Halos liparin ko ang kahabaan ng EDSA para lang makahabol sa party at makilala na sana ang magiging groom to be ko pero umalis na daw ito ng hindi man lang nagpaalam sa kanila. Kahit ang mga maguang nya ay hiyanb hiya sa akin dahil sa pag alis ng walang kaabog abog nganak nila.Na sa pagkakatanda ko ay ZOIE VILLAREAL MONTENEGRO ang buong pangalan.Isa sa heiress ng VILLAREAL at ng MONTENEGRO EMPIRE.Muli na namang sumakit ang ulo ko sa maka ilang ulit nyang pambabalewala at pang di dedma sa akin.
"Its okey po Tito and Tita,Maybe nainip na po sya sa party kaya bigla na lang umalis.Madami pa naman pong pagkakataon para magkakilala at magkita kami._AKO.Matapos nilang ipaalam sa akin na wala na nga sa venue si Zoie ay ipinakilala naman nila sa akin ang pinsan nya daw na galing sa Hawaii na si MJ Villareal.
Maganda sya at halata sa kilos na may breeding.Pansin ko din na may pagka Kimi syang ngumiti at kumilos."Hello there,My soon to be cousin in law.You are so pretty pala eh,Swerte naman ng pinsan ko.Btw,Nice to finally meet you.Just call me MJ,Kahit si Zoie ay yan lang din ang tawag sa akin kahit na mas matanda ako sa kanya ng isang taon.Balita ko ay isa ka daw magaling na surgeon,at matulungin ka daw sa kapwa.Grabeh naman,Di ka lang pala maganda,maganda din ang heart mo.Nasayo na ang lahat._MJ.Nahiya naman ako sa mga papuri nya kaya hindi agad nakapag salita.
"Hahahahhaa. Tama ka dyan my pretty niece.Napaka swerte talaga ng mga bff namin sa pagkakaroon ng napaka bait at napakagandang anak.Kaya naman ako talaga ay botong boto sa kanya bilang mamanugangin.Kaya lang itong si Zoie talaga ay may katigasan ang ulo.Palagi na lang umaalis ng di nagpapa alam.Nakakahiya na sayo Laurent,Pasensya na iha._Sir Zee. Parehas sila ng dad na lawyer,Magka klase sa college at naging super close na para ng magkapatid na kaya nuon pa nila napagkasunduan at pinangarap na kami nga ng anak nila ang magkatuluyan.
"Naku hindi naman po,Madalas din po akong nasuway kina Mom and Dad.Hindi naman po ako ganun ka bait talaga.
Exxagerated lang po talaga minsan ang mga kwento ng Mommy Katie tungkol sa akin._AKO."Tita,Tito...Okey lang po ba kaming mag kwentuhan muna ni Laurent.Gusto ko lang po syang maka bonding at makilala na din.Laurent,Okey lang ba sayo?_MJ.Bahagya naman akong kinabahan sa sasabihin at itatanong nya pero di ako nagpahalata.
"Sige po tito tita,Mom and Dad..Dito muna po kaming dalawa.Happy Anniversary po ulit sa CK mall._AKO.Bumeso muna kami sa kanilang anim bago kami lumabas ng venue.
Sa isang coffe shop sa baba ng mall kami pumasok kung saan nakalagay na 24hrs silang bukas."Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa inasal ng pinsan ko sayo.Ang kwento kasi ni Tita Maui,Ilang beses na nga daw kayong naka set sana na magkita at mag usap pero palagi syang hindi sumisipot.Tulad ngayon na umalis na naman sya na hindi ka muna inantay.Actually,Sa akin lang sya nagsabi kanina na mauuna na nga daw dahil hindi sya sanay sa maingay na party.Hindi sya mahilig sa social gatherings talaga kasi eversince._MJ.
"Naiintindihan ko naman sya,Hindi kasi biro ang sitwasyon at gustong mangyari ng parents namin para sa amin.Alam ko naman na mahirap talagang tanggapin yun ng ganun ganun lang.Saka posible ding mayroon syang ibang mahal kaya siguro hanggat maaari ay ayaw nya na kong makilala pa._AKO.Minsan ko na din kasing nadinig yun kina Mom and Dad.Na mayroon nga daw yatang gf si Zoie kaya against sya sa kasal naming dalawa
"Wag kang mag alala,I can assure you na hindi inlove sa iba yung pinsan ko na yun.Kahit naman di kami palaging nagkakausap nun,Alam ko naman kung inlove sya or nagpapanggap lang na inlove sya.Talaga lang ayaw na ayaw nyang minamanduhan sya ng parents nya especially ng Uncle Zee.Bata pa lang ay magka kontra na kasi yang mag ama talaga.Ngayon pang nakilala na kita,Mas lalo kung gusto na ikaw na ang makatuluyan ng pinsan ko.Don't worry._MJ.Sa tono ng pananalita nya,para bang matagal nya na akong kakilala.Parang ang gaan gaan ng loob kl sa kanya considering na ngayon pa lang ang unang paghaharap naming dalawa.
"Naku,Grabeh namang compliments yan.Parang kanina pa yang papuri mo sa akin.Konti na lang magkakaroon na ko ng 'HALO' nyan sa ulo ko eh.ahahahha!
But seriously speaking,Naiintindihan ko din naman si Zoie.Mahirap talaga ang sitwasyon nya._AKO"hahahahha. Napansin ko nga din,Panay nga ang puri ko sayo.Well,Im just telling the truth.Now that i met you in person,Masasabi ko na ikaw talaga ang perfect para sa couzin ko.Wala ng iba pa.Bago ako bumalik to Hawaii, Ako na ang gagawa ng paraan para mapagkita at mapag kausap kayo.Basta sana mapagpasensyahan mo lang muna yang pinsan ko sa ngayon pero im sure later on magkakasundo din kayo._MJ.Bigla ko tuloy naalala si soldier Perth dahil sa pagtakip nya ng bibig nya while laughing.Napangiti tuloy ako bigla.
"Salamat.Hindi naman ako nagmamadali.Madalas na busy din kasi ako sa Hospital,Naisip ko nga na baka maging unfair lang din ako sa kanya kapag nagkakilala na kami.May ugali pa naman ako na kapag nasa trabaho ako,Talagang naka focus lang ako sa ginagawa ko at nakakalimutan ko ang ibang tao.Haaaist.Kaya din siguro wala akong panahon mag lovelife nuon back in Canada,Kasi nga sobra akong focus at dedicated sa pag aaral at pagta trabaho._AKO
"Nakaka relate ako dyan.Kaya nga single pa din ako eh!
Ahahahhaha.Tapos pag uuwi naman kami dito sa Manila,Puro about business naman ang mga pinag uusapan namin.
Since walang hilig sa negosyo si cousin,Ako naman ang pinu push nila na mangasiwa ng CK AT VAL.Ang hirap kaya!
Ang usapan namin Sa akin ang CK at kay ZOIE ang VAL pero ayaw naman at wala daw syang kainte interes.Ikaw na lang ang pag asa kong pwedeng makatulong sa akin._MJ."AKO talaga agad? Ahahahaha. In all honesty,Kahit nga ang GGH at ang TERRY'S ay sa akin din nila gustong ipa manage talaga.Kaya lang ay pina unahan ko na sila na mas gusto ko pa ang mag opera at mang gamot muna kaysa magpatakbo ng negosyo.But eventually,wala namang akong choice kundi pag aralan yun pati ang mga business sa side naman ng daddy._AKO.
"Ganito talaga ang buhay nating mga tagapagmana.
Hindi naman pupwedeng basta basta na lang nating makukuha ang lahat ng di natin paghihirapan.Sa atin nakasalalay ang pagpapatuloy ng legacy ng ating mga pami pamilya kaya sa ayaw at sa gusto natin...Kailangan natin silang pagyamanin at alagaan._MJ."Tama ka naman dun.Kaya nga this summer kundi ako busy masyado,Plano kong kumuha ng business course at mag aral sa gabi.Pero depende pa din yun kung papayagan ako ng hospital._AKO.Mga isang oras ding tumagal ang kwentuhan namin at maya maya pa ay napag pasyahan na naming magpaalam sa isat isa.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomanceMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...