2."ANG SUNDALO AT ANG SANTA" (GXG)

931 29 0
                                    

               *PERTH AND SAINT LOVE STORY*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

               *PERTH AND SAINT LOVE STORY*

           ZOIE (PERTH) VILLAREAL MONTENEGRO

Dumapa kayong lahat!Walang aalis muna sa pwesto.Kapag sinabi kong gapang,Saka lang kayo magmadali sa pag alis sa mga pwesto nyo._Maj.Sgt.Arnaiz.Sya ang pinaka head namin dito sa Zambalez training camp kung saan isa ako sa mapalad na makakapagtapos na din sa wakas ng pagkasundalo.Kami ang kauna unahang batch na magtatapos sa MMA mula ng itatag ito.

"Grabeh,Sumakit yung braso ko sa kakagapang natin kanina! Mabato kasi yung pwesto natin eh kaya ang hirap gumapang ng mabilisan._NENE.Kaklase at kaibigan ko na taga dito mismo sa Zambalez.Bali apat kaming magkakaibigan na magkaka close talaga since first year pa lang namin.Kagaya ko din silang pangarap talaga ang mag sundalo since HS pa lang.

"Sinabi mo pa! Tapos yang si Saldivar,Grabe makangisi eh.Feeling sya lang ang magaling at malakas.Nagkataon lang kasi na sa magandang pwesto sya napatapat kaya hindi sya gano nahirapan.Napaka yabang talaga ng gago!_Anabell.Palaban si Anabell pero sa barilan sya mas magaling.Medyo weak sya pag dating sa physical exam.

"Hahahahha.Laki talaga ng galit mo kay Zaldivar noh? Hindi ako magtataka kung isang araw,Kayo din ang magkatuluyang dalawa.Sabi nga kasi nila,The more you hate daw,The more you love! Tama ba Perth?_Jen.Si Jen yung pinaka Bully sa aming apat pero tapat na kaibigan.
Kapag may problema sya ay sa akin sya madalas tumatakbo

"Hahahahha. Ganun ba yun? So dapat pala makipag away muna tayo bago natin mahanap yung the one natin? Anyways,San nga pala tayo pupunta after ng training natin guys?_AKO.Mahilig akong magliwaliw.Mas gusto kong magpagala gala kaysa umuwi ng bahay.Siguro kasi ay naiinip ako na nasa bahay lang.Gusto ko yung madami akong tao na nakakasalamuha at nakakausap.

"Perth naman,Halos tatlong buwan tayong di nakauwi sa mga pamilya natin.Natural na sa bahay bahay natin muna tayo didiretso.Hindi ba't namimiss mo na ang parents mo lalo na ang Mama Maui mo?  Wala ka bang balak umuwi na muna?_Nene.Since 1st year ay naging magkasundo na kaming dalawa.Kaya nga lang ay malihim si Nene pagdating sa pamilya nya kaya wala akong masyadong alam tungkol sa personal life nya.

"Namimiss ko na din syempre sina mama at papa,Kaya lang busy din naman sila sa business namin kaya ako lang ang matitira mag isa sa bahay for sure.Kaya as much as possible,Ayokong sa bahay mag stay ng matagal._AKO.May isang linggo kasi kaming vacation at saka kami ulit babalik sa MMA para naman sa nalalapit na pagtatapos.

"Pero mas okey na yung nasa inyo ka kahit mga ilang araw lang.Pwede kang sumama sa parents mo sa work para hindi ka mainip.Saka sa palagay ko,Yung papa mo ang nagrequest sa mga taga admin na magkaroon tayo ng isang linggong bakasyon.Kaya mas napaaga ang pagtatapos ng training natin._Jen.Posibleng ganun na nga ang nangyari.Knowing my papa and mama na kahit hinahayaan akong nasa malayo, madami namang mga matang nakamatyag sa akin.

"Hindi na nakakapagtaka yun.Posible ngang parents mo ang nagrequest ng 1week vacation para sa atin.Baka naman mayroon kayong pupuntahan ng isang linggo kaya yun pinatupad ng Papa mo ha Perth?_Ana

"Ewan ko lang,Wala akong idea.Saka saan naman kami pupunta nila mama eh pauwi na din dito sa Manila next month sina Tita Aloha and her family para magbakasyon._AKO.Bigla ko tuloy namiss ang pinsan kong si MJ.Matagal tagal na din nung last kaming nagkita.Nasa HS pa lang kami parehas nun.Mas matanda ako ng isang taon sa kanya pero hindi nya ako nakasanayang tawaging ate.Sa Hawaii sila nagstay since then.Kami naman ay dito lang sa Pilipinas nag stay dahil ayaw ni mamang iasa sa ibang tao ang pamamahala sa CK mall.

"Baka may iba kayong importanteng lugar na bibisitahin.
O baka naman isang linggo ding naka leave ang parents mo sa trabaho para palagi kayong magkakasama.Alam mo,Kahit busy naman yung parents mo hindi ka nila nakakalimutang kamustahin diba? For sure miss na miss ka lang nila kaya nila gustong umuwi ka ng mas maaga._Nene.Nagkibit balikat lang ako.Wala naman kasi akong idea sa madaratnan ko sa bahay namin.The usual naman na busy sa work ang parents ko kaya walang special na araw para sa akin.

After ng training ay kanya kanya na din kaming ligpit ng mga gamit namin.Bukas ng maaga ay susunduin kaming lahat dito ng truck na maghahatid sa amin sa Maynila.Sa huling buwan namin sa uni,kailangan naming mag serve na kaagad sa mga ahensyang itotoka sa amin.Kung saan kami mapadpad ay wala pang nakaka alam.Kaya kailangan ko ding panatilihin ang malakas na pangangatawan at talas ng isipan para malagpasan ko ang huling training namin.

"Anak!Oohhhh my gaadd.Ano ng nangyari sayo? Bakit naman sobra ka yatang nangitim na sa kakatraining mo?Hindi mo ba ginagamit yung mga ipinadala ko sayong mga sunblock at sunscreen protection mo laban sa init ng araw?_Mama Wee.Malayong malayo na kasi ang kulay namin ni mama ngayon.Kung dati ay madaming nagsasabi na kamukhang kamukha ko ang Mama,Baka ngayon ay mapagkamalan na akong driver nya.Sa edad na 52 ng Mama kong si MAUI VILLAREAL MONTENEGRO,Mapagkakamalan pa syang kapatid ko lang dahil batang bata pa din syang tignan at na maintain ang magandang pangangatawan.

"Mama,Ayos lang naman po na mangitim ako.Kasi nga ay mainit talaga sa training camp.Pero hindi naman po ako nagpapabaya sa mga vitamins ko at saka sa pag i excercise kaya malakas ang pangangatawan ko.Hindi ko naman po need na magpahid pa ng kung ano ano sa katawan ko._AKO.Kaagad akong humalik at yumakap sa kanya pagkababa pa lang namin mula sa sasakyan.

"Welcomeback anak.Im glad your healthy and safe sa pagbabalik mo.Sobrang miss na miss ka na namin ng Mama mo.Wala kaming ibang dinadasal palagi kundi ang kaligtasan mo.Salamat sa Dyos at makakapiling kana naming muli ng mama Maui mo._Papa Zee.Kagaya ni Mama ay humalik at yumakap din ako sa kanya ng mahigpit.Aminado akong mas istrikto at diciplinarian ang papa sa akin kumpara kay mama na spoiler talaga.Kaya hindi ako gaanong nag oopen kay papa ng nararamdaman ko.Unlike si Mama na kung anong sabihin ko at gusto ay madali nyang binibigay sa akin.

"Thanks Mama,Papa.Miss na miss ko na din po kayong dalawa.Sorry po kung hindi ako masyadong nakakatawag ng madalas.Salamat din po pala sa pagpapahatid sa mga kaklase ko sa kani kanilang mga bahay._AKO.Isa isa silang pinahatid ni papa sa driver para daw hindi na sila mahirapan sa pagbyahe pauwi.Habang si Nene ay sa kanila na sa Zambalez dumiretso.Si Anabell kasi ay taga QC at si Jenny naman ay taga Makati.

"Halika na sa bahay anak at ng makapagpahinga kana muna.
Mamayang gabi ay may dinner tayo with our family friends mula sa Canada kaya need mong mag beauty rest muna.Special ang mga kaibigan nating yun kaya dapat tayong maghanda ng mabuti.Lets go Darling!_Mama Wee.Napakunot ang nuo ko.Bakit may kailangan pang pagpapa beauty rest kung family friends naman pala ang ka dinner namin? At saka sino bang friends nila Mama at Papa ang dumating? Para naman kasing lahat naman ng kaibigan ng pamilya ay kilala ko na naman.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon