4

3.2K 168 90
                                    

Hot...

"Teka lang," awat ko sa kanila. Parang nahihilo ako sa mga nangyayari. Kanina lang ay gusto kong saktan si Cloud dahil sa ginawa niya pero ngayon naman ay nakukuliglig ang tengga ko sa ingay ng mga babae.

Dahil nga nahulog ako sa pool ay dinala ako ni Dakota sa taas para makapagpalit na damit. Gusto ko sanang humindi pero naisip ko na mahirap namang umuwi ng basang basa. Tsaka nabasa din ang phone at wallet ko.

Gusto ko na din talagang tanggalan ng buhok yung si Cloud e. Feeling ko siya ang nagdadala ng malas sa buhay ko.

"Feeling ko eto ang kasya sayo. Ang cutie nito couz o!" napapatiling turan ni Mattee, tuwang tuwa sa naiisip.


Napanganga naman ako sa nilabas niyang damit. Dala to kanina ni Andrea na mga nakalagay pa sa mga paper bag. Binili daw nila Mattee para sa kanya pero hindi niya carry isuot.

Muntik na akong mapamura sa nakita. Damit ba yon?


"Gaga ka Mattee, makikita yung nipples ko dyan ano bang damit yan!" naeeskandalo kong turan na ikinangiwi naman ni Andrea.


"Bobbie nasabi ko na yan nung binibili nila pero wala namang nangyari," Nakaupo ako sa gilid habang sinusuklay niya ang aking buhok. Ang sweet neto ni Andrea e.

"Cutie to no! Pangit ng fashion sense niyo," umirap pa si Mattee.

Napailing ako. I am wearing a bathrobe at katatapos ko lang maligo sa banyo. Kanina pa sana ako nakapagpalit kung hindi ako ginagawang manika ng mga babae na to. Actually, si Dakota at Mattee lang. Si Xantha kase ay hinatak paalis ni Aedree para daw ihatid si Cheska. Pabalik na daw kase yun ng Amerika.

Sobrang dami nila dito and I'm just thankful na naaalala ko pa ang mga pangalan nila. Yung kuya ni Cloud na si Milan ay kanina pa kumakatok at tinatawag si Dakota pero hindi naman niya pinapansin.

"Magdress ka na lang!" si Dakota na may kinuhang flower patterned mini dress na sobrang cute sana kaya lang, I don't think tama na yun ang isuot ko ngayon.

I was already wearing some undies underneath the bathrobe. Mabuti na lang ay meron silang mga new and unused spare set in case may mga bisita silang babae. So ibig sabihin, madalas ang iba dito.


"Wala bang loose shirt at shorts? Dito lang naman ako. Okay na ako sa ganoon muna," nahihiya kong turan. Natawa ako ng umupo padabog si Mattee na tila nagtatampo. She looked so stressed and down.

"I wanted to dress you up!" nakanguso niyang turan. Nakakamiss din tong babae na to e.

Bakit ba hindi ko siya agad tinawagan ng lumuwas ako.

"We can go shopping next time and you can dress me all you want," sagot ko na ikinailing ni Andrea. Si Mattee naman ay tila natuwa sa nadinig dahil dinampot niya agad ang ilang damit at animo sinusukat na sa sarili. Si Dakota naman ay nagdadabog na lumabas dahil tawag pa din ng tawag si Milan.


"Very wrong yang sinabi mo. Aabutin tayo ng hapon niyan kakashopping," hindi pa man ay parang hapong hapo na si Andrea.

Napasunod ako ng tingin kay Dakota. Ang ganda niya talaga pero parang palagi siyang nagseseryoso. Napansin yata ni Andrea ang pansunod ko ng tingin kaya bigla siyang nagsalita.


"Hayaan mo yan si Ate. Laging magkaaway yan sila ni Kuya Milan pero di naman mapaghiwalay. Ang weird din," natatawa niyang turan.

Are they together?

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon