Habang buhay....
"Okay na?"
Napangiti ako sa kanyang naging tanong bago umungol habang umiiling. Mula sa aking pagkakapasan sa kanyang likuran ay kitang kita ko pa din ang kanyang naging pagnguso.
Dapat ay sanay na ako pero hanggang ngayon ay parang hinahalukay pa din ang aking tiyan sa kaba sa tuwing ganyan siyang umasta.
He just looks so cute, so adorable, so...him.
"Isa pang ikot. Kaya mo pa kaya," pang iinis ko sa kanya.
"Momma, you're heavy," sabat ni Teesha na nakaupo sa couch, katabi niya si Grey na medyo alanganin pa ang ngiti.
Isang lingo na ang nakalipas at halos nakalimutan na namin agad ang naging gulo ng pagdating ni Grey. Siguro ay naging habit na nila na magkunwaring okay lang ang lahat kahit pa nga alam namin sa sarili namin na ang hirap, na ang gulo.
Isa pa ay parang si Grey lang muli ang kasama namin simula ng gumising siya. Sabi sa akin ni Andrea ay dominant talaga ang personality ni Grey sa mansyon. Kahit pa nga paminsan minsan ay si Lantis na lamang ang biglang lumilitaw, nagpapasalamat na lamang kami dahil hindi pa ulit lumalabas si Atlas.
Kapag naaalala ko kung paanong sumiklab si Alexo at kung paano nanlisik ang mga mata ni Atlas dito ay nanginginig pa din ako sa sobrang kaba. Nalaman namin na sinubukan yatang ibangga ni Atlas ang kotse bago siya pumunta sa mansyon. Pinapanuod ni Lexo sa mga kuya niya ang video habang kaming mga babae ay dumistansya na lamang at hindi na nakialam pa.
Mas madalas ay si Teesha ang kasama ni Grey. Naglalaro silang tatlo nila Lexo sa sala ng Xbox at nagsasayaw. May pacomeback pa ang walangyang power ni Lexo.
"Kuya Cloud, I think kailangan mo nang samahan si Kuya Chase sa gym to enhance your stamina. Ang payat ni ate Bobbie pero nakakadalawang ikot pa lang kayo sa bahay ay hinihingal ka na. Hindi ka kase nage-exercise!"
Umingos naman si Cloud at nagawa pang irapan si Grey.
"Nage-exercise kami pero secret lang. Bawal ka pa ng ganoon!"
Namula naman agad ang aking pisngi sa kanyang tinuran. Parang alam ko na agad ang ibig sabihin kaya kusa ng kumilos ang aking kamay at kinurot siya.
Napakaano talaga nitong si Ulap!
"Ano ba yang exercise niyo? Mas maganda naman exercise namin ah! Palagi ako ginigising ni Lexo para magjogging!"
Naalala ko bigla ang abs ng batang iyon. Grabe ang katawan tulad ni Chase pero ang mga utak parang kay Ulap. Minsan ay iniisip ko talaga kung paano magkakaroon ng girlfriend si Alexo e.
"Basta hindi ka pwede sa exercise namin! Gusto mo makapatay si Gold? Dyan ka, itirintas mo so Teesha. Ganda ganda ng anak ko e," agad na sumulyap si Cloud sa gawi ng aming anak at nakuha pang gumawa ng baby noises. Sobra niya talagang iniispoil si Teesha.
Natawa na lang ako sa pagbabangayan ni Ulap at Grey. Ang alam ko ay si Lantis ang hindi niya kasundo pero feeling ko ay sulky pa din siya sa ginawa ni Atlas kaya ganito siya ngayon kay Grey.
"San ka punta kuya?" nadinig kong tanong ni Grey sa kuya keso niya na pababa ng hagdan. Mukhang bagong paligo ito at nakasuot lang ng black shirt at denim pants. Bagong kulay ang buhok nito na may pagkasilver kaya mas lako itong pumuti. Muntik ka na nga masapok nung isang araw si Andrea dahil kung makatitig sa dyowa niya akala mo naman lalamunin na ng buo. Masyadong halata!
"Pinapasundo ni Andrea si Ahyessa sa bar. Brokenhearted yata, ayun naglasing . Wala talagang kadala dala," umiiling niyang turan hanggang sa makababa siya ng hagdan. Tinapik ko naman ang balikat ni Ulap na naging hudyat para ibaba niya ako na ginawa niya naman agad.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...