Cloud

3.1K 141 79
                                    

Cloud's Memories...



"Tutor? Ayoko!" malakas ang aking naging pagtutol sa sinabi ni Kuya Milan.

Tutor? Bakit ako magtututor e hindi naman ako nahihirapan sa school.

"Utos ni mama. Nireport ng dean yung grade mo sa isang subject. Napapala mo,"

Si Mommy?

Agad akong napanguso. If it's mom's decision ay wala na akong magagawa. Napakadaya naman!

"Ilang araw lang naman iyon at finals na. Maglalaro na naman kayo ni Gold,"

Napanguso na lamang ako at hindi na nakakibo. Bahala nga sila.


It's Tuesday, ngayon ko makikilala yung magiging tutor ko daw. Paano kung masungit na babae iyon? O kaya yung katulad ng babaeng lumapit kay Lexo dati?

Hala nakakatakot.


Nasa loob ako ng room kung saan ko makikita daw yung tutor ko pero wala pa siya. Napasimangot ako, tutor ko pero late.


Umalis na lang kaya ako? Kaya lang baka pingutin ako ni Kuya. Nakakatakot pa naman si Kuya Milan lately, laging badtrip.

Napakamot ako sa aking ulo at naisipan ng tumayo tsaka sumilip sa labas. Walang masyadong tao dahil halos tapos na ang mga klase.

Ang dilim dilim na, aswang ba yung tutor ko? Dadamihan ko na talaga ang kain ng mga lutong bawang ni Kuya Ice.


Napabuga ako ng hangin at sinilip ang kabilang pasilyo.

One minute, pag wala pa iyon uwi na ko.

Palingon lingon pa ako and then I saw her, that girl I always see walking on the hallway.

Yung babaeng hindi namamansin.

Napalunok ako.

She's using her phone, nakasimangot na naman siya at parang mainit na naman ang ulo. Siya ba ang tutor ko?

Napahawak ako sa aking dibdib at biglang napaatras.

Shit. Yung crush ko yun e!

Mabilis na napatakbo ako pabalik sa lamesa at dinampot ang aking bag.

Backout!

Dahil hindi siya nakatingin ay mabilis akong nakapuslit palabas at nagtago sa isang sulok.

Ganito ba yung naramdaman ni kuya Keso noong una niyang nakita si Andeng? Sabi ni Lantis na love at first sight daw si Kuya don e.

Pinaypayan ko ang aking mukha at binasa ang aking labi.

I remember the first time I saw her. Naglalakad din ako sa hallway patungo sa susunod kong klase ng masalubong ko siya.

She was wearing a loose boyfriend pants at checkered na off shoulder na kakarampot at hindi man lang umabot sa kanyang tiyan. Hindi ba siya kinakabagan?

Napalunok ako at kusa ng napahinto sa paglalakad.

Hindi ko alam kung anong kulay ng kanyang buhok, medyo light, hindi naman blonde, basta sobrang bagay sa kanya. Maliit ang kanyang mukha at ang kanyang bangs na bahagyang tumatakip sa kanyang mga mata ay parang gusto ko biglang hawiin.

And then she lifted her gaze.

Saglit lamang iyon pero sapat na para makita ko kung gaano kaganda ang kanyang mga mata at kung gaano kapula ang kanyang mga labi.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon