Kama...
Wala na din akong nagawa at napilitang sumunod sa kondisyong inihain ni Kuya Aedree. Isa pa, after seeing how Taias looked at the picture of his father with so much longing in his eyes, hindi kaya ng puso kong patuloy pang saktan ang bata.
Halos manghina ako nang tawagin ako ni Lexo at ikwento kung paano hinawakan lahat ni Mataias ang gamit ng tatay niya. And then I found him sleeping on his father's bed. Kahit siguro sino ay matutunaw kung makita nila iyon.
"It's going to be okay," napalingon ako kay Erish na inilalabas ang mga gamit ko mula sa likuran ng sasakyan. Kakababa namin ng sasakyan at hindi pa nakakapasok sa loob ng mansyon.
Napatingin ako sa malaki nilang bahay bago napalunok. Inayos ko pa ang laylayan ng aking paldang nalukot dahil sa pagkakaupo sa kotse ni Erish. Hindi ko na nahintay ang bukas para sunduin ako ni Ulap dahil kabadong kabado ako.
Ang isipin lamang na magkakasama kami sa loob ng isang sasakyan ay baka himatayin na ako. Kaya kahit halos gabing gabi na ay pinilit ko si Erish na ihatid ako. HIndi pa naman kase kami nakakapag ayos ng gamit kaya halos nasa maleta pa din ang mga gamit ng mga bata.
Si Teesha at Taias ay iniwan ko na dito sa mansyon kanina dahil ayaw talagang pakawalan ni Lexo ang pamangkin niya. Tutal naman ay nakatulog na si Taias sa kama ng tatay nito ay hinayaan ko na lamang. Si Teesha naman ay ni hindi umiyak ng magpaalam ako. I wonder how she feels about everything.
"Ilang taon mo ba balak tumira dito at dinala mo yata buong pagkatao mo, oh fuck!" natawa ako nang mapamura siya habang ibinababa ang pinakamalaki kong maleta. Natawa naman ako sa itsura niya kase para na siyang natatae talaga.
"Hindi ko yan buong pagkatao. Kung pagkatao ko laman niyan baka hanggang bukas hindi ka pa tapos!" pinagtaasan naman niya ako ng kilay.
"So ano to, panglandi mo lang lahat? Aba Barbara, di pa ko ready magkapamangkin ng isa pa,"agad namula ang aking pisngi sa sinabi niya.
"Hoy! Walangya ka talaga!"
Mygad, ano bang iniisip niya na gagawin ko dito?
Naalala ko bigla ang itsura kanina ni Ulap. Napalunok ako.
Barbara, kumalma ka. Wholesome ka lang mag isip.
Nadinig ko na naman siyang magmura na halos kapusin na yata ng hininga nang tuluyang maibaba ang maleta ko. HIndi lamang naman gamit ko ang nadoon kung hindi maging ng mga bata. Okay, a few of my makeups and other stuffs but still, napaka-OA naman yata ni Erish. Hindi kase nage-exercise and hayop. Dinadamay pa ang mga gamit ko sa pagiging mahina niya.
"Ikaw pakahilig mo magmura kahit andun yung mga bata!"kunwaring sita ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako at tumayo ng maayos habang pinupunasan ang pawis na namuo na sa kanyang noo. Naawa naman ako kung kaya't lumapit na ako sa kanya at kinuha ang panyong nasa kanyang kamay upang mapunasan ko na ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...