Condition...
"Sandali lang, that doesn't sound fair!" hindi ko na napigilang bulalas, ang aking mga mata ay nanlaki na at kung kanina ay ni hindi ako makatingin ng diretso kay Cloud, ngayon ay halos hulihin ko na ang kanyang mga mata dahil sa patuloy na pag iwas niya sa akin.
He was just there, a few meters away from me, sitting on the carpet while playing with Teesha and Taias. Kasama niya si Lexo na inilabas pa talaga ang mga collection niyang laruan at mga stuff toy na sa tingin ko ay pag-aari ni Grey.
Lexo and Cloud, para silang mga bata na nakikipaglaro sa aking nga anak. Well, I think some things just really don't change.
"You heard me, Bobbie. Dadalhin ko si Mataias sa kanyang ama ngunit mananatili kayo dito sa bahay kasama namin hangga't hindi nakukumbinsing umuwi ni Mataias si Alexander," nakangisi niyang turan. Xantha was standing beside him. To be honest, they look like a power couple, I wonder how the past five years made them.
So apparently, Kuya Yelo took off after Mattee and I went missing. Yeah, they use the term went missing dahil daw ayaw nilang aminin na nilayasan namin sila. But it's not like Mattee had a choice that time. Nakacomatose yung tao. Well for me, I do have a choice pero siguro ay hindi ko pinagsisisihan mas pinili kong pahalagahan muna ang pamilya ko ng mga panahong iyon.
Sigurado ka?
"If you give me his address, kaya ko siyang hanapin. Bakit kailangan namin dito tumira?" Natawa naman si Kuya Aedree na para bang may sinabi akong joke sa kanya. Maging si Andrea na nakatayo lamang sa gilid at tinitignan ang lahat ng nangyayari ay napaiwas ng tingin. Katulad ng dati ay yakap yakap pa din siya ni Chase sa likuran.
Bigla ko tuloy naisip, ano lamang ba ang naging pagbabago sa buhay nila?
"I can't give you that. Baka mapatay ka ni Yelo kapag nakita ka niya," maikling sagot nito para akong kinilabutan. Ang isipin pa lamang iyon ay nakapagbigay na ng kaba sa akin. Iba ang personality ni Kuya Ice. Kung sinabi ni Kuya Aedree na nagwala si Kuya Yelo, that means few pieces of broken bones sa kung sinumang nagtangkang umawat at ilan pang mga sirang kagamitan.
"Kuya Ice is not the same person you used to know Bobbie. Hindi na siya ang lalaking nakilala mo. Besides, hindi iyon pupunta man lang dito sa mansyon kahit ano pa ang sbaihin mo. Baka kapag tinawagan natin si kuya ay ni hindi mo makuhang kamustahin siya," sabat ni Andrea. She genuinely looked so scared.
Ano ba ang nangyari kay kuya Yelo?
"Bakit ka biglang umalis Bobbie? Bakit bigla mo kaming iniwan? Alam mo bang muntik na ding mawala ng araw na iyon si Milan? Kailangan ka din namin ng mga panahong iyon e," I heard Xantha. Her voice is a little shaky at agad naman siyang niyakap ni Kuya Aedre.
"Bigla mo kaming iniwan..." bulong niyang muli at napayuko ako at hindi na din napigilan ang luhang kanina pa nais kumawala sa aking mga mata. I felt a hand on my back and I saw Erish brushing my hair a little. He also wiped the tears streaming down my cheeks. Nginitian ko naman siya bilang pasasalamat at nang muli akong tumingin sa aming harapan ay nakita ko si Cloud na nakatingin lamang sa amin at ni walang karea-reaksyon.
"Ipinagkait mi samin ang mga bata so I don't think you have the right na magreklamo ngayon sa kundisyon nain. Labag sa batas ang ginawa mo," seryosong turan ni Kuya Aedree at hindi ako agad nakapagsalita.

BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...