Aedree's POV
Chaos.
Sobrang gulo, takbo dito, takbo doon. Kung kani-kaninong telepono na ang maya't mayang tumutunog... Kung kani-kaninong iyak na din ang pumapalahaw sa hallway. Mabuti na lamang din at nasa pribado kaming ospital at halos sakop namin ang buong floor.
Ngayon ko ipinagpapasalamat na mayaman ang pamilya namin. Hindi kami mahilig gumastos pero ngayon, kahit yata maubos lahat ng pera nang angkan namin ay wala na akong pakialam.
Natawagan ko na lahat ng dapat kong tawagan, maging ang mga taong ayaw sana naming makita ay pinadalhan ko na din ng mensahe. Bahala na lamang ang sekretarya niyang mag abot ng balita.
Mom is already on the plane pauwi dito. Ayoko na sana siyang tawagan pero malalaman niya din ang nangyari kay Grey dahil pauwi na din ang parents nila Milan. Halos himatayin ang aking ina ng madinig ang balita. Lalo na at naghisterikal na din ang mommy nila Ulap.
Naikuyom ko ang aking palad. Ako dapat iyon e. Ako dapat ang susundo kila Mattee kung wala akong dinaanan kanina.
Parang naninikip ang aking dibdib. This is all my fault, naging pabaya ako.
"He's fine," naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Ahyessa sa aking balikat. Napalingon ako sa kanya at tumango bilang pasasalamat. Tulad ko ay mababanaag na din ang pagod sa kanyang mukha.
Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Nabawasan ang aking alalahanin.
Si Alexo, umalis siya kanina pagkatapos niyang nakita si Grey na puno ang sugat sa mukha at may suot na ventilator para makahinga.
Mula nang dumating sila dito ay nakatulala lamang siya at hindi nagsalita. Kahit nung lumabas ang doktor at sinabing ligtas at walang masyadong pinsalang natamo ang kakambal niya ay ni hindi man lamang ito kumibo. Nagulat na lang ako ng magsimula siyang maglakad palayo hanggang sa tumatakbo na siya paalis.
Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na siya nagawang habulin. Isa pa ay hindi ako pwedeng umalis na lamang bigla dito.
"Padating na din sila Cinco, Xantha at Andrea. Kumuha sila ng mga gamit sa inyo. Here, magpalit ka muna," nadinig kong turan ni Ahjessa tsaka iniabot sa aking ang isang plastik na may lamang puting t-shirt sa loob. Bagong bili iyon na marahil ay sinaglit niya pa sa labas ng ospital.
Tinanguan ko naman siya bilang pasasalamat. Matapos noon ay naglakad na siya pabalik sa iba. Napatingin ako sa kanilang lahat na nakaupo sa gilid ng hallway at halos mga tulala.
Si Bobbie ay nasa ibang floor kasama ang mga magulang ni Mattee. Nandoon din ang pamilya ni Faye at kami lamang ang natira dito sa itaas.
Pag ikot ko ay nahagip ng aking paningin ang itsura ko salamin. Magulo ang aking buhok at ang suot kong tshirt ay puno ng dugo. Napasulyap ako sa aking kamay na may bahid din ng natuyong dugo.
It was my sister's blood.
Fuck.
Napasandal ako sa dingding sa sobrang panghihina. Ngayon ako nakaramdam bigla ng sobrang pagod.
Napapikit ako ng marahan. Naiangat ko ang aking kamay malapit sa aking dibdib at ramdam na ramdam ko pa din ang mabilis na tibok noon.
Ako ang pinakaunang nakarating sa pinangyarihan ng aksidente. I was on my way to school when I saw what happened.
Mabagal lamang ang aking pagpapatakbo dahil medyo traffic dahil nga sa aksidente ngunit ngang makita ko sa gitna ng daan ang kotse ni Milan na wasak na wasak at wala nang gulong sa harapan ay halos panawan ako ng ulirat.

BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...