4.last man standing (PERTH)

629 27 5
                                    

Ngayong gabi na huling misyon bago itakda ang aming pagtatapos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayong gabi na huling misyon bago itakda ang aming pagtatapos.Lahat kami ay nagsipaghanda na sa pagsabak sa huling pagsubok na ibibigay sa amin.May kanya kanya kaming grupo at lahat ay buo ang loob para sa pagharap sa huling hamon.

Nasa isang malaking field kami ngayon at kasalukuyang naghahanda sa aming gagawin ng ipatawag ako bigla ng general na syang isa sa mga magbibigay ng grado para sa last mission drill namin.Bahagya tuloy akong kinabahan.

"Permission to enter sir!_Ako.Agad akong sumaludo sa kanya.
Si Gen.Alejandro ay isa sa pinakatanyag na heneral ng sandatahang lakas.Kasi naman ay bago pa man sya naging ganap na heneral,Madami na syang nagawang tulong at mga buhay na naligtas bilang isang sundalo.

"Maupo ka muna Montenegro.May kausap lang ako sandali ha._Gen.Alejandro.Umupo ako sa malambot na couch na sadyang para sa mga bisita.Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kanyang opisina.May mga nakasabit na larawan duon ng kanyang mga parangal at mga matataas na taong kanyang mga nakasama at nakasalamuha.Isang pamilyar na personalidad ang nakakuha ng atensyon ko kaya ako biglang napatayo at napalapit ng husto sa larawan.

"Pamilyar kaba sa taong yan?Pero para mas malinawan ka,Ipakikilala ko sya sayo mamaya.Isa sya sa mga taong inimbitahan ko para sa pagbibigay ng inspirational speech mamaya after ng mission nyo._Gen.Alejandro.
Saka ako napatayong bigla at humarap sa kanya.

"Sorry Sir.Para nga po kasing pamilyar sya sa akin.Parang nakita ko na po sya minsan.Hindi ko lang po maalala kung saan._AKO.

"Yan ang dahilan kaya kita ipinatawag.Gusto kong ikaw ang mag assist sa kanya mamaya kapag dumating sya.
Medyo tahimik kasi sya at ayaw ng nagpapatulong at nagpapa saklolo sa ibang tao kaya ikaw na ang bahalang umalalay sa kanya sa paraang hindi nya nahahalata.Siya si Major Jessie.Mula ng ma aksidente sya at maputulan ng paa mula sa pagsabog,hindi na sya muli pang pumasok sa pagsusundalo.Sa ngayon ay nasa police force na sya bilang isa sa mga utak ng Inteligence unit.Pero walang nakaka alam nun.Sikretong malupit lang yun at iilang tao lang ang nakakakilala sa pagkakakilanlan nya._Gen.Alejandro.Muli akong napatingin sa larawan.Kaya naman pala kinakailangan syang iassist dahil sa mayroon syang kakulangan ngayon.Gayun pa man ay humanga ako sa kabayanihan nya.

"I will do my best Sir!Ako na po ang bahala sa kanya.Iaassist ko po sya sa paraang di nya namamalayan.
Wag po kayong mag alaala sir._AKO.Matapos ang pag uusap namin ay kaagad akong bumalik sa field kung saan mga nakahanay na ang aking mga ka mistah.

"San kaba nang galing Perth? Kanina kapa hinahanap nung admirer mo.Ayun oh,lahat tuloy kami pinag susungitan!_Nene.Napalingon ako kay Miss Pascual.Sya ung commander ng kabilang squad na panay ang pagpapa cute sa akin.Sa totoo lang,wala akong time unahin ang lovelife sa ngayon at naka focus lang ako sa pagiging magaling na sundalo.

"Pinatawag ako ni General Alejandro sandali.May itinanong lang.Bakit naman ako nadamay sa pagsusungit
ni Miss Pascual,Ano namang kinalaman ko dun?_AKO.Muli akong napasulyap sa kanya at nahuli kong nakatitig sya sa akin at saka ngumiti.

"OO nga naman.Masungit naman talaga sya kahit kanino diba.Pwera nga lang kay Perth.Syempre naman,Ded na ded sa kaibigan natin.yieeeeeeee!_Jen.Malakas mang alaska si Jen pero sya naman ay ubod ng pikon kapag sya na ang bininiro.
Napailing na lang ako at saka muling nag focus sa paghawak ng baril na dala ko.

"Puro kayo panunukso dyan.Di kayo mag focus sa mga sandatang hawak nyo.mamaya nyan pumalpak tayo at di pa maka graduate dahil sa kapabayaan nyo._Ana.Sa pagkaka alam ko kasi,sya ang talagang may gusto kay Miss Pascual pero sa akin naman nagkataong may gusto ang babaeng pinapangarap nya.

"Aysus! Sabihin mo nag si selos ka lang kasi.Dahil di ka crush ng crush mo.Alam mo kasi Ana,Kinulang ka lang ng kaunting paligo eh...Mga limang shower pa at baka sakaling maka abot kana sa kalingkingan ng kagwapuhan nitong pambato natin.hhahahahha._Jenny.Saka sya inambaan ni Ana at saka akmang hahampasin ng baril nyang dala.

"Attention all battalion! We will now proceed to our mission.Lahat ng nasa kaliwa,kayo ang magkaka kampi habang lahat naman ng nasa kanan,dun kayo sa kanilang camp._commander Allan Gomez.Mabilis kaming nagsikilos papunta sa base namin at saka kami nagsimula na sa gagawing mission order.

"Dahil madilim na ang paligid,kinakailangan nating maging alerto.Hindi natin kaagad agad makikita ang kalaban kaya kinakailangan natin ang talas ng pakiramdam.Maging listo kayo sa mga armas na gamit nyo dahil maaari nila kayong salisihan at samantalahin ang pag kuha sa mga naka assign na gamit nyo.Sige na,magsikalat na kayo at hintayin ang hudyat ng pagsisimula ng misyon.
_batt.commander Ryan Cosme.

Mabilis kaming nagsi pwesto sa inassign sa aming lugar.
Nagkataon namang kami pa ding magkakaibigan ang magkakakampi kaya kami din ang magkakasama sa pwesto.
Ilang saglit pa,sa hudyat ng aming commander ay nagsimula na kami sa pag gapang papunta sa pwesto ng mga kalaban.

Mula sa labing lima ay kaming magkakaibigan na ang ang naging magkakasama.Kanya kanya kaming gapang hanggang sa matanaw na namin ang aming pakay.Bukod sa strategy ay kinailangan din namin ng malakas na pangangatawan. Bukod kasi sa pag gapang,mas maganda kapag malakas ka at marunong sa depensa.Paglapit namin sa mga kalaban ay kaagad nagpa putok ang isa sa kanila kaya mabilis silang dumepensa gamit ang nalalaman nila sa martial arts.

"Grabe yung nakasagupa ko guys! Ang tigas ng mga buto.
Halos mabalian ako sa tadyang ng tuhudin ako eh.Buti na lang at mabilis akong inassist ni Perth kaya na K.O tuloy sya!hehehhee_Nene.Ngumiti ako sa kanya at saka kami sabay sabay na dumiretso pabalik sa field.

Saka ko naalalang mayroon pa nga pala akong kailangang i assist maya maya lang sa simula ng program.

"Guys,Mauna na nga pala kayo,sasaglit lang ako sa barracks.May naiwan akong gamit duon._AKO.

"Bilisan mo lang Perth,Baka lahat tayo mapagalitan kapag wala ka sa pwesto mo._Jen.Tumango ako at saka mabilis na naglakad papunta sa barracks.Agad akong nagpalit ng tshirt saka ng pang ibabang uniporme.Ayoko namang mangamoy pawis at maging madumi sa paningin ng iaassist ko kaya mabilis akong nagbihis.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang programa.Ang lahat ay abala sa paghahanda habang ako ay naka masid lang sa aking ia assist dito sa may parking lot.

"Ikaw ba si P.Zoie MONTENEGRO?_Boses mula sa likuran at nang lingunin ko ay bahagya akong naggulat sa aking nakita.

"Yes Ma'am!Im private Zoie MONTENEGRO at your service Ma'am!_AKO.Mabilis akong sumaludo sa kanya.Agad din naman syang sumaludo sa akin at saka napangisi habang naglalakad.

"Nagulat ka noh?Akala mo siguro naka wheelchair ang ia assist mo hindi ba? Ganyan kasi talaga yang si gen. Alejandro,Masyadong OA pagdating sa akin.Anyways,Salamat sayo sa pag aantay sa akin dito sa parking lot.Mas maganda siguro kung bumalik kana sa pwesto mo at wag mo na akong alalahanin pa._maj.Jessie

Agad naman akong tumalima sa sinabi nya at hinayaan syang maglakad mag isa.Pero gaya ng utos at bilin sa akin ni General Alejandro,Wag kong pabayaan ang assignment ko at tutukan ko lang sya ng di nya mahahalata.Isang bagay lang ang nasisigurado ko,Palaban at walang inuurungan ang taong inaassist ko.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon