48

3.4K 127 51
                                    

Puntavega...

"Mommy..." binati ko ang aking ina. Leaning forward, I gave her a quick peck on the cheeks. Nang makita ko ang aking ama ay niyakap ko din ito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang naging pagsilip niya sa aking likuran na tila ba may hinahanap, 

"Cloud is on a meeting pero susunod daw siya," I told my father and he just snickered. Napailing na lamang ako, my father and his animosity towards Cloud. 

Kahit pa nga nag uusap na sila ni Cloud ay alam kong hindi pa din niya ito tanggap ng lubusan hindi tulad ng pagkagusto ng aking ama kay Erish. Too bad though, Erish and I will never be together. Sana ay matanggap na din niya iyon. 

Umupo ako sa bakanteng silya at inilibot ang tingin sa mga taong kasama ng aking mga magulang sa lamesa. It's been so long since I attended a business gathering like this. Nung huli yata ay sa Canada pa.  

"Hayaan mo na David at baka may importanteng inaasiakaso ang bata," pagtatangol ng aking ina kay Ulap. Iniiwas ko na lamang ang aking tingin at iniwasang humaba pa ang lintanya ni Dad.

Hindi ko na itinanong kung ano ang okasyon ngunit alam ko naman na maraming mga kilala at makapangharihang businessman na nandirito. Ganoon naman madalas. Rich people use this kind of occasion to meet possible business partners and build connections. 

Pagkatapos ng matagal na pilitan at kung anu-anong pananakot ko sa kanya ay hinatid din ako dito ni Alexo kanina. Ayoko naman kaseng tawagin si Ulap at istorbuhin sa meeting niya. He was insisting to accompany me pero pinigilan ko dahil baka mahimatay na sa stress si Kuya Ae. Hindi pa naman sila okay ni Xantha ngayon so he's really out of himself lately.

Si Teesha ay kasama ni Ara. Ipinapanalangin ko talagang walang bagong kalokohang matutunan ang aking anak lalo't kasama nila si Kuya Julio. Noong isang araw ay nahuli ko siyang dinodrawingan ang mukha ni Kuya Milan habang natutulog ito sa sala. Nang sawayin ko siya ay mabilis na naiabot niya sa akin ang marker at nagtatakbo. Sakto namang nagising si Kuya at ako pa ang napagbintangan!

Kinakabahan na talaga ako sa aming anak. Masyadong lumalaking pilya!

Napakamot ako sa aking batok ng maalalang muli ang tanong ni Lexo kanina, kung marami daw bang pagkain sa loob. Ang loko gusto pa yata kaninang pumasok kanina para sa pagkain. But he's just wearing shorts and a black shirt. Mabuti na lamang din ay tumawag si Toni para ipasundo si Ahyessa sa kung saan. Ang babaeng iyon, may bago na naman daw kinalolokohan. Hindi na talaga nadala. Akala niya yata ay panty lang ang mga lalaki at kay bilis niya ding magpalit ng crush!

I wouldn't have come kung hindi lamang ako pinilit ng aking mga magulang. Importante daw na kilala ko ang mga taong nakakasalamuha ko lalo pa nga at hindi basta basta ang pamilyang kinabibilangan nila Cloud.

Noon pa naman ay madalas ng dumalo sa mga ganitong pagtitipon sila Dad. He really wants to establish our family's connections eversince. Kaya nga gusto niya akong ipakasal dati e. Hindi ko lang gets bakit pagdating kay Cloud ay bitter na bitter siya e kung tutuusin ay napakayaman naman nila. May kaya ang aming pamilya pero hampaslupa pa din kaming maituturing kung ikukumpara sa yaman na mayroon sila Ulap.

Gusto ko sanang sabihin na wala namang pakialam ang mga Puntavega sa mga ganitong bagay. They don't really exercise their power and connections dahil sanay sila sa tahimik na buhay. Besides, their family are originally rich, a clan from old money kung ituring ng marami. Hindi rin naman sila purong pinoy at halos lahat ng kamaganak ay nasa ibang bansa. I once talked to their lola via videocall dahil gusto nitong makita si Teesha at sobra akong naintimidate habang si Cloud ay para ng naging bata at naglalambing sa lola nila. Pati si Lexo ay sandamakmak din ang naisumbong tungkol sa kanyang mga kuya pero tumawa lang ang lola nila. 

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon