18

2.7K 146 45
                                    

Bawal...

"Salamat..." tipid akong ngumiti matapos akong pagbukasan ng pintuan ni Erish tsaka ako dahan dahan bumaba sa kanyang kotse. Inalalayan niya pa ang aking kamay na bahagyang nakapag pangiti sa akin.

Tumawa naman siya bago napailing.

"Pasensya na at pati ikaw ag nadadamay sa mga kalokohan nila Mattee at ng kapatid ko," nahihiya niyang turan.

Ngumiti ako ng pilit sa kanyang sinabi. Madilim na at halos wala na akong makitang naglalakad sa estudyante sa labas. Malapit na kase ang exams kaya siguro wala na halos tao, nag aaral. Naalala ko bigla si Ulap, nag aral kaya yung lalaki na yun?

Hapon na kanina ng bigla na lamang sumulpot sa dorm ko sina Mattee mahing si Faye at niyaya akong lumabas. Gusto ko sannag tumanggi ngunit nadala na ako sa pagpupungay ng mga mata ni Faye. Masyadong maamo ang kanyang mukha at tila isnag kasalanan ang tumanggi sa kahit ano niyang hiling.

Nanood lamang kami ng sine at kumain. Gusto pa nga nila ay mag overnight kami sa bahay nila Faye at mag movie maratjong ngunit hindi na ako pumayag. Hindi din kase masyadong komportable. Para ding imiikot ang puwet ko at hindi ako mapakali. Dagdag pa na naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto.

Halos maglumuhod na ako kay Mattee at ipinilit na hayaan na niya akong umuwi dahil kinakabahan na talaga ako. Hindi ko ba alam ngunit parang nakasakay ako sa rollercoaster at panay ang ikot ng kung ano sa aking tiyan. Pakiramdam ko ay may nakakaalala sa akin, na may naghihintay sa akin. Hindi ko alam.

"Haba ng nguso natin ah," puna niya na ikinairap ko.

Erish, he turned out to be a wonderful person, the opposite of what I initially thought of him. Kung noon ay inis na inis ako sa kanya, ngayon naman ay nakapalagayan ko na siya ng loob. Siya din naman ang nagtyaga sa akin nung mainit ako dahil may kadate si Ulap.

Nang minsang kamustahin niya sa akin si Ulap ay sa kanya na ako nagbunganga. I find it easier to share him what I feel na maging ang furstrations ko at nararamdaman ko para kay Ulap ay naibulalas ko na sa kaniya. Kung may Cinco siguro si Andrea, ganoon na din ang papel ni Erish sa buhay ko.

"Huwag ka munang magpapakita sa akin at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo," biro ko sa kanya. Isang ngisi ang dumungaw sa kanyang labi at ang kanyang magandang mukha ay alam mo agad na may naiisip na kalokohan.

Whatever it is that he was thinking, wala na akong pakialam. Umiling na lamang siya at ginulo ang aking buhok.

"Silly, I'll go. Pumasok ka na at please, huwag mo ng awayin yung landlady niyo. By this time you should have realized how much Mattee can do. Walang laban yang landlady niyo sa pinsan mong napakagaling magmanipula ng tao," natatawa niyang turan. Napapalatak naman ako sa kanyang sinabi.

Sa susunod talaga ay makakabawi din ako sa landlady namin. May favoritism siya at sa estudyante pang hindi naman nakatira sa dorm.

Pinanuod ko si Erish na sumakay sa kanyang sasakyan. Bumusina pa siya ng isa bago ito tuluyang umalis.

Isnag buntong hininga ang kumawala sa akin.

Finally, I can rest. Just when I turned around so I can walk closer to the dorm, napatigil na lamang ako at hindi na alam ang dapat sabihin.

Sa harap ko ay ang lalaking ilang araw ng gumugulo sa aking isipan. His presence over me was just too much kaya iniwasan ko muna siya nitong mga nakaraang araw. Sumasagot ako minsan sa mga text niya pero hindi na muna ako lumalabas pwera na lamang kung may klase ako.

I can't face him, not until I figure out what I really feel. Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. At hindi ko din naman alam kung ano ba ako sa kanya.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon