Pakialam...
"Ito pa o, baka gutom ka pa..." natatawa niyang turan tsaka iniusod sa aking gawi ang dessert na ni hindi niya pa nabawasan. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na ako kumibo. Lalo lamang nag iinit ang ulo ko sa pang iinis niya.
Ngumuso ako ng kaunti bago siya muling inirapan. Sa ilang minuto na magkasama kami ay bahagyang gumaan ang kanina'y nagngingitngit kong pakiramdam sa kanya. Nakakapagtaka nga dahil hindi naman siya nagagalit sa mga pagtataray ko
Gayunpaman ay walang pag aalinlangan kong dinampot ang aking tinidor tsaka nilantakan ang kanyang pagkain. Nadinig ko naman siyang tumawa.
Nag angat ako ng tingin at sinimangutan siya.
"Kanina ka pa tumatawa, kapag kinabag ka dyan ipagkakalat ko talaga,"
Ngumisi lang siya sa akin at napailang.
"Paano mo ipagkakalat, alam mo ba kung saan ako makikita? O baka nan kase gusto mo lang akong makita ulit?" nanunuya niyang turan. Ibinaba ko ang aking tinidor at sumandal sa upuan.
"Ano nga ulit pangalan mo? Hindi ka kase kagwapuhan kaya hindi ko matandaan" nang iinis kong tanong. Pinag angatan lamang niya ako ng kilay bago lumingon sa lamesa sa tabi namin. Mayroong tatlong babaeng nakaupo doon na kanina ko pa napapansin na para bang mababaliw na. Hindi yata alam kung saan titingin, sa gawi nitong kasama ko o sa gawi ni Ulap na sobra yatang nag eenjoy sa date niya. Kaya niya siguro ako hinahanap kanina ay para magpaalam na may lakad siya!
Parang nagpupuyos naman ang aking damdamin. Ang walangya, ni hindi man lang ako nililingon kahit isang beses. Hindi ko talaga siya papansinin!
"Hi..." nadinig kong turan ni Erish. Nanlaki naman ang aking mata sa kanyang ginagawa. Nadinig ko pa ang impit na pagtili ng babaeng kanyang kinawayan.
"Oh my God, Erish!" halos mangisay na silang tatlo doon habang si Erish ay hindi na nag abalang magsalitang muli. Sa halip ay lumingon siya pabalik sakin na animo may napakalaki ng napatunayan. Napalingon din tuloy sa gawi namin ang ilang customers doon.
Oo na, gwapo na siya. Malamang ay kilala siya ng mga tao dito. Pareho ba sila ng school na pinapasukan ni Mattee?
Napaungol ako sa kanyang kalokohan. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya o hindi. Napalingon akong muli sa direksyon ni Ulap. Nagulat ako ng mapansin na nakatingin pala siya sa gawi ko, salubong ang kanyang kilay at tila mainit pa ang ulo.
Nag aaway ba sila ng kausap niya? Buti nga sa kanya!
Agad ko siyang inirapan at muling nilantakan ang pagkain sa aking harapan.
Alam na ngang may review kami pero nakukuha niya pang nakipagdate! Papahirapan ko talaga siya sa susunod.
"Galit na galit ka ah. Boyfriend mo?" agad niyang inginuso ang gawi ni Ulap. Sinundan ko iyon ng tingin at nagtamang muli ang mga mata namin ni Ulap na nakatingin pa din sa gawi ko.
So sobrang inis ay binelatan ko siya bago ko nilingong muli si Erish.
"Hindi ko boyfriend ang pangit na yun! Mukha kaya siyang palaka!"
"Talaga? Ganyan pala ang itsura ng palaka,"
"Oo! Palaka siya. Pangit na palaka. Hindi ko nga alam bakit may kadate yan e hindi naman siya gwapo,"
Muntik ko ng nakagat ang aking dila sa huli kong sinabi. Parang nagagalit yata ang langit sa mga kasinungalingang sinasabi ko.
Bwisit!
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...