan at mga training routine.

"Pambihira brad!Halos mahimatay naman ako dun sa ginawang pagpapatakbo ni sergent Nuque sa atin kanina.
Parang gusto na yata tayong patayin ah.Imagine,Ilang ikot ang inutos nyang takbuhin natin samantalang napakalaki nung oval na yun._Jenny.Kahit ako man ay nanakit ang binti at paa sa haba ng tinakbo namin

"Ganun talaga brad,Atlis nauna na tayong mai train para sa susunod hindi na ganun.Saka ang sabi naman nya,Sa simula lang naman talaga mahirap at masasanay din tayo later on._AKO

"Kaya nga kailangan ko na siguro talagang magbawas ng pagkain ng rice.Aba'y sobra akong hiningal dun kanina ah.Konti na lang pahiga na ko talaga dun sa oval na yun._Jen.Sa aming magkaka brad kasi ay siya talaga ang pinaka malakas kumain.Ang maganda lang sa kanya,Hindi sya tabain.

"Bakit di mo sinubukang mahiga para bawas ka ng points.
Tapos may parusa kapa.Yan kasi,Sabi ng wag mo na kong sabayan dito eh.Nahihirapan ka tuloy_AKO

"Asus! Kahit naman magpahuli ako sa pagti train,Ganyan din ang ipagagawa sa amin.Mabuti ng mauna para sa susunod panuod nuod nalang sa mga pinahihirapan.
Hehehehhe. _Jen.

"Kahit kelan talaga bully ka!Tapos pagtatawanan mo sila Nene at Belle kapag nandito na sila kasi ikaw nakaligtas na sa pagsubok? Baka akala mo madali lang ang training natin sa mga susunod na mga araw,Ang sabi ni Senior Manalastas...Magsanay daw tayo sa dilim.Malamang sa gubat ang next training natin._AKO

"Seryoso ka dyan? Ahahahhaha. Panis sa akin yang gubat na yan.Sanay kaya to sa mga ahas. I mean sa gubat pala.
Laking probinsya kaya ako kaya pagdating sa pasikot sikot sa bundok,You can count on me bradah._Jen

"Ang humble mo talaga kahit kelan.Hahahhaa.
Baka kapag nasa actual training kana hindi ka ganyan ka tapang ha.Sisipain talaga kita.Bawal ang maarte dun.
Saka wala silang portable cr dun kaya wala kang mapag babanyuhan kapag naiihi ka.Dun ka sa pilapilan._AKO.

"Sabi naman sayo sanay ito sa bundok.No worries yan bradah.Alam mo bang sinasanay ko na ang sarili ko na magpigil sa pagsi cr.Kasi alam ko namang hindi na ito kagaya nuon na nasa loob lang tayo ng academy.
Totoong laban na to brad kaya kailangan maging handa palagi at maging matatag._Jen.

Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon ko lang naringgan si Jen na mag seryoso.Pero totoo naman ang sinabi nya.
Hindi na biro ang mga laban na susuungin namin ngayon kundi totoong laban na.Kaya naman dapat nakahanda kami hindi lang physically kundi maging emotionally din.
Iba na ang laging handa para hindi mapahamak sa huli.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon