Paminsan minsan akong napapa sulyap sa may gawing pwesto ng sundalong si Perth habang nakamasid sila sa paligid ng barangay plaza kung saan nagaganap ang pa medical mission ni momshie Dess.
Ngayon ko lang kasi sya nakita na hindi naka uniporme kaya iba ang aura at itsura nya.Infairness naman sa kanya,Kahit namumula mula na sya sa initan ay kapuna puna pa din ang kakaiba nyang taglay na karisma.Kapansin pansin kasi ang mga bungisngisan at pagbubulungan ng mga kadalagahan sa barangay habang nakatingin sa kanya at maging sa mga kasamahan nya."Doc Saint,Kilala nyo ho ba yung gwapong sundalo na yun?
Para kasi syang artista,Lahat ng mga babae dito sa kanya nakatingin._Nurse Julie.Bahagya naman akong nagulat sa pagsasalita ni Julie,Pati kasi ako ay nahuli nya kasing nakatingin din kay Perth."Hah? Uu kilala ko sya. Sya yung sundalo na nagligtas sa akin nuon sa kamay ng mga rebeldeng gusto akong gawing bihag.Pero hindi ko sya kilala ng personal.Kahit nga ako ay nagulat na isa sya sa kinuhang mag volunteer na mag assist sa ating medical mission._AKO
"Talaga po Dok,Sya yung tagapagligtas nyo? Naku naman,Hindi lang pala sya magandang lalaki eh...Bayani pa.Kaya pala ganun na lang kadami ang mga dalagang gustong magpapansin sa kanya. _Nurse Julie.May mga nakiki usyuso lang din naman kasing mga kadalagahan sa kanya at hindi naman talaga pagpapa check up ang sadya.
"Pero sayang nga lang at mukha namang wala syang interes sa mga nagpapa kyut sa kanya.Ang balita ko,May girlfriend na daw kasi yan kaya dedma na sa ibang babae.
_Doc Leticia.Isa syang private doctor na kilala ni momshie kaya namin sya nakasama ngayon."Ganun po ba Doc,So matagal nyo na po bang kilala si soldier Perth?_AKO.Bigla tuloy akong nagka interes dun sa sinasabing gf nya.Kaya naman pala kahit sa akin ay dedma lang sya dahil may nobya na pala.
"Hahahahha.Hindi ko naman sya ganun kakilala pero ang alam ko lang,ang nobya nya ay isang stewardees.Medyo may kaunti yatang isyu yan about her gf kasi nag hiwalay na sila before pero nagkakamabutihan na naman ulit ngayon.
_Doc Leticia."Para po pala syang celebrity na din.Kasi may mga isyu sya na parang sa mga sikat na artista lang naman nangyayari.Papano po bang pati lovelife nya ay alam ng ibang tao?_Nurse Julie
"Wait teka lang ha,Check ko nga ulit kung sya nga ba talaga yan at yung lesbian na tinutukoy ko ay iisa.Pero sa tingin ko sya nga yun eh,Sandali lang ha._Doc Letty.Saka sya nagsimulang mag browse sa fone nya.
Kaya nga lang ay nagdagsaan na ang mga pasyente kaya nahinto na muna kami sa pagkukwentuhan at nakalimutan na ni Doc Letty yung pinag uusapan namin.
Lalo tuloy akong naintriga sa sundalo na yun.Bakit nga ba pakiramdam ko ay mayroong kakaiba sa kanya.O mas tamang sabihin na bakit ba palagi na lang kaming pinagtatagpo ng pagkakataon.Posible kayang mayroong bagay na nag uugnay sa amin at madalas kaming nagkakatagpo sa mga di inaasahang lugar at pagkakataon?
"Dok,Baka po matunaw!hahahaha.Joke!_Nurse Julie.Tapos na kami sa medical mission at kasalukuyan ko na lang inaantay si Momshie na kinausap sandali ang head ng army na nag assist sa amin.
"Hindi naman.Curious lang ako sa kanya at kung bakit madami ang may kakilala sa kanya._AKO
"Hala dok,Hindi naman po si Soldier Perth ang tinutukoy ko kundi yang hawak nyong ice candy.Baka po maging tubig na yan kundi nyo pa sisimulang sipsipin.Masarap po at magatas kaya dapat nyo po syang matikman._Nurse Julie.
Saka ko naalalang bumili nga pala kami ng ice candy dun sa batang nag aalok sa amin kanina.Naawa naman ako kaya bumili ako kahit di ako kumakain nun."Kung gusto mo ay sayo na lang itong ice candy ko.Baka kasi mag alburoto ang tyan ko sa pagkaing may gatas.
Medyo mahina kasi ang naturalesa ko sa milk kahit nuon pa._AKo.Totoong hindi ako mahilig sa mga pagkaing may gatas,Kaya kahit sa kape ay plain na kape lang na may kaunting asukal ang iniinum ko."Doc talaga,Binibiro lang po kita.Yung sundalo talaga ang tinutukoy ko eh! Ahahahaha. Sa palagay nyo Doc,kilala sa lipunan yang si Soldier Saint ano? Try ko nga mamayang i search yan baka sikat nga talaga yan at ng makapagpa picture._Nurse Julie.
Papano mo isi search e hindi mo nga alam ang apelido nya? Ang mabuti pa ay itanong ko mamaya kay grannie baka saklaing kilala nya or may idea sya sa mga taong kinuha nya._AKO.Kahit ako kasi ay interesado ding malaman kung sino nga ba ang sundalong si Perth.
"Salamat sa inyong lahat.Talaga namang napakasaya ko at nakaraos ng maluwalhati ang pa medical mission na ito.
Dun sa mga malalayo pa ang uuwian,Ipahahatid ko kayo sa service para makasigurado kayong safe kayong makakauwi sa inyong mga bahay.Alam kong lahat kayo ay napagod ng husto sa event natin kanina kaya sabay sabay na tayong lahat na umuwi._Momshie Dess.Bukod kasi sa mga volunteer ay may iba pa syang inimbitahang mga dati din nyang kaibigan at kaklase."Momshie,Ako na po ang maghahatid sa inyo sa mansyon.
Sigurado namang lahat ng driver natin ay abala sa paghatid sa mga kaibigan nyo at dating kamag aral.
_AKO.Inalalayan ko sya sa pagsakay sa kotse ko."Salamat iha,Alam ko namang pagod ka din sa pagbobontaryo mo kanina pero bakit ba kasi babalik kapa ng condo mo? Hindi ba pwedeng dun kana matulog sa bahay natin at umaga kana lang bumyahe pagpasok sa GGH?_Momshie Dess.
"Momshie,Ayos lang po ako.Hindi naman ako masyadong napagod sa ginawa ko kanina dun sa barangay.Halos naka upo nga lang ako sa dami naming doktor duon na nag volunteer eh.Para ngang di naman ako nakatulong masyado.
_AKO."Naku,Sinadya ko talagang madami ang mga doktor na pupunta.Kinausap ko kasi mismo ang mommy Katie mo na magpapunta ng mas madaming doktor para hindi ka masyadong mahirapan.Ayoko naman na mapagod ng husto ang apo ko hindi ba? Speaking of GGH apo,Hindi ka naman ba pinahihirapan ng mga head doctors mo dun sa Hospital nyo ha?_Momshie Dess.
"Momshie talaga,Sinasabi ko na nga ba.Kaya pala ang daming taga GGH doctors na nagsipag datingan kanina,Kasi nga ay si Mommy Katie pala ang nagpapunta sa kanila.
Wag po kayong mag worry Momshie,Hindi naman po ako nahihirapan sa trabaho ko.Mababait po silang lahat sa akin at hindi po nila ako pinahihirapan duon._AKO.Saka ko biglang naalala at namiss sina Mamita Joyce at si loloDad Terry na kasalukuyang nasa Germany ngayon."Kaya tama lang ang desisyon ng mom and dad mo na mag asawa kana sa edad na twenty five.Maige ng magkaroon ng mga anak habang bata,Para ma enjoy nyo ng husto ang buhay ng normal habang hindi pa kayo ang namamahala sa mga iiwanang negosyo sa inyo ng mga magulang nyo._Momshie Dess.Alam ko kasi ang pakiramdam ng nag iisang anak lang,Sa akin lahat naka atang ang mga responsibilidad at sa akin nakasalalay ang pagpapanatili ng lahat ng asset at negosyong ilang dekada nilang pinagyaman.Mula sa angkan ng mga GUILLERMO at PAMINTUAN,Masasabi ko na hindi basta basta ang susuungin kong laban para sa pagpapatuloy ng legacy na aking pinagmulan.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomansaMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...