42.PERTH

380 23 2
                                    

Mula ng magkaisip ay iminulat na ako nina Mama Maui at Papa Zee sa kung ano at sa kung saan ang dapat kong tahakin sa aking paglaki.
Kaya lang ay sadyang matigas ang ulo ko at may pagka rebeldeng anak kaya imbis na pagnenegosyo ang pag aralan ko ay pagsusundalo ang linyang pinasok ko.Malayo sa pagiging isang matalino at batikang abogado gaya ng Papa at isang mahusay na Mall magnate gaya ni Mama.

"Apo,Bakit hindi ka manlang daw pumapasyal sa VAL sabi ng Mama mo? Baka naman nakakalimutan mo na balang araw ay sa inyo ng pinsang mong si MJ mapupunta ang lahat ng mga ari arian ng VILLAREAL kaya dapat lang na ngayon pa lang ay makilala kana nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Apo,Bakit hindi ka manlang daw pumapasyal sa VAL sabi ng Mama mo? Baka naman nakakalimutan mo na balang araw ay sa inyo ng pinsang mong si MJ mapupunta ang lahat ng mga ari arian ng VILLAREAL kaya dapat lang na ngayon pa lang ay makilala kana nila._lolo GD.Napakamot na lang ako ng ulo.Madalas kasi na kapag nagkikita kami ay yun ang bungad na bati sa akin ng lolo kaya bihira ako magpunta dito sa bahay nya sa Villareal Mansion.

"Ang lolo talaga,Nagtatampo na naman.Hindi ko naman po nakakalimutan yun.Kaya lang busy po kasi talaga ako ngayon sa trabaho kaya bihira lang ako magkaroon ng off.Hayaan nyo po,kapag may time ako dadalawin ko po kayo duon minsan._AKO.

"Matagal mo ng sinasabi yan pero hindi pa din nangyayari.Mag aasawa ka na lang,hindi mo pa din ako nadadalaw duon.Isang private plane pa naman ang ireregalo ko sa inyo ng mapapangasawa mo._Lolo GD.

"Lo,Kahit po walang gift ay ayos lang naman sa akin.Ang mahalaga ay nandun kayo ng Lola pretty sa araw ng kasal ko.Kahit kayo lang na mahalagang tao sa buhay ko ay sobra sobra ng regalo sa akin kaya wala na kong mahihiling pa._AKO.

"Speaking of kasalan nga pala apo,Kamusta naman kayo ng bride to be mo ha? Nakapag usapa naba kayo at nakapag plano na?_Lolo GD

"Kaya nga po ako nandito ngayon Lolo,Kasi ay gusto ko po sanang humingi ng pabor sa inyo.Medyo may problema po kasi ako ngayon at alam ko po na kayo lang ang pwede kong malapitan._AKO.

"Tungkol ba to saan apo,Kung kaya ko ay tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.Ngayon ka lang hihingi sa akin ng pabor kaya ayoko namang hindian ka,magsabi ka lang at tutupadin ko ang yung nais._Lolo GD

"Tungkol po ito sa napagkasunduang kasalan nina Mama at papa sa anak ng bestfriend nila.Lo,alam ko po na para sa amin din at sa ikagaganda ng kinabukasan namin ang lahat ng napagkasunduan nila...Pero Lo,hindi naman po yata tama na magpakasal ako sa babaeng hindi ko naman gusto at mahal._AKO

"Sa bagay na yan ay natatakot akong hindi ka matulungan apo ko,Dahil ako man ay sumasang ayon din sa napagkasunduan ng dalawang pamilya para na din sa kinabukasan nyo at ng magiging pamilya nyo.Hindi ko inalintana ang pagkawala ng pangalan ko,at magpatuloy ang Montenegro dahil naniniwala ako sa magandang nasimulan ng papa mo.At kung matutuloy ang kasalanang PAMINTUAN at MONTENEGRO,Isa ako sa matutuwa sa pagsasanib pwersa ng dalawang pinagpipitagang pamilya.
_Lolo GD

"Pero Lolo,Papano naman ang karapatan ko.Ang pagiging isang sundalo ko.Naiintindihan ko na para sa amin ang lahat ng ginagawa nila mama at papa pero papano naman po ang puso ko? Lo,Mayroon po akong kasintahan.Muli po kaming nagkabalikan at nagkasundo na ipaglalaban ang pagmamahalan namin sa ikalawang pagkakataon.Tulungan nyo po ako lo,Gusto ko pong magpakasal kami ng gf ko at hindi sa babaeng gusto nila papa para sa akin._AKO

"Apo,Kahit ako man...Mas gugustuhin ko na mapunta ka sa taong mahal mo at mahal ka.Hindi sa taong ipinilit lang sayo ng iyong pamilya.Ngunit,Mas hindi ako makapapayag na makulong ka sa maling pag ibig dahil lamang sa kagustuhan mong WAG SUNDIN ang  gustong mangyari sayo ng Papa mo.Alam ko na malaki ang tampo mo sa inyong Papa Zee dahil sa sobrang paghihigpit nya sayo.Pero sana lang naman apo ay MAISIP mo din na para sa kapakanan at ikabubuti mo ang lahat ng ginagawa nya._Lolo GD

"Pero hindi na ko makakilos ng normal Lolo.Parang bawat gawin ko at puntahan,Palagi syang nakabantay.Wala akong kalayaan.Daig ko pa ang preso,daig ko pa ang isang taong kriminal na pinahahanap ng batas.Sandali lang ako mawala, nakatawag na kaaagd sila.Sumama lang ako sa kaibigan,dapat kilala nila at alam kung saan ako pupunta.Ang hirap ng ganun lo,Sakal na sakal na ko._AKO

"Shhhhhhhh,Apo...Wag mong sabihin yan.Hindi ka preso at lalong hindi ka kagaya ng isang kriminal.Unawain mo na hindi ka isang normal na tao lang.Nag iisa kang tagapagmana ng MONTENEGRO EMPIRE.Kaya kahit pa anong pagrerebelde ang gawin mo,Hindi mababago nun ang pagkatao mo.Babalik at babalik kapa din sa kung saan ka nararapat.Pasensya kana apo,Dahil nag iisa ka lang kaya takot kaming lahat na mapahamak ka at masaktan.
_Lolo GD.

"Lo alam ko naman po yun eh,Na ako lang ang nag iisang Montenegro na kailangang humalili sa legacy na pinagyaman nila.Pero how about me,Yung freedom at kaligayahang gusto ko para sa sarili ko...Bakit hindi ko sya maramdaman? Aanhin ko yung pera at kayamanan kung hindi naman ako masaya,Kung hindi ko maramdaman na buo ako.Parang lahat na lang ang gawin ko,hindi yun dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa tulong ng pangalan ng mga magulang ko.Its not me Lolo,Hindi ko hawak ang sarili ko._AKO.Saka ako napaiyak.Sa sobrang sama ng loob ko.Sa sakit na nararamdaman ko.

"That's enough Zoie!Itigil mo yang kalokohang tanging nasa isip mo lang.Hindi totoong lahat ng galaw mo ay nakabantay ako o pinatatakbo ko sa mga kamay ko ang buhay mo,That's a Lie.Nagkakamali ka ng akala dahil mula pa nuong bata kapa,Ayaw mo na ng pinakikialaman ka.
Kaya natakot ako...Natakot ako na lumaki kang kagaya ko.
Hindi mo lang maamin dyan sa sarili mo na tama lahat ng mga sinasabi ko ay para sa ikabubuti mo.Kaya kahit na alam mong tama ako,pipilitin mong kontrahin yun para lang makapag rebelde ka at magalit sa akin._Papa Zee.


"Honey,Relax lang.Mag usap kayo ng maayos ng anak natin.
Wag kayong magsigawan.Nandito lang kami ng Daddy sa kabilang room._Mama Maui.Humawak sya sa braso ni Lolo GD at saka sila sabay na pumasok sa room habang kami ni Papa ay naiwan dito sa recieving area ng mansyon.

"Papa pakiusap...Hindi ako magpapakasal sa babaeng gusto nyo para sa akin.Si Sophie ang gusto kong pakasalan.
Kung talagang mahal nyo ko at kung talagang gusto nyo kong maging masaya,Pagbibigyan nyo ako sa gusto ko.
Then after that,Papayag na ko na hindi na magsundalo at pag aralan nalang ang business ng pamilya._AKO

"Gusto mo ba kong makulong? Gusto mo ba kong mapahiya sa pamilya ng pinaka matalik kong kaibigan? Gusto mo bang masira ang pangalan at reputasyon ng angkan ng mga MONTENEGRO dahil lang sa nabubulagan ka lang sa maling pag ibig mo ha ZOIE? Ganyan ba ang gusto mong mangyari sakin at sa buong pamilya mo na umaasang mananatili at mas titibay pa ang pundasyon ng MONTENGRO EMPIRE kapag nagsanib ang dalawang angkan? Mag isip isip ka muna,At saka tayo muling mag usap kapag NASA NORMAL ka ng pag iisip!_Papa Zee. Mabilis syang lumabas ng mansyon at saka pinaharurot ang kanyang sasakyan.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon