Payapa at masaya naman ang nagaganap na pa medical mission ni Madame Dess Nakpil sa kasalukuyan.Lahat kasi halos ng mga senoir citezen duon ay kilalang kilala ang donya at maging ang mga kabataan duon ay giliw na giliw naman sa apo nito na sa di ko inaasahan ay si Dok Saint pala.
Ang doktora na muntik ng maging bihag nuon ng mga rebelde.Bakit ba napakaliit yata ng mundo para sa aming dalawa.Palagi na lang kasing nagsasanga ang mga landas namin ng di inaasahan."Infairness dun kay Doktora Saint ha,Mabait talaga sya.
Hindi mo nakikitaan ng pagkapagod at pagsisimangot sa mga nakakasalamuha nya.Ang kukulit kaya ng mga matatanda._Nene.Kami naman kasi ay naka antabay lang sa mga gilid gilid lang ng event place at patingin tingin sa paligid."Don't tell me crush mo? Pero teka sandali,Hindi ba yan din yung babaeng nakasabay natin nuon sa elevator nung inutusan tayong bumili ng beer sa baba ng condo building nila Perth?_Jenny. Napakunot ang nuo ko...Ano naman ang ginagawa ni Dok Saint sa condo building ng Lolo ko?
"Loko!As if naman ako yung kasama mo nun sa pagbili.
Diba naiwan kami sa unit nitong si Perth at si Anna yung kasama mo nun.Saka malay mo naman may pinuntahan lang yung tao dun or may kakilala kaya nakasabay nyo._Nene"Hindi,Naka usap namin sya.Uu tama kami nga ni Anna yung nakasabay nya nun.At dun sya mismo sa katapat ng unit ni Perth nakatira.Hindi mo ba sya napapansin dun ha Perth?
_Jenny."Sa katapat na unit ko? As in dun sa VIP unit sa mismong floor kung saan ako tumutuloy? Whaaaat? Papano mangyayari yun eh exclusive suite yun para lang sa mga kilala ng pamilya namin or sa mismong mga kamag anak namin.Imposible namang sya ang nakatira dun,Baka naman may kaibigang dinalaw lang gaya ng sabi ni Nene._AKO
"Uhmmm,Yun kasi ang sabi nya eh.Saka bago lang din daw sya dun.Baka nga or posible ngang bumisita lang sya dun at nagkataong nakasabay namin sya ng araw na yun_Jenny
"Sa itsura nyang yan,Para namang lola's girl.Imposibleng magsolo yan ng bahay.Mukhang masyado syang maka pamilya eh.Look at her,Super asikaso kay Madame.Ang swerte naman ng magiging asawa nyan,Mukhang malambing at maasikaso eh!_Nene.Napatingin ako sa bandang pwesto ni Dok at nakita ko nga kung pano nya asikasuhin at alalahanin ang grandmother nya.
"Ahahahahhha.Lola's girl agad? Malay mo naman talagang miss na miss nya lang yung grand mother nya since ang balita ko ay sa Canada daw kasi sila nakatira._Tech.Sgt Montemayor.Kaagad kaming umayos sa mga pwesto namin ng bigla kaming lapitan ng head namin.
"Sir Monti? Sorry po Sir.Hindi po naman ako sigurado sa kwentong nakalap ko.Pasensya na Sir!_Nene.Maging kami ni Jenny ay nahiya din dahil nasa duty kami pero nahuli nya kaming nagchichismisan.
"Ohhhh,Relax!Di naman ako nagagalit ah.Walang problema kung nag kukwentuhan kayo dyan kasi ay hindi naman mahigpit ang mga PAMINTUAN.Bukod pa sa hindi naman sila maaano dito dahil gustong gusto sila ng mga kapitbahay nila.Ang sabi nga sa akin ay magsi miryenda na muna daw kayo at saka kayo bumalik sa pwesto after nyong kumain.Sige na,Dun na muna kayo at iba na man ang papupwestuhin ko dito._Tech,Sgt Monti.
Agad naman kaming lumapit sa tent kung saan nakalatag duon ang mga ibat ibang klase ng mga inumin at mga pagkaing para sa mga volunteers.
"Wag kayong mahihiya ha,Kumain lang kayo dyan ng lahat na anong gusto nyo.Im so thankful at sinamahan nyo kami ngayon dito kahit na mainit at madaming tao.Salamat sa inyo mga sir._Madame Dess.Naalala ko tuloy ang Mamita Sally ko.Sing ganda at sing edad nya din siguro si Mamits kaya nakaramdama ako ng kaunting saya ng makita sya sa malapitan.
"Wala pong anuman Madame.Very Thankful din po kami na isa kami sa mapalad na naging bahagi nitong pa medical mission nyo.Napaka swerte po ng mga ka baranggay nyo sa pagkakaroon ng kagaya nyong may mabuting puso at di nakakalimot sa mga dating kapitbahay._Ako.
"Hindi ko talaga sila kayang kalimutan.Part sila ng kung ano ako ngayon.Mababait ang mga kapitbahay ko kaya naman bilang pasasalamat ay ako naman ang tumutulong sa kanila.Naku napaka kwento na naman ko,Sya magsikain na kayo at wag kayong mahiya ha._Madame Dess.
"Salamat po Madame.Ah eh Maam,Okey lang po bang mag tanong?Pasensya na po,Curious lang ako talaga eh._Jenny
Kinabahan naman ako sa itatanong ni Jenny kaya agad ko syang hinatak sa damit nya."May itatanong ka? Ohhhh sure.Ask me anything.Game ako dyan.Ano ba yang tanong mo Sir soldier?_Madame Dess
"Itatanong ko lang po sana kung lahat po ba kayo sa pamilya nyo ganyan ka gaganda? Para po kasi kayong mga taga ibang bansa.Ang puputi nyo po at ang kikinis.Di nga po kayo mukhang lola na eh._Jenny.Napailing naman ako sa tanong ni Jenny.Gusto ko syang batukan sa totoo lang.
"Ahahahahaha!Akala ko naman kung ano ng itatanong mo.
Pero sige sasagutin ko yang katanungan mo.Tama ka na nasa lahi na ng mga Pamintuan ang pagiging maganda.Pasensya na kayo at magyayabang lang ng kaunti ang lola nyo.Lalo na yang apo kong si Dok Laurent,Naku kahit sa Canada pa lang ay napakadami nya ng manliligaw.
Kaso lang,pihikan at ayaw mag entertain.Palibhasa,Taken na._Madame Dess."Talaga po ba Madame,Taken na po si Doktora Saint? Ang swerte naman po ng boyfriend nya dahil bukod sa maganda ay napaka bait pa ng inyong apo._Jenny.Bakit after kong madinig na taken na pala si Dok Saint ay may kakaiba akong naramdaman.Napalingon ako sa kanya na hindi ko namalayang nakatingin din pala sya sa akin.Nagtama ang mga mata namin at saka sya bahagyang ngumiti sa akin.
"Napakaswerte talaga!Napaka bait at napaka masunurin nyang apo ko sa mga magulang nya.Never nyang binalewala ang mga bilin at pangaral namin sa kanya.At kahit pa nga hindi pa sila nagkakausap ng mapapangasawa nya ay nakikita kong magiging maganda ang pagsasama nilang dalawa._Madame Dess
"Po?Ano pong ibig nyong sabihin na di pa sila nagkakausap ng mapapangasawa nya?Papano pong nangyari yun? _AKO.
"Ay mahabang istorya mga apo.Kukulangin ang oras natin.
Nakita nyo ba yang mga binababa pang mga kahon na yan, kailangan pa nating ipamigay yan sa mga tao para mabilis tayong makatapos at baka gabihin tayo dito ng husto.
_Madame Dess.Hindi na din kami nag usisa pa at maging kami ay mabilis na ding kumilos para makibuhat sa mga volunteers na may mga bitbit na malalaking kahon.Bukod sa mga bitamina at mga gamot ay mayroon ding mga kagamitan para sa center kaya hindi na kami nakapag usap pa.
Matapos ang maghapong volunteer mission at pagtulong sa Barangay ay muli kaming bumalik pa sa Zambales.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomanceMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...