Itlog...
"Ayoko. Hindi. No," bawat katagang aking binibitawan ay may diin at gigil. Ang mukha ni Mattee na kanina pa niya pinapalungkot ay ni hindi ko sinusulyapan.
Kanina pa siya nangungulit na lumabas. May tatapusin pa akong isang article. Hindi naman pwede na pabayaan ko ang part time ko dahil may deadlines din naman ako dito. Masyado na silang nawiwili sa pang iistorbo sa akin. Si Cloud nga ay hindi ko na makontrol ang mga trip sa buhay, damay pa tong si Mattee at si Andrea na napakahilig manghatak.
"Hintayin kitang matapos. You're almost done naman na diba? Ang galing mo kaya," pasweet nitong sabi na halata mo talagang may kailangan.
Nilingon ko siya mula sa aking pagkakaupo sa harap ng aking coffee table habang siya ay kampanteng nakaupo sa isang bakanteng kama. Pang dalawahang tao talaga ang kwarto ko pero wala namang naassign saking roommate dahil kaunti lang naman ang scholar sa paaralang ito. Masyadong maraming mayaman sa paligid.
Pabor sa akin dahil baka hindi ko pa makasundo ang makakasama ako pag nagkataon.
Kumunot ang aking noo nang may maalala. "Paano ka nga pala nakakapasok dito e hindi ka naman dito nag aaral?" nagtataka kong tanong. Ngayon ko lang naalalang itanong sa kanya nang maisip ko yun nung nakaraang gabi. Ilang beses nang labas masok si Mattee dito e strikto naman sana yung bantay sa baba.
Natawa naman siya sa tanong ko bago pinagkrus ang mga hita habang nakaupo sa aking kama. Napakaarte.
"Friends kami ni ate girl sa baba. Palibhasa ang sungit mo. Ang bait kaya noon ni manang!"
Lalo naman napakunot ang aking noo.
"Anong mabait e hindi nga nagpapapasok yun kapag nasobrahan ka ng late ng uwi!"
Nung nakaraan nga ay halos mapatay ko si Ulap dahil nagyayang lumabas at kumain. Lakas magfoodtrip ng hayop e nanghihiram lang naman ng sasakyan. Ayun tuloy, inabot kami ng disoras. Napilitan pa akong pumunta kay Andeng para makitulog.
Ayaw niya pa akong papasukin sa kwarto niya kase tulog daw si Chase. Mga walangya! Dun na yata talaga tumira ang kambal ni Ulap. Minsan nga ay hindi na namin masyadong nakakasama ang dalawa. Hinayaan ko na lang siyang matulog dahil parang ang putla niya. Kahit hirap ay nakatulog din naman ako sa guest room.
Nang magising ako ay muntik na kong mapatili dahil katabi ko na sa higaan ang magkapatid. Si Dee ay nagiinarte dahil inaaway na namn daw siya ni Milan. Hindi ko din maintindihan ang dalawa. Panay ang away e hindi naman magkasintahan.
"Baka hindi ka lang masyadong maganda," ingos niya. Agad kong nadampot ang isang stufftoy sa aking harapan at naiinis na ihinagis sa kanya. Tawa naman siya ng tawa.
Bakit ba wala akong kaibigan o kamag anak yata na matino?
"Mattee, I don't have time for dates like that. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Bakit mo ako dinadamay sa pagkabore mo?" bulong ko at muli nang hinarap ang tinatapos na article. Totoo ang sinabi niya na matatapos na talaga ako pero hindi ko yun aaminin sa antipatika kong pinsan.
Kanina pa siya nagaayang lumabas at may irereto daw sa akin. Kuya daw ng kaibigan niya. E bakit hindi siya ang makipagdate e baka nga may gusto naman sa kanya yun. Ang ganda ganda ni Mattee at kahit si Andrea ay kinukwento kung gaano habulin si Mattee at Dakota ng tingin palagi ng mga kalalakihan. Si Andrea luka luka din. Hindi niya yata alam na pati sa kanya ay marami ding nagkakagusto.
"Ayoko sa kanya! Dali na kase. Kausapin mo lang siya habang naggagala kami ni Faye!" pangungulit niya, nakapaout pa ang kanyang bibig. Akala niya yata ay natutuwa ako sa sinasabi niya at pagapacute niya.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...