36.SAINT

371 23 4
                                    

My grandmom,The sexy and the beautiful Miss Dess Nakpil Pamintuan visited me here in GGH ng wala akong kamala malay.Kaya naman laking gulat ko ng ipatawag ako ng boss ko na si Head admin Ayen Asuncion sa opisina ng GGH.

"Mamita!What are you doin here? Omg,I didnt know your coming here in Manila.How are you? Where's Dada TOP?
_AKO. Sa totoo lang,medyo nahihiya ako sa head namin kaya hindi ako masyadong makapag express ng feelings ko.Pero sa totoo lang ay gustong gusto kong yakapin at kargahin ang Mamita sa sobra kong pagka miss sa kanya.

"My darling Saint,How I miss you so much baby girl.
Your Dada is not here,She's still in Canada.Ayaw nga magpaiwan kasi sobrang miss kana na din nya pero hindi sya maka alis kaagad dahil may kaunting problema sa negosyo.Alam mo naman yun,Ayaw na ayaw na walang ginagawa at masyadong focus sa negosyo nya._Mamita Dess. She is still sexy and pretty kahit senior citizen na sya.

"Salamat po Ma'am Ayen,Sa pagpapatuloy nyo sa Mamita ko.Pasensya na po dahil hindi ko mapigilang maging emotional sa muli naming pagkikita ng Mamita Dess ko.
Im sure kilala nyo din po sya since kaibigan po sya ng mga VILLAREAL._AKO.Family doctor kasi ng VILLAREAL GROUP si Miss Ayen kahit hanggang ngayon.

"Ofcourse I knew Madam Dess Pamintuan.Madalas ko din syang makita sa mga gatherings ng VILLAREAL group nuon pa man kaya I know her verywell.Welcomeback to the Philippines again Madam._Doc Ayen.

"Naku,Ako nga ang dapat magpasalamat sayo Doc.Alam ko namang bawal bisitahin ang mga employees nyo dito lalo pa at naka duty.Salamat ha.Uu naman darling,Kilalang kilala ko yang si Doc Ayen eversince.Kapag kaibigan ng mga kaibigan ko,para ko na din silang kaibigan.hahahaha
Pasensya kana ha,Namiss ko lang kasi ng sobra itong apo ko._Mamita Dess.Saka nya ako muling mahigpit na niyakap at pinaghahalikan.

"Hahahahha.Naiintindihan ko po Madam.Alam ko po na sobra nyong namimiss yang apo nyo.Ganyan din kami sa pamangkin naming si MJ kapag dumarating yun from Hawaii.Kung sana nga lang ay naabutan nya pa ang Inang,ganyan din siguro ang pakiramdam nya gaya nyo at ganyan din sila kasaya kapag nagkikita._Doc Ayen.Sa pagkaka alam ko, ang tinutukoy nyang pamangkin ay yung taga Hawaii.

"Sinabi mo pa.Lalo pa at nag iisa lang sya ngayon dahil until now ay hindi pa din namin nahahanap ang isa ko pang apo na si Cloud.Hay naku,bigla tuloy akong nalungkot.Ano ba naman,Pasensya na kayo ha.Kapag tumatanda na kasing ganito,Masyado ng nagiging maramdamin at madrama.Pero sana manlang,bago pa kami mawala ng asawa ko dito sa mundo,Mahanap na namin sya._Mamita.Kahit ako man ay bigla ding nalungkot pagka banggit kay Cloud ni Mamita.

"Wag lang po tayong mawalan ng pag asa madam,Sigurado ako na gagawa si God ng paraan para magkita kayo ng apo nyo.May awa po ang Diyos.Regarding nga po pala dun sa pagpapa skedyul nyo para sa medical mission na nirerequest nyo,Siguro po ay ipapa ayos ko na po sya as soon as possible at tru email nyo na lang po malalaman kung ano na ang resulta.Basta po within this week, baka po mangyari po ang request nyo sa aming foundation._Doc Ayen.

"Mamita,Magpapa medical mission ka? Saan naman yan at bakit para yatang biglaan? Alam na ba ito nina Mom and Dad?_AKO.Daddy Gucci and Mommy Katie has a foundation too pero mas more on sa mga kabataan sila at mga abandoned child.

"Yes Iha,Para naman kasi ito dun sa dating Barangay na kinalakihan ko.Gusto ko sanang magpa medical mission sa lugar namin dati at the same time gusto kong magbigay ng libreng scholarship sa mga kabataan duon na walang kakayahang makapag aral dahil sa kahirapan.Napaka laki ng part ng kabataan ko sa lugar na yun at gusto ko lang namang mag share ng kaunting blessing sa kanila._Mamita
Naalala ko kasi ang mga kwento ng Mamita during her old days back then kung gano sila ka hirap.Saka ko naunawaan kung bakit ganun na lang ang kagustuhan nyang makatulong sa mga dati nyang kabarangay.

"Naku Madam,Ngayon pa lang ay binabati na kita sa gagawin mong pagtulong sa kapwa.Alam ko kung gano mo sila ka nais matulungan at umasa po kayo na gagawin din ng aming departamento ang lahat para makatulong din sa inyo.Salamat po at ang GGH ang napili nyong pagkatiwalaan para sa proyekto nyo_Doc.Ayen.

After ng pag uusap namin with the head admin ay umalis na din si Mamita kaagad.Since naka duty ako nung araw na yun,hindi na ako nakasabay pa sa kanya pauwi ng mansyon.
At dahil umaga din bukas ang duty ko,Sa condo na muna ako nagpasyang mag stay at bukas na lang ng gabi ako didiretso sa Laguna Mansyon.


"Excuse me po Doc,Saan po ba yung laboratory nyo dito?_
Lalaking boses babae.Napalingon ako sa kanya at saka ako parang na star struck dahil ang gwapo nya.

"Drugtest lab po ba? Dun pa yun sa pinaka dulo nitong pasilyo,Tapos kakaliwa ka.Sumabay kana sa akin since dun din naman ang way ko._AKO.Hindi ko alam bakit ganun na lang ako ka attracted sa kanya.Or mas tamang sabihin na bakit may kakaiba akong naramdaman pagka salubong ng mga mata naming dalawa?

"Yun nga po Doc,Pasensya na sa abala.Mali pala ako ng napagtanungan,sana dun na lang sa guard,Nakakahiya naman sa inyo._Gwapong lesbian.Napangiti ako sa kanya at saka sya sinabayan sa paglalakad.Naka leather jacket sya sa katirikan ng araw.Mahiyain sya kahit napaka gwapo nyang lesbian.Sing gwapo nya or mas gwapo pa nga yata sya kay Soldier Perth.Napailing ako bigla.Bakit ba ang sundalong yun agad ang naisip kong pagkumparahan sa gwapo ding lesbian na to.haaaist.

"Okey lang yun,Gwapo ka naman eh!hahahaha. Sorry ha,Di ko lang mapigilan humanga.Alam mo,para kang action star sa pormahan mo.Pasensya kana din ha,Medyo kinapalan ko na ang mukha kong chikahin ka.Medyo na amaze lang ako sa itsura mo eh,I hope you dont mind ha...Pero lesbian ka hindi ba?_AKO. Nahiya man ako magtanong pero gusto ko lang naman din kasing makasiguro.

"Ahhh,Ehhh..Yes po Doc.Tomboy po ako.Wag po kayong mag alala kasi madalas po na ganyan din ang tanong nila sa akin.Medyo nakakalito daw kasi dahil mukha daw akong lalaki pumorma pero yung boses ko naman daw ay babae.
Ang hirap po kasi magpalaki ng boses._gwapong lesbian.
Napangiti ako ng bahagya at saka nagpatuloy na sa paglalakad kasabay nya.Nahiya na din naman ako magkwento o magtanong pang muli dahil maypagka mahiyain sya at ayaw ko namang maging feeling close sa kanya at baka mamisinterpret nya pa.

"Ayan na yung lab na hinahanap mo sir.Maiwan na kita dyan at may pasyente pa na nag hihintay sa akin sa kabila.Glad to meet you and I hope na magkita pa tayo someday.Goodluck sa result mo and Godbless._AKO. Ewan ko ba pero bakit iba talaga ang gaan ng loob ko sa kanya.
Dahil siguro I was born in a lesbian world kaya magaan ang loob ko sa mga kagaya nya.

Muli ko syang nilingon habang nakapila dun sa drugtest result na line at may kausap na kapwa nya din na nakapila.Pansin ko na sa kabila ng gwapo at masayahin nyang aura ay may kakaiba ding lungkot sa kanyang mga mata.Ewan ko lang kung bakit ganun na lang kalakas ang dating ng presensya nya sa akin.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon