Magsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak.
Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon
Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa dinami dami ba naman ng pwede kong makasalubong at maka bangga ay si Doc Saint pa na ayaw ko na sanang makita pa.Napakaliit talaga ng mundo para sa amin at dito pa kami parehas nagpunta sa iisang gym na nirekomenda naman sa akin ni Anna.
"Ouccch!Oppppss,Sorry Miss hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko._AKO. Nakatalikod kasi ako sa paglalakad papunta ng shower room dahil kinakapa ko ang fone ko na nagri ring.
"Mag ingat ka sa susunod.Muntikan na kitang matapunan nitong kape na dala ko buti na lang mabilis akong nakaiwas._Doc Saint.Pagharap nya kasi sa akin ay kaagad ko syang nakilala na bahagya naman nyang ikinagulat.
"Perth? I mean soldier Perth,Ikaw yan? Small world nga. Dito ka din nag gi gym? Parang ngayon lang kasi kita nakita eh?_Doc Saint.Ngayon ko lang sya nakitang naka gym outfit kaya medyo iba ang dating nya kumpara before na naka pang doktor uniform sya.Infairness,Maganda ang katawan ni Doc.Napansin nya siguro na tinitignan ko sya mula ulo hanggang paa kaya medyo tinakpan nya yung dibdib nya ng towel na nasa balikat nya
"Ahhh,Yes!Its my first time here.Mas malapit kasi ito sa unit ko kaya dito na ko nagpalipat.Dati kasi ay nasa Makati branch pa ako._AKO.Napansin ko na palingon lingon sya sa likuran.May mga kasama siguro sya na nag aantay sa kanya.
"Ganun ba,Nice to meet you here soldier Perth.Pasensya kana din kung natapunan pa yata kita ng kape ko.Para lang akong sira noh,Nasa gym pero kape ang hawak at hindi tubig.Sige ha,Mauuna na ko._Doc.Saint.
"Its okey,Kasalanan ko din kasi hindi ako tumingin sa likuran ko.Uu medyo wierd ka nga kasi kape ang hawak mo imbis na cold water habang nasa gym.Anyways,nice seeing familiar faces here.See you again Doc._AKO.Tumango tango naman sya at saka nag thumbs up sa akin bilang pag sang ayon. Saka sya mabilis na naglakad papalabas ng shower room.
Nasa shower room na ako ay bakit tila kakaiba ang naging pakiramdam ko after naming mag usap ni Doc Saint.Dali dali akong nagbanlaw at saka nagbihis para maka balik na sa unit ko.Okey naman sana kahit di na ko maligo dito sa gym dahil malapit lang dito ang condo ko,kaya lang ay medyo maselan ako at ayaw kong uupo sa kotse ko ng amoy pawis ako.
"Iba ka talaga brad,Ang feymus mo.Sikat na sikat ka na naman dahil may nagpost sa ig ng pic nyong dalawa ni Sophie habang nagja jogging.ahahahaha._Anna.Pinakita nya sa akin yung post sa ig account nya at nabasa ko din sa caption ang words na together again?
"Buti na lang walang ig account ang parents ni Sophie. At saka mas okey na din yan para malaman ng lahat na hindi na ko ulit single.Sa totoo lang,Nababahala na ako sa dami ng mga nagpapadala sa akin ng mga regalo,bulaklak at sulat sa loob ng kampo.Dinaig ko pa ang sikat na kpop idol eh._AKO.
"Sayo okey lang,pero papano naman ung jowa mo? Malamang na magwala na naman yun kapag nabasa nya yang post na yan._Jenny. Late na sila dumating ni Nene kaya hindi nila kami nasabayan ni Anna mag almusal.
"Taklesa pa naman yang gf mo.Siguradong ikaw pa ang aawayin nyan at uutusang ipaalis yang ig post ng isang fan mo.Baka nga naman makita ng bf nyang piloto._Nene.
"Alam nyo kayo,Wala na kayong magawa sa mga buhay nyo kaya pati kami ni Sophie gustong gusto nyong pinag uusapan.Hindi ako aawayin nun dahil kaka shopping lang namin kahapon.Kulang na nga lang,maging grocery store na yung condo unit nya sa dami nyang pinabili eh._AKO.Ilang buwan na din mula ng ma break kami nuon,ngayon na lang kami ulit naka pag shopping together.
Soldier rank: General Lt.General Maj.General Brig.General Colonel Lt.Colonel Major Captain 1st.Leuitenant 2nd.Leuitenant Major sergeant Technical sergeant Staff sergeant Sergeant Corporal Private 1st class Private
Lahat kami sa buong batch ay private first class ang ranggo.Maliban lang kay Saldivar at sa akin na posibleng ma promote bilang corporal ngayong taon.Depende sa magiging resulta.Mas marami kasing kakilalang official ang pamilya nila Saldivar na nasa higher rank compare sa akin kaya medyo hindi ako confident masyado na makukuha ko ang position na yun.Ganun pa man,ang mahalaga naman para sa akin ay ang makatulong ako sa mga nangangailangan kaysa ang promotion.
"Montenegro,Magkakaroon daw kayo ng written examination ni Saldivar sa isang linggo.Kaya ngayon pa lang ay simulan mo ng mag review.Sinabihan ko na din sya at kinakailangan nyong maging handa sa mga susunod pang araw para naman sa iba nyo pang pagsusulit.Ngayon pa lang ay pina uuna ko na sainyo na walang palakasan dito at magbabase tayo sa mga grades at performance nyong dalawa ngayon taon._Captain Eusebio.Bale asawa nya si Major.Delia Eusebio na mas mataas ang rango kaysa sa kanya.Sila ang mga head namin dito sa camp na hinahangaan namin dahil sa kanilang husay sa pamamahala.
"Copy that Sir!Salamat po sa information sir and I'll try my very best para po magawa ko lahat ng mg dapat kong gawin at pag aralan._AKO.Ang maganda lang sa batch namin,Halos kami kami ding magkakaibigan ang magkakasama sa iisang kampo kaya sanay na kami sa ugali ng isat isa.
"This are the books na pupwede mong aralin at sauluhin Zoei,Ilan lang yan sa mag naitabi ko nuon at ngayon naman ay sayo ko na ipamamana.Basta kapag natapos mo na syang pag aralan at basahin,Ipamana mo din sila sa mga susunod sa inyo para naman dumami na ang mga kagaya nating matitino at matatalinong sundalo,Okey ba yun?._Capt.Eusebio.
"Naku Sir,I mean Captain...Marami pong salamat. Makaka asa po kayo na makakarating ito sa mga susunod pang mga aspirant soldier na gusto ding may marating sa buhay. Gaya nyo po ay pangarap ko ding mas makatulong pa sa aking kapwa at lalong higit sa bayan natin._AKO
"Yan ang mga salitang gusto kong madinig mula sa inyo. At sa nakikita ko namang sincerity at dedication mo sa iyong propesyon,Alam kong malayo ang mararating mo Montenegro. Basta palagi lang kayong mag ingat at nawa'y gabayan palagi tayo ng Diyos sa anumang laban na ating susuungin.So papano,Maiwan na muna kita dito ha,Meron lang akong aasikasuhin.Goodluck!_Capt.Eusebio.After ko syang saluduhan ay lumabas na din ako ng office nya at dumiretso sa baraks namin.
Sinimulan ko na ding basahin at pag aralan ang mga librong ipinahiram sa akin ng kapitan.Pasalamat na lang ako at may mga senior akong tumutulong sa akin sa mga oras na kagaya nito.Hindi ko naman gustong ma promote basta ng dahil lang sa ambisyon ko,kundi mas malaking pribilehiyo kasi na mas madami kang matulungan kapag nasa posisyon ka.