46

2.9K 102 32
                                    

Bar...

"Oh, I've been dreamin' 'bout it. And it's you I'm on! So stop thinkin' 'bout it!" birit ni Chaese na panay pa ang pagpikit at hawak ang kanyang phone habang nagsusway ang katawan.

My body waved even when I was sitting at the backseat of the car, si Xantha ay bigay todo din sa harapan na kumakanta habang kunwaring nagdadrive. Sa tabi niya ay si Ara na panay na ang hagikgik, pulang pula na din ang mga pisngi, halatang hindi sanay uminom ng alak.

"Can't we just talk? Can't we just talk?
Talk about where we're goin'...Before we get lost...Let me out first!" birit namin ni Ahyessa dito sa likod. Si Andrea ay si Lantis ang kinukulit, o si Grey na ba iyon dahil humahagikgik na din. I can't remember kung nakainom ba siya kanina ng alak.

But whatever. It's our nightout. Grey deserves to have fun once in a while!

Sinabayan namin ang tugtog na sumasabog sa loob ng kotse. Kanino nga ulit itong kotse?

"Bobbie! Ang cute ng color ng bra mo!" niyakap ako ni Andrea na ginantihan ko naman agad ng yakap.

Sinilip ko bahagya ang suot kong bra sa ilalim ng itim na Mesh Ruched Mini dress kong suot. Hindi din kase ako sure kung may suot ba ako at nahihilo na din ako ng kaunti.

"Hala naka nipple cover lang ako!" natatawa kong turan. Ang cutie, alisin ko na kaya tong  nipple cover! Kawawa naman ang dibdib ko, naiipit!

The girls and I went out earlier. Iniwanan namin si Teesha kay Ulap at naglalaro sila sa living room with an XBox. Tamang tama dahil parang isip bata lang naman din ang mga kasama niya.

Kuya Ae was also playing. Dumating din doon si Julio dahil hindi kami pumayag na hindi kasama si Ara. Even Erish came dahil tinawag ko. He looked so pissed off though when he found out na paalis kami at maiiwan siya sa bahay. Dapat lang na magtatambay siya doon para naman magkasundo sila ni Ulap.

Ang lalaki kong iyon, napakaseloso din. Nahuli kong iniirapan niya si Erish and knowing my bestfriend, he won't backdown. Ang ma-manly naman sana nilang tignan pero hindi ko alam bakit ganoon sila umakto.

And yes, we went out of the mansyon looking some baddas girls. Si Xantha ay naka itim na Ribbed Crisscross mini dress na talaga namang tinutulan ni Kuya Ae. As if naman na mapipigilan niya si Xantha.

Andrea was wearing a semi-sheer sequin dress. Gusto ko din talagang magmura kanina ng halikan ni Keso ang kanyang sentido at sinabihang mag ingat. Ni hindi na ito tumutol sa suot ni Andrea na isanb malaking sana all dahil si Ulap ay gusto akong pagsuutin ng pajama noong una. And the reason was not because he doesn't want me to show some skin. Ang sabi niya ay mas sexy daw tignan kung nakapajama ako.

What's sexy about me wearing a pajama e palagi naman niyang hinuhubad sakin iyon!

Si Ahyessa ay naka Cami bodycon dress na kulay peach habang si Grey naman ay naka Sheer-Tiered ruffle dress na may manggas na umaabot sa kanyang siko. Gusto sana namin ay mag tube top na lamang siya pero muntik na siyang sinipa pabalik ng kwarto ni Alexo noong una siyang lumabas na naka tube dress. Even Ara was wearing a Pink Lace overlay mini dress.

All in all, we're rocking.

Ang pinakaimportante, ang paalam namin ay pupunta kami sa isang birthday party ng friend ni Ahyessa. How they believe that she has other friends apart from us beats me. Hindi ko alam kung hinayaan lamang nila kami na umalis kahit diskumpyado sila sa itsura namin, o gusto din nilang mapag isa.

Fast forward to now, it's only ten in the evening but we're wasted. Lumabas kami kaninang nine mula sa isang bar at tumambay sa parking lot, sa loob ng kotse at dito nag ingay. Hindi pa kami pwedeng umuwi dahil delikadong magdrive kapag lasing.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon