16.SAINT

429 22 4
                                    

Simple lang at maaliwalas ang condo unit na napili ko kaya nagustuhan ko sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simple lang at maaliwalas ang condo unit na napili ko kaya nagustuhan ko sya.Idagdag pa na gustong gusto ko talaga yung lugar na tahimik lang at walang masyadong tao sa paligid.May pinapupunta lang si mommy dito na personal na nagluluto ng agahan at hapunan ko(at nag go grocery na din).Tapos may taga linis at taga laba naman dito sa condo na araw araw nag chi check sa unit kapag nasa work ako kaya wala akong ginagawa kapag uuwi na ko from work.

"Anak,Kamusta ka? Namimiss na kita iha,Sana sabado na para magkasama na tayo._Mommy Katie.Masasabi kong ideal mother and wife si Mommy dahil wala syang di gagawin sa amin ng dad.Super maasikaso sya at talagang never nya kaming hindi inuuna ng Dad bago ang sarili nya.Magkausap kami ngayon tru video call.

"Hello Mom! I miss you too po,Kayo ng Daddy.Looking forward na din akong magsabado na para makasama ko na po kayo ulit.I love you mommy.Paki kamusta na lang din ako kay Dad.Im sure di pa sya nakakauwi ngayon kahit anong oras na._AKO

"Miss na miss ka na din ng Daddy mo iha.Ikaw palagi ang topic namin tuwing sabay kaming nag aalmusal pag kagising.Alam mo namang di pa din kami masanay sanay na wala ka dito sa bahay.Haaaaay,Napakabilis talaga ng panahon.Pero kailangan na din talaga naming masanay._Mommy.

"Mommy,Wag ka ng ma sad.Sige ka,magkaka wrinkles ka nyan.Dyan pa naman sa kakinisan mo patay na patay ang Daddy.Madalas pa nga tayong mapagkamalang magkapatid lang eh.Kasi naman,Ang bata bata mo pa ding tignan mommy._AKO

"Aysus nambola pa itong anak ko.Hindi naman masyado.
Para sa akin mas maganda kapa din.Kasi kamukha mo ang Daddy mo eh.Anyways anak,May kailangan kaba? Or meron ka bang problema sa hospital na pwede akong makatulong?_Mommy

"Mommy,Im okey.As in sobra po akong nag eenjoy kung nasaan man ako ngayon.Ang sarap po talaga sa pakiramdam kapag madami kang kababayan mo na natutulungan.Tapos may mga bumabalik po na nagpapasalamat at nag aabot ng kung ano ano.Ang sarap po pala ng ganun._AKO.Sa Canada kasi ay ibang iba ang kultura.Hindi kagaya dito na mataas ang respeto ng mga tao sa mga doktor.Para kaming mga may mga magic sa kamay na isang kumpas lang ay gumiginhawa na ang pakiramdam nila.

"Kaya naman proud na proud ako sayo anak.Kami ng Daddy mo.Kinukwento ka nga ng mga tito at mga pinsan ko na madami daw ang bumibilib sayo dahil napaka sipag at magalang mong doktor.Para daw hindi ka laking Canada kasi napaka down to earth mo.Sabi ko nga nagmana ka kasi sa Daddy mo._Mommy.Minsan na kasi sa aking nakwento ng mom ang naging love story nila ng Dad.

"Hahahahhha.Mommy talaga,Bakit ba palagi na lang si Daddy ang sinasabi nyong pinagmanahan ko.Ayaw nyo ba ko sa inyong magmana din? Parehas kaya tayong maganda at saka parehas smarte.Hindi nga lang ako isang journalist gaya mo pero wala din akong inuurungang mga pangyayari at paglaban sa masasama._AKO.Saka kami parehong natawa.

"Anak talaga,Manang mana ka nga din nga pala sa akin sa pagiging matapang at paglaban sa masasama.hahahahha.
Pero maiba nga pala ako anak,Ano nga pala yung isinangguni mo daw sa Daddy mo about sa kaibigan naming mayroong military school? Bakit mo pala yun naitanong?_Mommy

"Ay oo nga pala mom.Buti at pinaalala mo.Kasi nga yung assistant ko na si nurse Julie,Namomoblema dun sa kapatid nyang gusto daw magsundalo.Kaso alam nyo na,Hindi naman daw sila ganun ka mapera para maka afford makapag paaral kaya gusto sanang maghanap ng School na nag ga grant ng Scholarship.Di nga ba at may kaibigan kayong may military School mom?_AKO

"Ganun ba,Oo naman.Mayroon kaming alam na Military School ng Daddy mo.At kilalang kilala namin ang may ari nung school na yun.Sabihin mo dun sa assistant mo na papuntahin nya kamo yung kapatid nya sa Montenegro Military School at itatawag na ng Daddy mo kay Zee ang tungkol duon._Mommy.

"Talaga Mommy? Salamat naman.Siguradong matutuwa na nyan si Julie kapag nakausap ko sya bukas.Sa mga MONTENEGRO pala ang military School na yun.Sya ba yung lawyer na bff ni Dad na sobrang talino at puro award mommy?_AKO

"UU sya nga at wala ng iba.Bar top notcher ng batch nila yun si Zee at saka laki sa hirap nuong nag aaral pa.
Tapos ng makilala nya si Maui at naging kasintahan,Kasabay din nyang nalaman ang totoo nyang pagkatao.Na anak pala sya ng mayamang negosyante na si Don Ramon Montenegro.Napaka swerte nga nilang mag asawa sa isa't isa eh,Pareho silang galing sa mayamang angkan.
_Mommy

"Kayo din naman ng Daddy maswerte sa isa't isa eh.
Pareho kayong gwapo at maganda kaya nga kita nyo naman ang naging bunga.hehehehhee. Saka dahil din sa pareho nyong sipag at tyaga,Mas naging maginhawa pang lalo ang buhay natin...Ang buhay ko.Hindi din naman matatawaran ang mga GUILLERMO pagdating sa pagpapatakbo ng isang sikat na hospital at ang lalo pang dumaraming branch ng TERRY'S GRILL.Tapos pabongga pa ng pabongga yung mga branch ng KWINTOP AT HAPPYBEE kasi nag level up na.
_AKO.

"Naalala ko tuloy sina Skyler at Martha sa Spain.
Kung kasama lang sana nila ngayon ang anak nila,Siguradong mas masaya ang pamilya natin.
Alam mo anak,Kaya din hanggang ngayon ay palagi pa ding abala ang Daddy mo sa pakikipag ugnayan sa mga kakilala nyang mga lawyer at mga kilalang tao ay para kahit papano ay makahanap sila ng lead na makakapag turo kung nasaan na napunta ang pinsan mong si CLOUD._Mommy.

Si CLOUD MORGAN PAMINTUAN ay nag iisang anak na babae nina Tito Skyler at Tita Martha.Nung maglilimang taong gulang pa lamang sya ay nagkaroon ng isang pangyayari sa park kung saan sya huling nakitang masayang naglalaro kasama ang Tito Skyler.Ngunit sa isang di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang naglahong parang bula si Cloud at hindi na sya muli pang nakita pa mula nuon.

"Mommy,Don't be Sad.Nararamdaman ko na buhay at nasa mabuting kalagayan ngayon si Cloud.At alam ko na darating ang panahon na mahahanap din natin sya.
Magtiwala lang tayo at palaging ipagdasal ang kanyang kaligtasan.Hindi tayo bibiguin ng Diyos._AKO.


Matapos ang kaunting kwentuhan pa ay nagpaalam na din ang mommy para daw makapag pahinga na din ako.At dahil maaga pa ang gising ko kinabukasan ay mabilis na din akong dinalaw ng antok.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon