40

3.1K 121 50
                                    

Selos ka pa...

"Ano ka ba? Bumibili lang ako ng mga necessities ni Teesha,"

Muli akong dumampot ng mga tissue habang tulak ng isa kong kamay ang cart. I was wearing a bluetooth earpiece kung kaya't malaya kong nagagamit ang dalawa kong kamay.

Ano pa bang kailangan? Marami rami na din naman akong nabili.

Nang makita ko ang mga bote ng alcohol ay dumapot din ako ng dalawa - isang malaki at isang maliit.

Narinig ko siyang bumuntong hininga mula sa kabilang linya. Kanina pa siya hindi matigil tigil sa katatawag simula ng malaman niyang lumabas ako ng bahay.

"Dapat ay hinintay mo na lang ako. You shouldn't be going around like that,"

Natawa naman ako ng bahagya. "Wala naman akong sakit Ulap. Hindi ako mapaano kung lalabas ako,"

I pushed the cart and turned on the corner. Gusto ko ng chocolates.

"But you're still sore..." bulong niya na ikinasamid ko agad. Nakabig ko ang cart na aking tinutulak dahil muntik ko na itong naibunggo sa isang shelf.

Oh my God!

Hindi ko siya kaharap ngunit sigurado akong namumula na agad ang aking mukha.

Nagpalinga-linga pa ako at siniguradong walang nakapansin sa pagkataranta ko.

"Cloud!" sita ko sa kanya ng makalma ang aking sarili.

Shit.

Nasapo ko ang aking dibdib sa sobrang kaba. Naalala ko ang mga nangyari sa amin kagabi.

True to his words, he made it possible that Teesha bunk with her uncles. And she did. Sumama siya sa rooftop kasama ni Alexo. May kwarto naman doon at nanuod sila ng movie daw na Tangled.

And just right after he locked the door, mabilis pa sa alas kwatro niya akong nasunggaban at ni hindi na kami nakaabot sa kama. He was so rough and I was hungry for him that it didn't matter kung ano na ang mga nasasagi namin. Marami naman kaming pera. Pwede kaming bumili ulit ng bago kahit masira ang buong kwarto.

Five fucking years. At hindi na kami teenagers. Akala ko ay magkacuddle na lang kami ng matapos kami pero akala ko lang pala iyon dahil ang ending, hindi ko na nabilang kung nakailan kami.

The next rounds, he got rougher and rougher. Parang hindi siya napapagod.

We did it so many times that I felt really shy the morning we woke up.

Nakakahiya talaga. Hindi ko alam kung gaano karaming kalmot ang naiwan sa likod ni Ulap. Halos makalbo ko na yata siya dahil hindi ko na nakontrol ang kamay ko. At ang pinaka-ipinagpapasalamat ko ay ang pagiging halos soundproof ng kwarto. Hindi naman siya totally soundproof pero hindi mo naman kami madidinig sa labas unless talagang mag effort ka na magsuksok ng kung ano ano sa ilalim ng pinto.


Hindi ko siya halos matitigan sa mukha dahil sa sobrang hiya ko kaninang umaga. Pero nang sundan niya ako sa banyo ay para na din akong sunod sunuran na sa kakaunting haplos lamang niya ay agad akong bumibigay.


Nadinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

"Dapat ay natulog ka na lang maghapon. Sinama naman ni Kuya Julio si Teesha sa Rkive,"

"Okay nga lang!" giit ko at nag umpisa na ulit itulak ang cart ngunit hindi pa ako nakakalayo ay halos mapasigaw na ako sa sumunod niyang sinabi.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon