Baby...
"Huy..."
"Madrigal..." naramdaman ko ang pag alog ng aking upuan habang nakatungo ako sa aking upuan, ang aking atensyon ay nandito pa din sa sinasagutan ko.
We're having a long quiz at itong kung sinong walanghiya na nakaupo sa likod ko ay nakakadalawang yugyug na sa upuan ko. Hindi ko siya pinapansin dahil sumasakit ang sarili kong utak sa sa pagsasagot. Akala yata ng hayop na to, porke scholar ako e lumuluwa na katalinuhan tong utak ko.
"Barbara!"
Napapikit ako bahagya, ang inis ay unti unti ng umaahon sa aking ulo.
Nagtaas ako ng kamay at agad naman akong napansin ng prof namin.
"Yes, Miss Madrigal?" tanong ni Ma'am. Nasa mid-thirties lang ito at medyo strikto.
"Sorry ma'am but I can't concentrate on asnwering. The girl behind me, whoever she think she is, keep on calling my name. Niyuyugyog pa ang upuan ko. Can I request to be transfered to another seat?" walang takot kong turan. Nadinig ko namang napasinghap ang babae sa likuran ko. I don't know her. I don't even remember kung ano ang itsura niya dahil wala naman ako madalas pakialam sa mga tao sa paligid ko.
Kung hindi ko nga lang tinuturuan si Ulap ay baka hindi ko din nakilala ang mga Puntavega at ang mga babae kahit pa nga pinsan ko si Matilda. Hindi naman kase siya dito nag aaral.
I fucking hate bullies. Akala yata ng mga tao dito ay kaya nila makapanlamang ng kapwa. I am Barbara Madrigal. Hindi ako pumapayag na naaapi ako. I don't start meaningless fight but I don't back down eaither. Kapag tama ako, tama ako. Tatay ko nga walang nagawa, siya pa kayang boses kalapati siya. Pasalamat talaga to at mahaba haba pa ang pasensya kp kundi baka nasungalngal ko talaga to. Nakakahilo kaya yung pagyugyog niya.
"Is that true, Miss Alonzo?"
Isa pa tong ikinakainis ko. Itatanong pa kung totoo. Alangan na nag iimbento ako.
"No po, ma'am. I'm not even talking to her," naiirap ko ang aking mata bago siya nilingon.
Ang matalim kong tingin ang sumalubong sa kanya. Napansin ko naman na bahagya siyang kinabahan.
"Try doing again what you did earlier and I swear, ipapalamon ko tong test paper ko sayo," turan ko sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata. Ibinalik ko naman agad ang aking atensyon sa sinasagutan kong papel. Ang gigil ko dahil sa nasayang kong oras ay naibuhos ko sa pagdiin ng aking pagsusulat. Hindi na rin naman kami sinita ni ma'am at hindi na ko kinulit pa ng babae sa likod ko.
These past few days ay dumami ang mga pumapansin sa akin. Yung iba nagpapakamusta kay Dakota habang ang iba naman ay pasimpleng nagtatanong tungkol sa mga lalaki. Kahit anong ilap talaga nila ay marami pa ding interesado sa kanila.
Kaya lang malas nila, hindi ako masyadong friendly.
Meron din naman na sinasadya akong bungguin sa hallway. Mga inggitera na pinaglihi sa sama ng loob. Hindi nila alam kapag nabwisit ako baka tumilapon sila pag ako na bumangga sa kanila. Mabuti na lang din talaga marunong akong magpigil. Yun nga lang, yung bunganga ko hindi ko maawat minsan. Mas maganda na sa umpisa pa lang alam na nila na hindi ako papalukob sa takot pagdating sa mga pambubully nila.
Nang matapos ako ay hinayaan naman na akong lumabas ng aming prof. Pagdating ko sa labas ay nagulat pa ako ng makita doon si Ulap at tila naghihintay.
He was wearing a plaid blue polo shirt with a black ripped jeans underneath. He was reading something on his phone at ni hindi binibigyan ng pansin ang ilang mga babaeng panay ang tingin sa kanya. Ang iba ay nakakumpol na malapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...