37.PERTH

355 21 2
                                    

Kasabay ng pagsisimula ko bilang isang sundalo ay ang pagbili ko na din ng bago kong sasakyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasabay ng pagsisimula ko bilang isang sundalo ay ang pagbili ko na din ng bago kong sasakyan.At dahil berde ang paborito kong kulay kaya naman halos lahat din ng kotse ko ay kulay luntian.Nandito kasi ako ngayon sa Kingsville para kausapin ang mama at papa regarding sa date na itinawag nila na pupuntahan ko daw mamaya.

"Zoie anak,Pinaaalala ko lang sayo na mamayang gabi na yung dinner date nyo ng anak ng bestfriend ko.Baka naman pati yun,hindi mo pa siputin.Nakakahiya na sa kanila.
Palagi ka na lang busy.Hindi maganda yung pinag hihintay mo ang babae sa date nyo._Papa Zee.Si Mama Wee Naman ay abalang abala sa paghahanda ng isusuot ko mamaya para sa date namin ng anak ng mga bff's nila.

"Tama ang Papa mo anak,Wag na wag kang di sisipot sa date nyo ni Laurent dahil nakakahiya na talaga sa mag asawa.Baka naman ma bwisit na yun sa kakadahilan mo.
At bilang isang sundalo,Alam mong mahalaga ang palabra de honor.Ang pagtupad sa pangako.Kaya goodluck sa inyo ha anak ko?I enjoy nyo lang ang gabi ng mas magkakilala pa kayo ng hustong dalawa._Mama Maui.Sa palagay ko ay mas excited pa sya sa akin dahil may kasama pang kilig ang pagkukwento nya.

"Mama...Papa.Marunong po akong tumupad sa usapan.Pero depende naman kung importante ba yun at ako mismo ang nangako.Kaya nga lang ay kayo na ang gumawa ng oras at lugar kung saan kami dapat magkita.Hindi ba dapat ay hayaan nyo kaming dalawa sa kung saan kami mas magiging komportable at masaya?_AKO.

"Kung aantayin namin kayo,Baka hindi na mangyari pa na magkita kayong dalawa.Kaya nga kami na ang gumawa ng plano para sa inyo.Saka wala ka namang gagawin dun,Basta magdidiner lang kayo para naman magkakilala kayo._Papa.
Sa nakikita kong kaseryosohan sa mga mata nya,Hindi ko alam kung papano ko sisimulan ang pagsasabi sa kanila tungkol sa amin ni Sophie

"Pa,Hindi ko naman sa inaayawan yang plano nyong date with her.Kaya lang wag naman yung pabigla bigla.
May lakad din naman kasi ako ngayon kaya nga nandito ako para sana makiusap na baka pwedeng sa sususnod na lang kami magkita._AKO.Actually kasi ay Anniversary namin ni Sophie today ay balak ko sana syang surpresahing sunduin mamaya sa airport.

"Nakausap ko si staff sgt. Burgos at nilinaw nya sa akin ang skedyul mo this week.Sabi nya,wala daw kayong operation tonight hanggang bukas kaya sinigurado kong free ka ngayong gabi.Papano kang nagkaroon ng importanteng lakad mamaya,Sino ang kasama mo?_Papa

"Papa naman,Dapat bang lahat na lang ng gagawin ko at makakasama ko irereport ko palage sa inyo?Pasensya na pero hindi talaga ako makaka punta sa dinner na sinasabi nyo.May importante akong pupuntahan._AKO.

"No way!Hindi ka pupwedeng humindi dahil naka set na ang lahat.Wag mong hayaang magalit ako sayo ngayon Zoei.Mas importantena makausap at makaharap mo na ngayon pa lang ang magiging future wife mo.Hindi bukas at lalong hini sa isang araw kundi ngayon kayo magkikita ng bride to be mo._Papa Zee

"Pero Papa,Im sorry pero hindi ako magpapakasal sa kanya.I do have a girlfriend and masaya kaming dalawa.
Ma,Im sorry to dissapoint you pero may girlfriend na ko at isang taon na kami today._AKO.

"You do? Sinong girlfriend ang tinutukoy mo,si FA Sophie Lorenzo ba? Yung nobya ngayon ni Captain Pete? Dala dalawa ang girlfriend nya at pumapayag ka sa ganung set up ha anak?_Mama Maui.Kung galit si Papa ay mas galit ang Mama habang nagsasalita.Sabagay ay hindi naman na ko magtataka kung kilala nya at alam ang background ni Sophie.

"Ma,Hindi nya totoong mahal si Pete dahil ako ang totoong mahal nya.Kaya lang sya nakipag relasyon dun ay dahil ayaw sa akin ng family nya._AKO

"Thats NONSENSE Zoie!Wala kang kamalay malay na nililoko ka lang ng babaeng yun.Na matapos mo syang ipag shopping ng sangkatutak ng buong araw ay sila naman ng Kapitan na yun ang magkasama sa buong magdamag._Papa.Saka ako natigilan.Tama ba ang nadinig ko na magkasama nga magdamag sina Sophie at ang Kapitan? Kaya ba hindi sinasagot ni Sophie ang tawag ko ng gabing yun ay dahil kasama nya sa unit nya ang kapitan?

"Anak,Zoie...She's not worth it!Niloloko ka lang ng babaeng yun.You deserve much better than her.Wag kang padadala sa mga paglalambing nya at pambobola sayo.
Sasaktan ka lang nya._Mama.Bahagya kong napansin ang bahagyang pag garalgal ng boses ni Mama.Umiiyak ba sya?

"Mahal that's enough.Wag kang masyadong paapekto sa nararamdaman mo.Gaya ng sabi mo,Hindi sya worth it pang pag usapan at iyakan.Siguro naman ay hindi bulag ang anak natin sa mga ginagawa sa kanya ng babaeng yun.
_Papa.Tumingin sya sa bintana at bahagyang sumilip sa labas.

"Ma!Wag ka naman pong ganyan.Alam mong ayokong nakikita kang malungkot at umiiyak.Im sorry po kung nagkakaroon tayo ng mga pagtatalong gaya nito.About po kay Sophie, Gusto ko pong makilala nyo sya.Hindi naman po lahat ng nababalitaan nyo ay totoo at alam ko naman pong hindi kayo mga judgemental na tao at mauunawaan nyo po ako sa desisyon ko._AKO

"This are the proof kung gano ka gold digger ng pamilya nyang sinasabi mong nobya mo.Mga documents na nagpapatunay na pera mo lang ang habol nya kaya sya muling nakipagbalikan sayo._Papa.Saka nya iniabot sa akin ang isang folder na makapal para basahin ko.

"Im sorry pa but i dont wanna read those lies.Actually, alam ko na naman ang lahat.Na binayaran nyo ang pamilya ni Sophie para mamuhi sa akin at palayuan ako sa anak nila.At para hindi kami magkatuluyang dalawa,Maging si Captain Pete ay ginamit nyong kasangkapan para magpanggap na nobyo nya at para saktan ako.Sorry Pa,Ma...pero hindi ako ganun kadaling mapaniwala._AKO
Isa yun sa mga ipinatapat sa akin ni Sophie kapalit ng pakikipagbalikan ko sa kanya.

"The fact na tinanggap ng pamilya nila ang offer ko,That means na ganun nga kababa ang pagkatao nila at ganun sila kadali magpasilaw sa pera.At kung talagang ayaw nilang sumang ayon sa inialok ko,Sana ay tinanggihan nila at pinayagan pa din nila kayong maging kayo ng anak nya.Hindi naming inasahan ng mama mo na papayag sila kaya kahit kami ay nagulat.Siguro nga kasi ay totoong ayaw nila na maging kayo talaga ng anak nila_Papa.

"About naman kay Pete,Totoong kinausap ko sya na ligawan nya at paibigin si Sophie.Pero hindi ko naman sinabi sa kanya na totohanin nila.Hindi na kasama sa pinagkasunduan namin ang magkaroon sila ng totoong relasyon.Kung marangal at mabuti syang babae,at kung totoong mahal ka nya anak...Hindi sya papayag na magpaligaw at maging nobyo si Pete._Mama

"Ngayon ba ay masaya na kayo,Pa...Ma? Nagulo nyo na ang lovelife ko at nasira nyo na din kami ni Sophie.
Ano pa ba ang kulang? Pa,Sabihin na nating ayaw sa akin talaga ng pamilya ni Sophie...Pero sobra akong nasaktan dahil dun.Kasi naman ay pinaandar nyo yang yaman nyo para lang masira ako.Durog na durog ako ng mga panahon na yun Pa,Ma.Pero sinarili ko ang sakit kasi ayokong ipaalam sa inyo.Ayoko kayong malungkot at masaktan para sa akin.Pero ngayon ko na realize na mas masakit pala kapag mismong mga magulang mo ang dahilan kaya mo naramdaman ang lahat ng yun._AKO.Saka ako mabilis na umalis sa mansyon sakay ng kotse ko.

  " THE SOLDIER AND THE SAINT".  (PERTHSAINT ROMANCE)gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon