SAINT LAURENT CAFE OR SAINT LAURENT SHOP.
Ilan lang yan sa mga business na gusto ng Mom and Dad na pasukin ko daw. Something na related sa business na meron ang pamilya para daw may iba pa akong pagka balahan at hindi puro hospital lang ang alam kong pinupuntahan.Pero alam ko na hindi din biro ang pagpapatakbo ng negosyo kaya tumanggi ako sa ino offer nila."Mom,Dad...Dalawang taon na lang at makukuha ko na ang lisensya ko.Mas gusto ko na munang mag focus sa pagdo doktor kaysa mag manage ng business na wala naman akong kaaam alam.Alam nyo namang simulat sapul pa ay hindi ko na naramdamang nasa negosyo ang linya ko.Hindi sya ang calling ko kaya dun lang ako sa kung saan ako nararapat._AKO.Medyo dissapointed ang mom at dad sa parte na yun dahil nga naman walang hahalili sa mga negosyo nilang minana pa nila sa mga magulang nila.
"Pero anak subukan mo lang baka magustuhan mo.Pwede kapa din namang mag doktor kahit na may negosyo kang pinatatakbo.Kahit isang boutique shop lang or di naman kaya yung isang branch ng Zanya's.Yung mga universities naman natin like MMA at St.Dominique ay madali na lang matutunan yan dahil mayroon talagang naka assign duon na taga pangalaga._Daddy.
"Teka,teka lang naman po Mom,Dad...Medyo naguguluhan po kasi ako.Bakit po ba pinag uusapan na natin yung mga properties nyo,May problema po ba tayo? I mean,Mayroon po ba sa inyong may malubhang sakit or may crisis po ba tayo sa mga negosyo nyo at bigla bigla na lang po nyo akong gusto na magtayo ng negosyo?_AKO
"Iha,Hindi naman sa ganon.Wala kaming malubhang sakit or may problema tungkol sa CK at SDU.Napag uusapan lang kasi namin ng Daddy mo ang tungkol future mo kung sakali.Mga posibleng mangyari na hindi natin inaakala.
Ikaw ang nag iisa naming tagapagmana,Lahat ng meron kami ng Daddy mo ay sayo lahat mapupunta.Kaya naman gusto lang sana namin ng daddy mo na mapaghandaan mo ang darating mong bukas ngayon pa lang_Mommy."Pero Mommy,Matagal pa yun.Malalakas pa kayo at madami pang taon tayong magsasama sama.Hindi natin kailangang magmadali.Maybe after kong makakuha ng lisensya sa pang gagamot,Baka pag isipan ko ding kumuha ng business course later on.Pero sa ngayon,Ini enjoy ko pa lang ang pagiging doktor ko kaya dun na muna ako naka focus._AKO
"Anak,Yan nga din ang isa ko pang inaalala.Kasi nga ay baka naman pupwede ka na munang mag rest sa trabaho mo.
Regarding sa nuon pa namin ipinaliwanag sa iyo tungkol sa anak ng bff ko._Daddy.Bahagya akong kinabahan.Madalas nga sa aking ikwento ng Dad nuon pa man ang tungkol sa anak nga daw ng bff nyang si Atty.Zee na ipinagkasundo nya sa aking ipapakasal."Dad? What about that story? Don't tell me na its really true? Talaga bang sumang ayon ka sa napagkasunduan nyo ng bff mo na ipapakasal kami ng anak nya kapag nag twenty five na kami pareho?_AKO.Napalingon ako kay mom na biglang napahawak sa ulo nya.
"Yes anak,Totoo yun.Totoo ang lahat ng nakasaad sa kasunduan.At sa susunod na taon na mangyayari ang lahat ng yun.Halos magkasunod lang kayo ng kaarawan ni Zoie kaya matapos ang pareho nyong kaarawan sa susunod na taon ay itatakda naman ang inyong kasal._Daddy Chi."Seriously Dad,Mom? Pero bakit? Anong pumasok sa isipan nyo at pumayag kayo sa ganung klaseng kasunduan? How about me,yung mapapangasawa ko...Yung feelings naming dalawa tungkol dito? Papano kung may gf pala yung ipakakasal nyo sa akin,E di nasira ko pa ang buhay nila.
Seryoso ba talaga kayo tungkol dyan Daddy?_AKO."Wala kayong aalalahanin.Sinigurado namin na walang ibang maaapektuhan o masasaktan.Parehas kayong single at walang commitment sa iba.Sa part naman ng mapapangasawa mo,Kagaya mo din syang karaniwang kawani ng gobyerno din ang hanapbuhay at walang kinalaman sa pagnenegosyo.
Anak pasensya na pero ang kasunduan ay kasunduan na hindi pupwedeng bawiin ng basta basta lang._Daddy.Yumakap sya sa akin na para akong batang pinatatahan nya.Napapaiyak na kasi ako sa mga nadidinig ko at nalalaman"Pero Daddy,Buhay at kinabukasan naming dalawa ang pinag uusapan natin dito hindi po ba? Papano kayo nakaka siguro na papayag kami parehas sa napagkasunduan nyo gayung hindi naman kami personal na magkakilala ng sinasabi nyong anak ng bestfriend nyo? Ni hindi manlang nga nya tayo nagawang pakiharapan nung huling pagpunta natin sa kanila,Ibig pong sabihin nun,Ayaw nya tayong makita at makilala._AKO. Naalala ko kasi yung time na inimbitahan kami ng mga Montenegro sa mansyon nila.Ang sabi ni Atty.Zee ay darating ang anak nila pero inabot na kami ng dilim ay wala kaming nakitang ZOIE MONTENEGRO na dumating.
"Anak,iha.Hindi ganun.Hindi ka ayaw makilala o makita ni Zoie.Nagkataon lang talaga na mayroon na syang natanguang lakad ng mga oras na yun kaya hindi sya kaagad nakadating on time.Ang sabi naman ni Katie,Kahit nga daw gabi na ay pinilit pa ding humabol ng anak nya kaya nga lang ay naka alis na nga tayo.Wag kang mag alala anak,Magkikita at magkakausap din kayo ni Zoie one of this day at siguradong magkakasundo kayong dalawa._Mommy. Base sa pagkaka tanda ko nuon sa kwento,Minsan ng nalagay sa panganib nuon ang kaibigan nyang si Miss Katie at isa si Mom sa mga tumulong para sya makaligtas.Kaya naman sobra silang close na magkakaibigan talaga mula pa ng mga bata.
"Yun nga din ang isa pang problema kaya ka namin kinakausap ng mas maaga anak...Kasi nga ay desidido na talaga si Zee na ipakasal kayong dalawa kaya hindi ko na din alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.Kasi naman ay bilang nag iisa naming anak,Hindi pa kami ganun ka ready na mahiwalay ka sa amin kaagad ng mommy mo.
Kaya nga lang ay may bahagi din naman ng damdamin namin na gusto na din naming makita kang maligaya.Alam naming magiging masaya at magiging maayos ang inyong pagsasama ni Zoie anak dahil napaka matulungin din sa kapwa ng batang yun.Pareho mo na may mabuting puso._Daddy Chi."Well,Sa mga oras na ito ay Hindi ko pa po alam kung anong mararamdaman,Dad,Mom...
Pero ayoko din namang madissapoint ko kayo kaya pupwede po ba munang makapag isip? Sa ngayon po ay naguguluhan pa ako at hindi pa masyadong nagsi sink in sa akin ang posiblidad na sa susunod na taon pala ay ikakasal na ko.
Whew!Gayun pa man ay gusto ko pa ding i consider yung kasunduang sinasabi nyo,depende sa kung ano bang mapag uusapan namin ng sinasabi nyong mapapangasawa ko_AKO
Sabay nila akong niyakap na may mga ngiti sa labi.Alam kong wala namang hangad ang parents ko kundi ang mapabuti ako at ang hinaharap ko kaya nila yun nagawa.
At since kilalang kilala naman nila ang pamilya ng posibleng mapangasawa ko nga,Wala na yata akong choice kundi magpakasal sa taong wala akong ka aydi idea sa kung ano nga bang itsura nya at pagkatao.
BINABASA MO ANG
" THE SOLDIER AND THE SAINT". (PERTHSAINT ROMANCE)gxg
RomansaMagsasanib pwersa ang angkan ng mga BILYONARYO sa katauhan ng kani kanilang mga anak. Sila ang mga bagong tauhang bibida sa ating mga kwento ngayon Ang pinagsamang talino at karisma nina ZOILA MONTENEGRO AT MAUI VILLAREAL ay nagbunga ng isang MATIKA...