80.PERTH

378 36 3
                                    

Ika apat na buwan ko na dito sa Camp at nakasanayan ko na din kahit papano ang buhay dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ika apat na buwan ko na dito sa Camp at nakasanayan ko na din kahit papano ang buhay dito.Hindi ko na nga lang ulit natatawagan si Saint dahil nahihiya ako sa kanya.
Hindi ko kasi alam kung papano ko ba sisimulan ang gagawin kong panliligaw.Yung totoong panliligaw na mula sa puso at hindi pinilit lang o dahil sa udyok ng mga tao sa paligid.

"Montenegro,May bisita ka.Chicks!Mukhang di na nakatiis at sinusundo kana ah._
Bahagya akong na excite.Baka si Saint yun at gusto akong kamustahin.Agad akong nag spray ng pabango at saka nagsuklay ng bahagya.Naka uniporme pa din ako dahil hindi pa tapos ang duty sa opisina.

"Darling! I miss you.Grabeh,Hindi ko na matiis na di ka makita talaga.Namiss mo din ba ko?_Sophie.Hindi ko alam kung bakit nadismaya ako na hindi si Saint ang bisita ko kundi si Sophie pala.Makipot ang suot nyang damit kaya may mga ilang tao sa paligid ang nakatingin sa kanya.

"What are you doin here Sophie? Alam mong bawal kaming bisitahin lalo na at araw ng trabaho ko ngayon? Baka kagalitan ako ng superior ko._AKO

"Dont worry darlin,Nagpaalam ako sa Sarhento nyo.Sabi nya okey lang daw kasi malapit kana din namang mag off.Kasi naman,Ang tagal na nating di nagkita.Kaya miss na kita sobra._Sophie.Lumapit sya sa akin at saka hahalik sana pero umiwas ako.

"Sophie will you please behave.Nakakahiya naman sa mga sir ko.Bakit ba may payakap yakap kapa.Alam nating pareho na matagal ng walang tayo.Hindi mo kailangang maging clingy lalo pa at nandito tayo sa oras at lugar ng trabaho ko._AKO.Nakaka ubos talaga sya ng pasensya kaya gustuhin ko man syang itrato ng maayos,Baka mamisinterpret nya pa kaya maige ng prangkahin na lang.

"Perth naman,Ang hard mo sa akin.Ganito naman tayo dati ah.Mas clingy pa nga tayo nuon eh.Saka alam ko naman na hindi na tayo,Pero gusto ko pa ding lambingin ka gaya dati._Sophie.

"Yun na nga Sophie,Wala namang tayo pero bakit kailangan mo pa kong puntahan dito? Sinabi ko naman sayo nuon pa na wala ka ng maaasahan sa akin.Tama na,Pakiusap wag mo na kong guluhin pa._AKO.

"Perth naman..Alam mong hindi ko kaya ng wala ka.Mula ng malaman nila Daddy na muli tayong nagkabalikan,Alam mo namang itinakwil na nila ako diba? Ang hirap maging bread winner,Hindi ko kayang mag isa lang ang lahat ng ito Perth...Kaya please lang,balikan mo na ko._Sophie.

"Pwede ba Sophie,Wag ka namang mag eskandalo dito.Bigyan mo naman ako ng kahihiyan.Wag na wag mo din isinusumbat sa akin na ako ang dahilan ng pagtakwil sayo ng pamilya mo dahil unang una,Hindi ka naman talaga nila itinakwil.
Alam kong intact pa din kayong magpapamilya at ginagawa mo lang na dahilan yan para kunsensyahin ako! The fact na ikaw pa din naman ang nagsusuntento sa kanila,Walang pagtatakwil duon kundi PANGHUHUTHOT na lang sa akin!
_AKO. At first,naniwala talaga ako sa sinabi nya na itinakwil sya ng parents nya dahil bumalik sya sa akin.
Later on ko na lang nalaman na KAYA PALA pinalabas nyang itinakwil sya para pagtakpan ang ginawa ng parents nya.

"Perth ano ba!Makinig ka nga sa akin.Bakit ba pinaniniwalaan mo pa yung sinasabi ng iba kaysa sa akin ha? Alam mong minahal din kita.Totoong nagsinungaling ako na may boyfriend ako,Na pinagsabay ko kayo..Kasi ayokong saktan ka.
Aaminin ko,Nagustuhan ko na din sya nung mga time na yun pero sa maniwala ka at hindi,Mahal pa din kita._Sophie

"Sorry pero hindi na kita mahal Sophie...Matagal ng nawala ang pagmamahal na yun mula ng ipinagpalit moko sa iba.Kung binalikan man kita nuon,Hindi para ibalik yung nakaraan natin kundi para maipakita sa parents ko na hindi ako magpapakasal sa taong gusto nila para sa akin na pinagsisisihan ko ng sobra ngayon._AKO.Saka ko naisip si Saint.

"How dare you! So lumabas din ang totoo,Ginamit mo lang ako para pasakitan yang mga magulang mong matapobre!
Alam mo sa totoo lang,Kasalanan lahat to ng nanay at tatay mo eh...Mababa ang tingin nila sa akin at sa pamilya ko.Kaya naman mas lalo akong nagpursige para mapasa akin ka._Sophie.

"Hindi matapobre ang mga magulang ko.Magaling lang sila kumilatis ng ginto sa tanso.Kung sa palagay mong nagamit kita,Pasensya na pero hindi naman ako ang unang sumira sa relasyon natin kundi ikaw.At para naman sa mga magulang mong nasaktan kamo ng parents ko,Ako na ang himihingi ng despensa sa kanila.Siguro naman,Hindi nila tatanggapin yung inalok na tulong ni Papa kung di pa sila nakaka move on sa mga nangyari nuon._AKO.Bahagya syang napatigil sa pagsasalita.Akala nya siguro ay di ko malalaman na tumanggap ng salapi ang pamilya nya mula kay Papa kapalit ng pananahimik nila.

"Hindi ganun yun!Bayad nila yun sa pamilya ko para lang layuan kita at magkasira tayo.Dahil ayaw na ayaw nila sa akin para sayo kaya ang parents ko ang nilapitan ng papa mo.Sinabi nya na gawin daw lahat ng pamilya ko ang guluhin tayo para wag magkatuluyan.Pati yung pakikipag relasyon ko kay Captain Bernardino,Sila din ang may pakana nun para malayo ka sa akin.Sila ang sumira sa atin Perth,At hindi ako ang may kasalanan._Sophie.This time ay umiiyak na sya kaya naman lalo kaming nakakuha ng atensyon sa mga tao sa kampo.

"Kaya ba kahit kunwari lang na nagpapanggap kang kayo,May nangyayari na sa inyo ganun ba? Kaya din ba panay ang paalam mo nuon sa akin na nasa ibang bansa ka palagi dahil magkasama kayo duon at nagpapakasaya?
I have my source,Kaya kahit saan mang sulok kayo ng mundo magtago...Malalaman at malalaman ko yun.We've been together for 2 years,Pero sa loob ng dalawang taon na yun...Never kong naramdaman yung pagmamahal mo sa akin.
Pero since may pinagsamahan naman tayo,Nirespeto kita at isinalba kahit na alam naman natin na ginagamit mo lang ako at ang pera ko para dyan sa luho at kapritso mo.


"Sorry Sophie pero may hangganan din ang lahat.Okey na sana sa akin na huthutan mo pa din ako,Pera lang yan.
Pero ang hindi ko mapapatawad ay ang pananapak mo sa ibang tao para lang makuha mo ang simpatya ko.Huling warning ko na to sayo,At hindi ko na uulitin pa...
Wag na wag mong masasaling at masasaktan si SAINT kung ayaw mong ako mismo ang magparusa sayo._AKO.Saka ko sya iniwanan na at bumalik na sa quarters ko.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon